PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sinabihan si Ricky Davao ng ""Watch and learn"" ni Gina Alajar

Gina Alajar at Ricky Davao, nahihiwalay ang pagiging artista at direktor.
by PEP Troika
Published Aug 17, 2023
gina alajar ricky davao karnabal storycon
Veteran stars Gina Alajar and Ricky Davao, who are now both directing, co-star in the upcoming film 'Karnabal'
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Parehong beteranong artista sina Gina Alajar at Ricky Davao, na kapagkuwan ay naging direktor sa telebisyon. Naidirek nila ang isa’t isa.

Nagkakasama pa rin sila sa projects bilang co-stars, tulad sa bagong movie project ni Direk Adolf Alix Jr. na Karnabal.

Kapag artista sina Gina at Ricky sa isang project, artista lamang ba sila at ipinauubaya sa direktor ang pagdidirek?

Pahayag ni Direk Gina sa storycon ng Karnabal noong Agosto 10, 2023, Huwebes, sa Relish restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City, “Nase-separate ko naman.

“Pag artista ako, artista lang ako. ‘Bahala siya diyan!’ Kaya nga ako nag-artista, ayoko ng sakit ng ulo.

“Kasi ang direktor, siya ang nakakaalam ng lahat. Parang siya ang solusyon sa lahat ng problema ng movie making, or even ng directing for television ng mga drama.

“So ngayon, pag artista ako, artista lang ako. Yun nga lang, nagtatanong ako kung papaano ba, ano ang gagawin ko dito? Yung ganun. Ganun lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gina Alajar on teen stars of Prima Donnas: "Kung nagiging problematic sila... makakarating sa akin."

Napangiti si Direk Ricky, “Nung first time akong nakapagdirek, MMK yon, very first time kong magdirek. After that, nagbago na ang pananaw ko, ang tingin ko sa isang direktor.

“Kahit na direktor na hindi ko nagustuhan ang pelikula, andoon ang respeto ko sa kanila. Kasi, ang hirap maging direktor.

“Para mabuo mo ang isang proyekto, may beginning, may middle, may end. May sasabihin yung pelikula.

“Ang hirap. Napakahirap. Pag pinapanood mo na, madali kang magsabi, ‘Sana, ganito!’ ‘Sana, ganun!’

“Pero during the shoot, iba ang concentration mo. Saka hindi tayo katulad ng Hollywood na they have the luxury of sitting down, yung script reading muna with the writers hanggang maaprubahan yan.

“And then babasahin all over, and then reading with the actors. And then may changes. Siguro pag narinig na ng actors yan, magbabago uli. We don’t have that luxury.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, talagang grabe ang respeto ko sa direktor. Although artista pa lang ako, matanong na akong aktor. ‘Papaano ‘to, Direk? Paano ang gagawin ko?’

“Ma-suggest din ako. ‘Direk, can I do this?’ Ganun. As yung character ko. Yun yung ginagawa ko.

“Ahhh may experience nga ako, idinidirek ko si Direk Gina Alajar, e. Dinidirek ko siya…”

Napahalakhak nang malakas si Direk Gina.

Read: Ricky Davao, di maiwasang mainggit sa mga artistang idinidirek niya

Pagpapatuloy ni Direk Ricky, “Sabi ko, ‘Sige na! Eto ha, ipasok mo dito, ganito, ha?!’ Nanginginig pa ako. ‘Eto, ganito, Gina!’

“Sabi ni Direk Gina Alajar, ‘Direk Ricky, watch and learn.’ ‘Ha?’ ‘Watch…’ ‘Ok, pag ready na si Direk Gina, tawagan niyo ako. Take tayo.’

“In fairness naman… 5, 4, 3, 2, ACTION! Nanonood ako… Action! Camera 1, Camera 2… ‘Ahhhh!’ OK, CUT!

“Ang galing naman pala! Ano naman pala, may ‘K’ magsabi ng ‘Watch and learn!’”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA:

Natatawang sabi ni Direk Gina, binigyan lang ni Direk Ricky ng meaning iyong “Watch and learn!”

Sabi ni Direk Gina sa katabing si Direk Ricky, “Niloloko lang kita nun.”

Sa taping ng Magpakailanman iyon naganap.

Pagbabalik-tanaw ni Direk Ricky, “Yung mga preso, ‘Ang galing ni Gina Alajar, Direk Ricky!’”

Sansala ni Direk Gina, eksaherado ang pagkakuwento ni Direk Ricky.

Salaysay ni Direk Gina, “Kasi, joke namin yan, e. Joke namin yung ‘watch and learn.’

“Kasi nag-umpisa yan, dun kay ano… kay Lino Brocka na… si Lino Brocka, sasabihin sa iyo, 'O, umiyak ka, pero yung tears, gusto ko, sa kaliwa tutulo.’

“Or yung tears mo, sa kanan tutulo. Totoo yan. Kasi, yan ang instructions ni Lino Brocka. Kasi, kaya niya sinasabi nang ganun, dahil andito ang ilaw.

“Alangan namang dito ka umiyak, wala kang ilaw, sayang ang tears mo. Walang ningning.

“So ngayon, pag magkasama kami, minsan telesine… nagpupustahan kami, e. May iiyak. O, saan mo papatuluin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saan mo papatuluin, kaliwa o kanan? Sabihin ko sa kanya, ‘Kanan.’ Tapos nun, iiyak naman ako sa kanan. Sasabihin niya, ‘Hmph, yabang!’

“Anyway, hindi pa kami direktor nun. Telesine pa ni Tita Midz [Armida Siguion-Reyna] yun. So, nagdirek na kami ngayon. Joke pa rin yon!

“Kaya nung binibigyan niya ako ng instructions, para sa ‘kin, ‘Huwag na, mapapagod ka lang.’ Parang ganun lang ako.

“Huwag mo na akong bigyan ng instructions, kasi alam ko naman kung ano ang gusto mo. Parang yun ang nasa isip ko.

“Kaya ang sabi ko, ‘Watch and learn ka na lang!’ In-exagg niya at saka gustung-gusto niyang ikuwento yun. Paulit-ulit na lang!

“Gusto niya ano, gusto niyang dikdikin ako na ganun! Na ginawa ko sa kanya yun. But I love this guy. I love this guy.

“Siya naman, pag dinidirek ko naman siya, he gives it all. Yung ganyan. Sasabihin ko lang, ‘OK na, hindi na kita ididirek. Kasi alam mo yung gagawin mo.’ Yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyangapala, nasa cast din ng Karnabal sina E.A. Guzman, Jaclyn Jose, Joel Saracho, at Shaira Diaz.

One-shot film ang Karnabal, one-take film, dire-diretso, kagaya ng Russian Ark (2002) ni Alexander Sokurov, Anino sa Likod ng Buwan (2005) ni Jun Lana, Ang Damgo ni Eleuteria (2010), at Lost in London (2017) ni Woody Harrelson.

NOEL FERRER:

Parehong magaling na artista’t direktor, sana’y masuportahan ng mga tao ang kanilang pinagbidahang pelikula para sa Iglesia Ni Cristo na Monday First Screening, at itong Karnabal.

Good luck and all the best, dear Gina and Ricky!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran stars Gina Alajar and Ricky Davao, who are now both directing, co-star in the upcoming film 'Karnabal'
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results