GORGY RULA:
Ilang beses ding napa-pack up ang taping ng upcoming GMA-7 primetime series na Black Rider dahil sa ilang araw na masama ang panahon dala ng bagyong Egay at sumunod itong Falcon.
Pero na-enjoy ni Ruru Madrid ang taping sa bagong action-drama series na ito dahil ibang-iba raw ang action scenes na ginagawa niya rito kung ikumpara sa Lolong.
"Talagang iniba po namin ang action dito. Mas matindi at... basta pag makita niyo po... actually yung sneak peak pa lang namin ng fight scenes sobrang... kumbaga pag pinapanood mo, ikaw mismo ang mapapagod.
“But it's all worth it dahil pangarap ko naman talaga ito," kuwento sa amin ni Ruru nang dumalo siya sa premiere night ng The Cheating Game nung Lunes, July 24, 2023.
Nag-enjoy rin siya nang nakakasama na niya si Matteo Guidicelli sa taping.
Read: Ruru Madrid, excited na sa pagsasamahan nilang teleserye ni Matteo Guidicelli
"Sobrang nag-enjoy ako with Matteo kasi ang tagal naming magkausap sa tent. Buong araw kaming dalawa lang magkasama. So, na-enjoy talaga namin yung pag-uusap," kuwento ni Ruru.
Ang isa pang napabilib siya nang husto kay Matteo ay nagawa nito ang lahat na gusto rin daw sana niyang gawin.
"Sobrang na-inspire niya ako sa mga ginawa niya. Nag-Scout Ranger siya. Nag-Ironman na rin siya before.
"So, lahat ng mga ginagawa niya, yun yung pangarap ko, e. So, siya yung nagbibigay sa akin ng advice kung ano ang dapat kong gawin.
"Iniengganyo niya akong mag-skydive, which is gusto ko naman talaga matutunan.
"Yun ahhh... nagkita din kami nung [GMA] Gala. Nagkuwentuhan din kami dun," saad ni Ruru.
Read: Sinu-sino ang mga tunay na nagningning sa GMA Gala 2023?
Nagtanong na raw siya kay Matteo kung paano makapasok sa Scout Ranger dahil pangarap din daw niyang maging sundalo.
"Dream ko naman talaga maging sundalo. So, sabi ko sa kanya, gusto ko talaga yung scout ranger.
"Pero kinukuwento niya sa akin, hindi raw talaga madali yung Scout Ranger... 45 days daw na sobrang hirap, pero sobrang worth it naman after.
“Pero kung talagang gusto mo, wala namang imposible kahit gaano pa kahirap yun.
"But I guess siguro kung mararamdaman mo talaga na kailangan o, I mean, gusto mong matupad yung pangarap na yun, kakayanin ko yung 45 days," sabi pa ni Ruru.
Read: Matteo Guidicelli finishes Scout Ranger training; Sarah Geronimo attends his graduation
JERRY OLEA:
Muling makakasama ni Ruru si Kylie Padilla sa Black Rider.
Natawa si Ruru nang tinanong na baka magselos ang girlfriend niyang si Bianca Umali dahil inamin noon ni Ruru na naging crush niya si Kylie.
"Baka sabihin ng mga tao, lahat na lang, crush ko!" natatawang pakli ni Ruru.
Parang reunion daw nila ulit ni Kylie dito sa Black Rider. Naging close daw sila nang magkasama sila sa Encantadia.
"Sobrang magkaibigan kami. Matalik kaming magkaibigan because of Encantadia, mga projects na ginawa namin. Masaya lang na magkatrabaho ulit kami. Makakasama ko siya ulit sa Black Rider.
"Nakakatuwa kasi nagkaroon kami ng reunion project at ito pang Black Rider, which is sobrang pangarap ko tong proyektong ito," pahayag ni Ruru.
NOEL FERRER:
Hindi na bago kay Ruru Madrid ang mapanghamong mga taping sa kanyang soap opera projects.
Remember Lolong? Sari-saring pagsubok ang sinuong nila at inabutan pa ng mga matinding lockdown protocols.
Kakayanin nilang lahat ito dahil grabeng efficient at mababait ang mga tao sa GMA Public Affairs na laging nasa likod ni Ruru.
Talagang alagang-alaga nila ang isa’t isa, kaya naman highly rated at most watched show ang ginagawa nila.
Good luck sa bagong teleseryeng ito na Black Rider.
