PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Japanese actress on Direk Joel Lamangan

JC de Vera at Sakura Akiyoshi, tampok sa pelikulang 'Apo Hapon.'
by PEP Troika
Published Jul 29, 2023
Sakura Akiyoshi JC de Vera Joel Lamangan
Japanese actress Sakura Akiyoshi will star opposite Filipino actor JC de Vera (right) in the upcoming film 'Apo Hapon,' to be directed by award-winning director Joel Lamangan (left).
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Kumbinasyon ng rom-com at kasaysayan ang bagong pelikula na isu-shoot ni Direk Joel Lamangan, ang Apo Hapon.

Bida rito si JC de Vera at ang pure Japanese actress na si Sakura Akiyoshi.

“Ipapakita rito ang magandang pagtanggap sa isang banyaga sa isang town, kung paano siya tinanggap at ikinunsider na bahagi ng town dahil sa kagandahang-loob na ipinakita ng banyaga,” lahad ni Direk Joel sa storycon ng Apo Hapon nitong Hulyo 27, 2023, Huwebes, sa Max’s restaurant, Sct. Tuason St., Quezon City.

“Dahil yung banyagang iyon ay isang inhenyero, at siya ang tumulong sa pagpapaunlad ng taniman at irigasyon ng buong town, at siya ay naging hero.”

Marami bang naitulong ang mga Japanese sa ating bansa noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945)?

“Maraming pinatay ang mga Hapon nung panahon ng Hapon,” tugon ng multi-awarded director.

“Pero ngayon, maraming nagtatrabahong Pilipino sa Japan. Maraming pagkakaibigang naganap sa panahon ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong araw… sapagka’t ang istorya namin ay historical — ito ay fiction based on historical facts.

“Kasi may mga naiwan naman talagang Hapon noong araw. Kung tatanungin mo ako, noong araw, ano ang nagawa ng Hapon?

“May nagawa ang isang Hapon dito sa isang town, kung saan siya ay in-adopt bilang isang native.”

Binase o inspired ba itong Apo Hapon sa isang true story?

“It’s fiction. But there are some facts, historical, na merong mga Hapon na tumulong sa mga town kung saan sila na-assign that time,” pahayag ni Direk Joel.

“Pero this is a fictitious story. This story was created by me based on historical facts that I’ve heard and I’ve read.”

Ang pag-iibigan ng isang Pilipino at isang Japanese during World War II ay tinalakay na sa pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos (1976) ni Direk Mario O’Hara, maging sa Aishite Imasu 1941: Mahal Kita (MMFF 2004) ni Direk Joel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero siyempre, nandiyan din ang mga istorya ng comfort women at comfort gays. Hindi kaya maparatangan si Direk Joel ng historical revisionism sa Apo Hapon?

“Gagawa din ako ng comfort women. Gagawa din ako ng comfort gay. Gagawa ako ng lahat ng katotohanan tungkol sa World War II, or after World War II,” pagmamatwid ni Direk Joel.

“Hindi naman isang phase lang ang World War II story. Maraming istorya ang World War II!

“Isa ito sa maganda ang istorya na idinulot ng World War II. Ano’ng revisionism doon?!”

Nasa cast din ng Apo Hapon sina Lianne Valentin, Fumiya Sankai, Nella Dizon, Jim Pebanco, Perla Bautista, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Yoshiko Hara, at Prince Clemente.

Ang screenplay ay akda ng premyadong si Eric Ramos. Handog ito ng GK Production.

GORGY RULA:

Bale pangalawang movie ni Sakura itong Apo Hapon. Ang una ay ang Gumising Ka, Maruya, kung saan si Empoy Marquez ang kanyang leading man, sa direksiyon ni Armando Reyes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Sakura, sobrang masaya siya nang gawin ang unang movie niya, pero mas excited siya sa role niya sa second movie niyang Apo Hapon.

“Kasi po, sa Apo, Japanese, pure Japanese po. Tapos pero yung puso ko, talagang Filipino,” nauutal sa pagta-Tagalog na lahad ni Sakura.

“Pero mas gusto ko Filipinas, oo. Kaya sobrang excited na excited ako with this movie.”

Sa istorya ng Gumising Ka, Maruya ay hinanap niya sa Pilipinas ang nanay niyang Pinay.

Sa Apo Hapon, nag-research ang karakter niya tungkol sa lolo sa tuhod niyang Hapon na namatay sa isang bayan sa Pilipinas.

Excited daw si Sakura na maidirek ni Joel Lamangan. Ano ba ang pagkakilala niya rito? Hindi ba siya takot dito?

“Unang-una po, ahhh so… e, totoo ba? OK, totoo. Hi! Hi! Hi!Hi!” pagbungisngis ni Sakura.

“Sa unang-una po, sobrang takot ako sa kanya. Kasi po sobrang sikat po direktor. Kaya sobrang takot ako sa kanya, sobra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero pag nagkita na kami, sobrang mabait din siya. Pero siyempre, pag start na yung shooting, iba talaga tao. Siguro iba tao. Pero handa na ako.”

Napanood na raw ni Sakura si JC sa bagong teleserye nito sa TV5 na Nag-aapoy Na Damdamin, at sa isang movie nito na streaming sa Netflix. Nakalimutan daw ni Sakura ang title ng nasabing movie, kaya nag-sorry siya.

Read: Bardagulan nina JC de Vera at Alex Gonzaga sa The Entitled, patok sa Netflix viewers

NOEL FERRER:

Second movie ni Fumiya itong Apo Hapon after Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim (MMFF 2020).

Ano ang masasabi ni Direk Joel sa mga baguhang kagaya nina Fumiya at Sakura upang huwag silang kabahan o matakot sa shooting ng Apo Hapon?

“Relax lang sila,” mabilis na sagot ni Direk Joel.

“Iyon ang puwede kong sabihin sa kanila, ‘Relax lang kayo. Ito’y trabaho lang. Hindi niyo naman ikamamatay ito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Relax lang, we’ll do good. I will help you to be better actors and actresses. Relax.

“You will commit mistakes, fine. You commit mistake once, fine. Twice, fine. Thrice, no more fine, OK. You have to do it correctly already, OK?

“Di ba? Relax lang, sasabihin ko sa kanila.”

Namamangha ako sa pagkapurisgido ng mga bagong talents na gumawa ng pelikula. Sana talaga, makatisod sila ng magandang project na magpapabalik ng mga tao sa panonood ng sine sa mga sinehan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Japanese actress Sakura Akiyoshi will star opposite Filipino actor JC de Vera (right) in the upcoming film 'Apo Hapon,' to be directed by award-winning director Joel Lamangan (left).
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results