PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mikoy Morales on shooting with plaster covering his private part

Mikoy Morales: "Yung pagtanggal, pagkatapos... ang sakit-sakit."
by PEP Troika
Published Aug 1, 2023
mikoy morales tether
Mikoy Morales on undergoing intimacy workshop before shooting a daring scene: "I never imagined my first love scene would be like that. Na puwede pala ganun ka-safe. Na parang hindi mo mapi-feel na nasa set ka. O ma-feel na may mga camera, na may ilaw diyan."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Natatawa na lang ang Kapuso actor na si Mikoy Morales kapag naiisip niyang nasubukan na niyang nakahubad at plaster lang ang suot buong araw sa shooting ng pelikulang ginagawa niya.

Ginawa ito ni Mikoy sa pelikulang Tether, isa sa entries ng Cinemalaya XIX: ilumiNasyon na gaganapin mula Agosto 4 hanggang 13, 2023 sa PICC.

Read: Complete guide to Cinemalaya 2023 full-length entries

Ang ginawa raw ng direktor nilang si Gian Arre, pinagsama-sama ang intimate scenes nila sa loob ng isang araw na shooting.

"Kasi, effort consciously na brinaket na yung scenes depende kung papano niya isu-shoot,” lahad ni Mikoy sa mediacon nitong Agosto 1, Martes, sa Fin and Claw, Quezon City.

"Pinagsama-sama lahat sa isang araw lahat na intimate scenes. So, may isang buong araw na ginawa namin lahat ng intimate scenes in one whole day, para nandun din yung intimacy coordinator namin.

"So, naka-plaster ako dun... actually hindi siya plaster, kasi masakit pag plaster. So, may makeshift plaster kami na mga face mask, mga sanitary napkins. Naka-tape siya para hindi siya makita o kung masagap yung tape, hindi halata yung kulay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Okay naman siya pagkalagay, medyo challenging. Pero yung pagtanggal, pagkatapos... ang sakit-sakit. Sa bahay, nagkuskos pa ako.

"Para lang siyang nag-costume ka o nag-prosthetics ka, tapos yung pagtanggal nun after!" natatawa niyang kuwento.

Hindi pa raw niya napanood ang kabuuan ng pelikula kaya hindi pa niya alam kung babad o ilang beses ang butt exposure niya sa mga eksena.

"Hindi ko alam kung nakita sa shots. Hindi ko alam kung kita, pero oo ginagawa namin yung eksena na nakalabas yung puwet ko. Ewan ko kung nakunan nila yun," sabi pa ni Mikoy.

Ang gala ng Tether ay sa Agosto 7, Lunes ng 9:00 p.m., sa Cinema Rizal (Meeting Room 1) ng PICC.

Ang leading lady ni Mikoy sa Tether ay si Jorrybell Agoto.

mikoy morales jorrybell agoto tether

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA:

Sabi ni Mikoy, malaking bagay yung merong intimacy workshop dahil naging magaan yung trabaho sa set.

"Yun nga ang galing, kasi yun ang itinuro sa amin sa intimacy workshop na learn how to say ‘no.’ Kung mag-‘no’ ka sa isang bagay, okay lang yun kesa sa mag-‘yes’ ka pero afterwards, meron kang sugat pala. Baka it will form into a trauma.

"Yun yung klinarify ng director at ng producers namin. So, mas safe ang environment... in a very good way.

"I never imagined my first love scene would be like that. Na puwede pala ganun ka-safe. Na parang hindi mo mapi-feel na nasa set ka. O ma-feel na may mga camera, na may ilaw diyan.

"Na hindi mo maisip na, 'Ah, pag humindi ako, baka isipin, may attitude.' Or baka mali ang pagkagawa, ayokong ulit-ulitin baka mailang sa akin yung partner ko, wala lahat yun," saad ni Mikoy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marami raw siyang natutunan sa paggawa ng Tether, lalo na sa mga ganitong maseselang eksena.

"Dito na-reassure yung pananaw ko sa paggawa ng mga ganung eksena na parang... puwede palang ganito, e.

"Bakit hindi natin gawin dun sa ibang scenes, sa ibang shows na kailangang ganito, na kailangan ng intimacy workshops or kahit ng coordinator o mag-usap man lang.

"Ang laking bagay na kahit sa crew, kahit sa staff, alam na nilang lahat kung ano ang dapat gawin at di dapat gawin pag may mga ganung eksena.

"It really helps e. Kasi, parang matatanggal yung... ako kasi, sa mga first times na sumasalang ako sa set, talagang intimidating sa set.

"Like ako kunwari, hindi ako nag-taping nang matagal kasi may ibang... hindi ako nag-teleserye nang matagal, first time ko sa set, hanggang ngayon sa teleserye, nai-intimidate ako. Kasi, iba talaga yung culture.

“Ngayon, napatunayan na meron palang puwedeng gawin para hindi magkaroon ng ganun. Para lahat tayo ay magaan at swabe sa pag-work together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Not only for the actors, but even for the cameramen, even for the production, sa ibang tao nasa set na na mas mapadali yung trabaho nila na hindi paulit-ulit lagi.

"Iyon yung pinaka-takeaway ko dun na puwede naman pala."

NOEL FERRER:

Kuntento si Mikoy sa kanyang career ngayon, na hindi man siyang bidang-bida sa mga drama series o mga mainstream na proyekto, nalilinya siya sa mga project na gustung-gusto niyang gawin.

"I think, career-wise, I'm in a really happy place na pinag-uusapan lang natin dati.

"And I think this time around, parang... akala ko, okay na ako. Hindi pala, e. Mas nakakagutom siya na puwede palang ganito. Puwede pala yung sinasabi natin dati.

"So, mas open siguro ako ngayon sa mas marami pang puwedeng gawin. Bukod dun sa akala ko gusto ko na before. Mas marami pa pala akong gusto."

As in Mikoy can do movies, TV, and music really well. He can also write good scripts, ha, classmate ko iyan kay Sir Ricky Lee. Most of all, he can also bake killer brownies!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Thank God for people like Mikoy!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikoy Morales on undergoing intimacy workshop before shooting a daring scene: "I never imagined my first love scene would be like that. Na puwede pala ganun ka-safe. Na parang hindi mo mapi-feel na nasa set ka. O ma-feel na may mga camera, na may ilaw diyan."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results