GORGY RULA:
Nakuha ng TAPE Inc. ang renewal ng Certificate of Registration ng trademark ng Eat Bulaga!.
READ: 'Eat Bulaga!' trademark na pagmamay-ari ng TAPE Inc., ni-renew ng IPO
READ: TAPE asks IPOPHIL to deny TVJ applications for "Eat Bulaga" trademark
Kinumpirma ito sa PEP Troika ng legal counsel ng TAPE, Inc. na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Hanggang 2033 daw itong nakarehistro sa naturang produksyon.
"Successfully nakapag-renew ng Certificate of Registration, ngayon until 2033 na iyung trademark registration ng TAPE sa name and logo.
“Despite the fact na may pending petition ng cancellation ng trademark ang TVJ," saad ni Atty. Maggie ngayong Agosto 5, Sabado.
Nag-file pa raw ang TVJ noong June 2 ng Cancellation of Registered Trademark laban sa TAPE, pero ibinigay pa rin ang renewal sa naturang produksyon.
"Lumabas yung Certificate of Renewal nila, kahapon [August 4] lang namin na-receive.
"That is despite the fact na may pending petition for cancellation sila sa trademark," dagdag niyang pahayag.
Tuloy pa rin ang pagdinig ng kasong Copyright Infringement na isinampa ng TVJ at ni Jeny Ferre laban sa TAPE, Inc. at GMA-7.
Bahagyang ipinaliwanag sa amin ni Atty. Maggie ang pagkakaiba ng copyright at trademark.
Pinagdiinan niyang ang titulo at logo ng show na Eat Bulaga! ay trademark daw dapat yun at hindi copyright.
"Trademark yun. In fact merong trademark registration si TAPE, kaya nagagamit niya,” sabi ni Atty. Maggie.
"Tapos yun, until 2033 magagamit yun ni TAPE, kasi naka-register sa kanila yun.
"Kaya napansin nyo, hindi ginagamit ng TVJ? E.A.T. yung ginamit nila, kasi nga naka-register talaga yun sa TAPE.
"Ang title at logo talaga, trademark talaga siya," sabi pa sa amin ni Atty. Maggie.
"Ang mga copyright, yung mga libro, kanta, o kaya... halimbawa may film ka, tapos sa baba dun nakalagay 'copyrights reserved' ganun. Yung mga ganun.
"Hindi ka puwedeng mag-copyright sa title at saka sa logo, trademark talaga siya, under IPO [Intellectual Property Office] law.
"Dapat kasi kung mag-apply ka ng copyright, mag-apply ka ng copyright sa Bureau of Copyright ng IPO.
"Kasi di ba, kung intellectual property mo yun, doon ka nag-a-apply sa IPO. Kapag copyright, Bureau of Copyright. Kapag trademark, Bureau of Trademark," dagdag niyang pahayag.
Susubukan ng PEP Troika na kunin ang panig ng TVJ.
Humingi kami ng tulong kay Tito Sen, kung paano ma-contact ang kanilang abugado, para sagutin ang mga pahayag ni Atty. Abraham.
Hinihintay pa namin ang kanyang sagot.
READ: Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
READ: Jon Jalosjos claims Tony Tuviera did not agree to TVJ trademark application
JERRY OLEA:
Nagkaroon ng 1st hearing ang usaping ito nung July 31 at naisalang na sa witness stand si Joey de Leon.
Pagkatapos kay Joey, si Jeny Ferre na dapat ang susunod na isasalang sa next hearing. Pero nag-manifest daw ang plaintiff na gagawin din nilang witness si Tito Sen.
Hindi lang siya maisalang noong araw na yun dahil pa raw itong Judicial Affidavit.
Binigyan daw ng korte si Tito Sen ng pagkakataong makapag-submit ng kanyang Judicial Affidavit, bago siya payagang mag-testify.
"Sa rules kasi, kapag nagti-testify ka, may Judicial Affidavit talaga.
"Binigyan ng court ng time si Tito Sotto na mag-submit ng Judicial Affidavit, 3 days after July 31 hearing.
"Tapos, pinag-fine siya ng 5 thousand," lahad ni Atty. Maggie Garduque.
Kaya sa susunod na hearing sa August 11 ay isasalang daw as witness si Tito Sen, at sa August 25 naman si Jeny Ferre.
Pagkatapos daw nilang mag-present ng witness, ang defendant naman, ang TAPE ang susunod na magdadala ng kanilang witness.
Meron daw limang witnessses ang ipi-present ng TAPE, Inc.
Siyanga pala, noong nakaraang Sabado, July 29, na 44th anniversary ng Eat Bulaga!, may ibinigay ang programa na house and lot ng Camella Homes sa bagong segment nilang May Pa-Key Sa Yo.
Ngayong Sabado ay nagbigay na naman sila ng house and lot sa taga-Laguna na lucky winner.
Parang halatang ibinigay ito ni Isko Moreno.
Linggu-linggo bang sila mamimigay ng house and lot ang revamped Eat Bulaga!?
NOEL FERRER:
Kuwelang-kuwela naman ang Sugod Bahay ng E.A.T. na ginagawa nina Jose Manalo, Wally Bayola at Zombie.
Tuwang-tuwa ang mga nasa barangay na napupuntahan nila ang pagpapakilala ni Jose bilang si Mayor Jose Manalo, na magmula raw nung ipinanganak pa siya ay ‘manalo' na siya.
Kaya tatakbo raw siyang Mayor sa bawat lugar na napupuntahan nila.
Kapansin-pansin sa E.A.T. ngayong Sabado na tila maingat na si Jose magbiro kay Zombie.
Maaring iniiwasan na lang niyang ma-bash kung hindi na niya mapigilan ang mga personal jokes kay Zombie.
