PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jaclyn Jose Praises Azi Acosta's Acting

Jaclyn Jose on Azi Acosta: "May pupuntahan ang batang ito."
by PEP Troika
Published Aug 11, 2023
jaclyn jose azi acosta call me alma
Jaclyn Jose (left) on Azi Acosta: "Kahit na merong sexy scenes, hindi ka maaalibadbaran. Ang ganda ng katawan ni Azi! Ang ganda ng katawan niya, at hindi ka bastos tingnan. Kasi, mahusay ka."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Bumilib si Jaclyn Jose kay Azi Acosta na gumanap bilang daughter niya sa Vivamax movie na Call Me Alma.

“Ang husay mo!” sabi ni Jaclyn kay Azi nang lumapit ito sa kanya para bumati at magpugay matapos ang premiere ng kanilang movie nitong Agosto 10, 2023, Huwebes ng gabi, sa PICC Cinema Felipe.

Present din sa premiere screening ang direktor na si Mac Alejandre, scriptwriter na si National Artist Ricky Lee, at iba pang artista ng pelikula na sina Mon Confiado, Gold Aceron, at Aiko Garcia.

call me alma premiere

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng ongoing Cinemalaya XIX: ilumiNasyon ang premiere ng Call Me Alma, kung saan bongga ang mga eksena nina Azi at Jaclyn.

Sabi ni Azi, “Nagawa po namin nang maayos dahil na rin po tinulungan ako nang sobra ni Miss Jaclyn.”

Sambot ni Jaclyn, “Maganda kasi yung plot ng kuwento. Siyempre Ricky Lee ang sumulat. Idinirek ni Direk Mac Alejandre.

“So, ang ganda ng kinalabasan. Kahit na merong sexy scenes, hindi ka maaalibadbaran. Ang ganda ng katawan ni Azi!

“Ang ganda ng katawan niya, at hindi ka bastos tingnan. Kasi, mahusay ka,” saad ng beteranang aktres habang katabi ang baguhang Vivamax star.

“Salamat po,” pagngiti ni Azi.

Ano ang naramdaman ni Azi nang sabihan agad siya ni Jaclyn na ang husay niya sa pelikula, at paulit-ulit pa iyong sinabi?

Tugon ni Azi, “Sobrang saya ko po, kasi galing na po kay Jaclyn na isa nang beteranang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dati ko pa po sinasabi sa sarili ko na pag nag-artista ako, isa si Miss Jaclyn sa gusto ko pong makaeksena at nangyari na po yun ngayon!”

Sundot ni Jaclyn, “Mahusay! Mahusay ang batang ito! Sana marami pang… ay! Andaming ginagawa nito! Nakatatlo na yata!”

Pag-ayon ni Azi, “Opo! After ng Call Me Alma, nakatatlo agad ako.”

Pag-asam ni Jaclyn, “Sana makalabas siya ng Vivamax, at maisalang ni Boss Vic [del Rosario] sa iba dahil may pupuntahan ang batang ito.”

“Salamat po,” sambit muli ni Azi.

Nasa cast din ng Call Me Alma sina Josef Elizalde, Soliman Cruz, Richard Solano, at Chester Grecia.

NOEL FERRER:

Sa mga umalma sa pagpapalabas ng Vivamax movie na Call Me Alma sa Cinemalaya, ano ang masasabi ni Jaclyn?

Read: Director Mac Alejandre reacts to negative comments about premiere of his Vivamax movie in Cinemalaya

“Huwag niyong kalimutan, nasa PICC tayo ngayon. Parang dito yata naipalabas ang ating mga pelikula noong araw,” lahad ng beteranang aktres na Cannes winner.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala namang masama sa pelikula. Ang pang-Cinemalaya, pang-international siya. Dahil isinulat siya ng ating National Artist na si Ricky Lee!”

Iyong branding kasi ng Vivamax, iba ang dating. Itong Call Me Alma ang unang Vivamax movie na ipinalabas sa Cinemalaya.

“Hindi naman ibig sabihin na Vivamax e… di ba? Panoorin na lang nila para makita naman nila na… marami na rin akong nagawang Vivamax, e,” pahayag ni Jaclyn.

“Mahuhusay ang mga kuwento at mga artista.”

GORGY RULA: Hindi babad ang sex scenes sa Call Me Alma.

Mabilisan lang iyong threesome ni Azi with Aiko Garcia and Chester Grecia, ganoon din ang pakikipagharutan ni Azi kina Mon Confiado, Josef Elizalde, Gold Aceron, Richard Solano, at Soliman Cruz.

Bahagi ng pahayag ni Direk Mac Alejandre bago simulan ang Cinemalaya premiere ng Call Me Alma, “Unang-una po, gusto kong pasalamatan sa ngalan ng Viva Films, ng Vivamax, at ng lahat ng mga kasamahan kong gumawa ng pelikula ang Cinemalaya dahil in-include nila sa kanilang program ang pelikula naming Call Me Alma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ikalawa po, masaya po ako kasi matagal na po kaming gumagawa ng pelikula, pero dahil sa mga pangyayari, bihira naming mapanood ang pelikula namin sa big screen.

“So, masaya ako na kasama ko ang ilan sa mga kasama ko sa gumawa ng mga pelikula na mapapanood namin ang Call Me Alma sa big screen.”

In-acknowledge ni Direk Mac ang mga katuwang sa pagbuo ng Call Me Alma, sa pangunguna ng scriptwriter na si National Artist Ricky Lee.

Dagdag ni Direk Mac, “Hindi po namin in-intend ang Call Me Alma para sa Cinemalaya. Straight to streaming po sana ito sa Vivamax.

“Dapat naka-schedule siya end of August para mag-streaming sa Vivamax.

“So, nung nalaman namin na imbitado kami sa programa ng Cinemalaya this year, ito po ang pinakamabilis naming natapos na pelikula sa post production.

“Sa buong career ko na mahigit tatlumpong taon na direktor, ito po yung super-bilis.

“Kawawa naman po yung nasa post namin, hindi sila natulog nang ilang araw. Pero masaya po naming inihahandog sa inyo ang Call Me Alma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana po, mag-enjoy kayo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose (left) on Azi Acosta: "Kahit na merong sexy scenes, hindi ka maaalibadbaran. Ang ganda ng katawan ni Azi! Ang ganda ng katawan niya, at hindi ka bastos tingnan. Kasi, mahusay ka."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results