PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dolly de Leon, apektado ng strike

Dolly de Leon, magpapahinga muna habang may strike sa Hollywood.
by PEP Troika
Published Aug 10, 2023
dolly de leon ricky lee book launch
Dolly de Leon, sasamantalahin ang strike sa Hollywood para magpahinga: "Gusto ko munang mag-relax, parang mag-ano muna, huminga muna nang malalim.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Hindi tuloy ang lipad ni Dolly de Leon pa-Germany sa Agosto 28, 2023, para sa six-month shooting doon ng nine episodes ng Season 2 ng TV drama series na Nine Perfect Strangers.

“Kasi naka-strike pa kami,” sabi ni Dolly matapos ilunsad ang bagong nobela ni Ricky Lee na Lahat ng B (Karugtong ng ‘Para Kay B’) nitong Agosto 9, Miyerkules ng gabi, sa Cinema Palma ng PICC.

Ongoing pa ang strike ng writers at actors sa Hollywood. Wala pang petsa kung kailan aalis si Dolly pa-Germany.

“Puwedeng ma-move yun nang ma-move hanggang matapos yung strike,” sambit ni Dolly.

Tampok si Dolly sa dalawang competing feature-length films ng Cinemalaya XIX: ilumiNasyon, Ang Duyan ng Magiting at Iti Mapukpukaw.

Read: Complete guide to Cinemalaya 2023 full-length entries

Animated film ang Iti Mapukpukaw. Nag-rotoscoping doon ang mga pangunahing artista na sina Dolly, Carlo Aquino, at Gio Gahol.

Puwede ba silang ma-nominate sa acting awards for that?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko alam. Hindi ko alam, e.”

Ang sabi ni Direk Mac Alejandre, ramdam na ramdam ang emosyon sa mga mata ni Carlo Aquino. Literal na walang bibig ang karakter doon ni Carlo, kaya hindi iyon nagsasalita.

“Oo, grabe ang mata niya dun, di ba? I think, puwede naman sigurong ma-nominate dapat,” sabi ni Dolly.

“Kasi technically, kami pa rin yun, e. Hindi naman cartoon yun, e.”

iti mapukpukaw

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Carlo Aquino and Dolly de Leon in 'Iti Mapukpukaw'

Sa tagisan para sa best supporting actress, sinasabing mahigpit na magkalaban si Dolly at ang co-star niya sa Ang Duyan ng Magiting na si Agot Isidro — na nagbasa rin ng excerpts sa naturang book lsunch ni Ricky Lee.

“Ha?! Bakit?! Hindi ako dapat ma-nominate!” bulalas ni Dolly, na umasam na sana may ensemble award.

Bongga kasi ang ensemble ng cast ng Ang Duyan ng Magiting.

Maliban kina Dolly at Agot, kasama roon ang mahuhusay ring sina Bituin Escalante, Miggy Jimenez, Jojit Lorenzo, Frances Makil-Ignacio, Paolo O’Hara, Joel Saracho, at Dylan Ray Talon.

Anlakas ng teaser ng movie nina Dolly at Kathryn Bernardo na A Very Good Girl, na ipapalabas sa mga sinehan sa Setyembre 27. Milyun-milyon agad ang views nito sa iba’t ibang online platform.

Naulinigan ng PEP Troika na 60+ block screenings nito ang kasado na.

Read: Dolly de Leon bonds with Kathryn Bernardo through inuman session

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Excited kaming lahat na mapanood yun. Sana manood kayo!” bulalas ni Dolly.

Kumusta na sila ni Kathryn ngayong tapos na ang kanilang shooting?

“OK kami. Tuloy ang buhay… hinihintay na lang namin ang finished product. OK kami.”

Read: Dolly de Leon bonds with Kathryn Bernardo through inuman session

Ano ang next niyang gagawin for the meantime habang meron pang Hollywood strike?

“Ahhm, wala, pahinga muna ako. Pahinga muna.”

Hanggang kailan ang pahingang iyan?

“Hanggang tumigil ang strike sa Hollywood.”

Wala bang puwedeng sumingit na ibang project?

“Huwag muna! Gusto ko munang mag-relax, parang mag-ano muna, huminga muna nang malalim.”

Streaming sa Prime Video ang season 1 ng Nine Perfect Strangers, kung saan bida si Nicole Kidman bilang Masha Dmitrichenko na founder ng wellness resort na Tranquillum House.

Nasa cast din ng season 2 ng serye sina Liv Ullmann, Murray Bartlett, Maisie Richardson Sellers, at Aras Aydin.

Read: Dolly de Leon fully booked with international and local projects this 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA:

Makakapag-promote pa si Ms. Dolly para sa September 27 showing ng A Very Good Girl niyan.

Kung maging okay na ang lahat sa Amerika, may babalikan si Ms. Dolly na nakabinbin niyang trabaho.

Curious kami kung ito rin kaya ang dahilan kaya nandito ngayon sa Pilipinas si Liza Soberano. Malamang na apektado rin ang mga dapat niyang gagawin sa Amerika.

Aalagwa kaya ang Hollywood career ni Liza ngayong may ganyang strike pang sa Hollywood?

NOEL FERRER:

Karapatan ng isang great actress like Dolly de Leon na magpahinga after niyang magbigay ng karangalan sa ating bansa.

Ang maganda niyan, patuloy si Dolly sa pagsuporta sa mga efforts na nagpapaunlad ng ating industriya tulad ng MMFF at ngayon, ang Cinemalaya.

Excited din akong mapanood siya with Kathryn Bernardo.

At bilang mamamayang Pilipino, hanga ako sa prinsipyo at oryentasyon ni Dolly, consistent at binabagayan pa niya ng excellence!!! Mabuhay ka, Dolly!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dolly de Leon, sasamantalahin ang strike sa Hollywood para magpahinga: "Gusto ko munang mag-relax, parang mag-ano muna, huminga muna nang malalim.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results