PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards, may "real talk" sa mga artistang choosy sa projects

Alden: "Mag-ingat kayo sa mga tao sa paligid niyo."
by PEP Troika
Published Aug 4, 2023
alden richards at gma gala 2023
Alden Richards to newbies: "Mag-ingat kayo sa mga tao sa paligid niyo. Iyon ang nakakalimutan ng lahat, especially ng mga bago na... huwag po kayong masyadong available. Don't be too available to strangers that you've just met. Because you'll never know, may masabi ka diyan, masyado kayong masaya, masyado kayong emotional, may ikuwento ka... something personal about your life. And then ginamit yun against you."
PHOTO/S: Pau Guevarra

GORGY RULA:

Magsisimula na sa Sabado, August 5, 2023, ang month-long special episodes ni Alden Richards sa Magpakailanman.

Apat na Sabado ito sa loob ng buwan ng August na talagang masusing pinili ni Alden ang mga story na inilatag sa kanya.

Nagustuhan niya ang unang episode na gagawin niyang pinamagatang "A Runner To Remember: The Jirome de Castro Story," kung saan gagampanan niya ang role ng isang runner na merong cervical dystonia.

Ang cervical dystonia, ayon sa Mayo Clinic, ay "rare movement disorder causes neck muscles to contract involuntarily. This can make your head twist or turn into often painful positions."

alden richards magpakailanman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang gusto ng Asia's Multimedia Star na ang mga gagawin niyang kuwento ay makakapagbigay-inspirasyon sa mga manonood lalo na sa mga kabataan.

Patuloy na nakakapagbigay ng inspirasyon si Alden sa kanyang mga tagahanga, lalo na sa mga pinagdaanan niya bilang artista, influencer, negosyante, gamer, at bilang tao. Ang dami raw niyang natutunan sa loob ng mahigit sampung taon niya sa showbiz.

Nagmarka sa amin ang ilan sa kanyang mga pahayag na gusto niyang ibahagi sa mga artistang halos kaedaran niya.

Ani Alden, “I can speak po yung mga sa edad ko po. Maybe I can speak for them.

"Gusto ko pong sabihin sa kanila na paghirapan niyo kung gusto niyong marating kung ano ang gusto niyo. Hindi yan ibibigay sa inyo. Hindi yan isusubo sa inyo kahit na sino.

"You always have to prove your worth every time. There are no small projects. Yung iba po kasi ngayon, may naririnig-rinig po ako na ang choosy sa projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Real talk lang po, huwag po kayong maging choosy kung wala pa po kayong napapatunayan.

"I don't mean it in a negative way. I mean this in an inspirational kind of way na you have to prove yourself first bago ka mamili.

"Kasi ako, pinagdaanan ko yan before when I was starting. First six, seven years of my career, kahit ano lang po ginagawa ko, without question. Naghu-host, umaarte na bayani, naging ganito, naging ganyan.

"Habang nakikita po kasi ng mga tao, especially the bosses of your network that you’re in, masipag ka, ginagawa mo lahat without question.

"And there come a time na... the network is always fair. Hindi yan laging one-sided. Nakikita po nila ang hardwork ng mga tao, especially po sa aming mga aktor pagdating sa paggawa ng mga proyekto."

Read: Alden Richards admits he once let success go to his head

JERRY OLEA:

Ayaw lang ikuwento ni Alden nang detalyado ang naranasan niya pagdating sa pakikisama at pakikipagkaibigan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, “Aside from being a hardworker, yung pinaghihirapan mo lahat, yung motivation, yung puso, yung fire... mag-ingat kayo sa mga tao sa paligid niyo.

"Iyon ang nakakalimutan ng lahat, especially ng mga bago na... huwag po kayong masyadong available. Don't be too available to strangers that you've just met.

“Because you'll never know, may masabi ka diyan, masyado kayong masaya, masyado kayong emotional, may ikuwento ka... something personal about your life. And then, ginamit yun against you.

“Iyon yung mga ganung moments po kasi na hindi siya naiiwasan in our industry. So, ingat.

"It doesn't matter if you have a small group. Kahit bilang sa daliri. Basta these people, mapagkakatiwalaan mo sa lahat.

"Puwede kang malasing na kasama tong mga taong to. Itong mga taong ito, pag may problema kang kahit 3:00 in the morning, pupunta yan kahit saan ka.

"Those people are the ones you should treasure and keep in your life, especially when you're in this industry."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Alden Richards reaffirms loyalty to TVJ, original Eat Bulaga! Dabarkads

NOEL FERRER:

Ayon pa kay Alden, mahalaga sa lahat ang pagbibigay-respeto sa mga senior actors na nakakatrabaho mo.

"And final po, siguro respeto. Yung respeto na alam mong bago ka... hindi lang po ako ang nagsasalita ng ganito.

"Kahit papano naman po, medyo senior na rin ako, may sampung taon na po tayo, e.

"Ako po, if I know kung merong kesyo bago, kesyo senior na artista. Pag alam ko pong mas matanda sa akin, kahit bago po ako pa rin yung nagpapakilala. So, I think yun yung nawawala lately.

"Hindi po kasi ako naniniwala na pag sinasabi na nahihiya. It's a concious effort. You have to do it.

"Nag-showbiz po kayo, e. Kailangan niyo po siyang gawin. It's a courtesy.

"Ako po, ang dami ko pong experiences na ako po ang yung first nag-approach pero hindi po naging maganda yung balik, yung pag-acknowledge po dun sa gesture ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But I don't mind. As along as alam ko sa sarili ko, I paid my respect to my seniors.

"On top of all of it, yung respeto, hindi dapat dun mawala dun sa mga bago."

Read: The multifaceted Alden Richards

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards to newbies: "Mag-ingat kayo sa mga tao sa paligid niyo. Iyon ang nakakalimutan ng lahat, especially ng mga bago na... huwag po kayong masyadong available. Don't be too available to strangers that you've just met. Because you'll never know, may masabi ka diyan, masyado kayong masaya, masyado kayong emotional, may ikuwento ka... something personal about your life. And then ginamit yun against you."
PHOTO/S: Pau Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results