PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis on Artists Choosing 'It's Showtime'

"Personal nilang desisyon yun."
by PEP Troika
Published Aug 19, 2023
paolo contis ang pangarap kong oskars
"Hindi kasi normal yung naging circumstance nung buong pangyayari," bahagi ng reaksyon ni Paolo Contis tungkol sa ilang Kapuso artists na mas gustong mag-guest sa 'It's Showtime' kesa sa 'Eat Bulaga!.'
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Magdadalawa’t kalahating buwan na mula nang mag-host si Paolo Contis sa revamped Eat Bulaga!.

Ikinatutuwa ni Paolo na umaabot na ng 25 minuto ang commercial load ng kanilang programa.

“Nakakatawa noong opening namin, yung pagkatapos ng commercial break, di ba?” lahad ni Paolo nang makachikahan namin noong Agosto 13, 2023, sa look test nila ni John Arcilla for their movie Fuchsia Libre.

“Paupo ka pa lang, e. ‘Last one! Last one!’ Di ba? Ngayon, nakakapagbanyo na ako! Ha-ha-ha! Nakakapag-CR na ako pag commercial break.

“So alam mo yun? Maganda siya, e. Maganda yung feeling.”

Halos magkakadikit na ang ratings ng noontime shows na Eat Bulaga!, E.A.T., at It’s Showtime.

“May lamang na point 1, point 2, normal naman yun. Kumbaga feeling ko naman, pag tiningnan mo in general, kung advertiser ka, hindi na siya masyadong magkakalayo, di ba?” sabi ni Paolo.

“So ano ngayon kung number 2 ka?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta na siya matapos mabago ang daily routine niya dahil sa biglaang pagho-host ng Eat Bulaga!?

Mabilis na tugon ni Paolo, “OK, OK. Sanayan lang talaga. Nung una, talagang pagod. Yung boses mo, nawala.

“Pero… very fulfilling siya, e. Ako sa totoo lang, enjoy na enjoy ako sa ginagawa ko. Alam naman ng Sparkle yan, alam ng GMA yan, pangarap kong maging host.

“Nagkaroon pa nga ng time, di ba? Ewan ko kung natatandaan ninyo, nagko-host ako kay Kuya Wil [Willie Revillame].

“Kasi gusto ko talagang ma-experience ang pagho-host. Sadly, sa circumstance na ganito siya nangyari," pagtukoy naman ni Paolo sa problemang kinasangkutan ng producer ng Eat Bulaga! na TAPE at ng mga dating host ng show.

“Pero of course I’m there to take that opportunity, the challenge, di ba? Trabaho yun, e. Kumbaga, kung ano man yung naging problema nila, wala kami dun.

“Pero nung in-offer siya sa akin, kinuha ko.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang naramdaman niya nang first time na tinalo ng Eat Bulaga! ang E.A.T. sa TV ratings, at nataong nasa abroad siya noon?

“Oo! Kahit na, I’m still part of the show, di ba? Regardless kung absent ka man or what,” malumanay na tugon ni Paolo.

“It’s very important sa morale ng mga co-hosts mo, na kaya mo na siyang gawin, ika nga.

“Di ko naman sinabing kailangang matalo, di ba? Pero at least makatapat ka man lang nang maayos.

“Katulad ng sinabi natin, yung ratings naman, it’s not that bad anymore. Advertisers are coming in.

“People are starting to watch. Nakikita naman nila na nag-e-enjoy rin kami. Tingin ko, malaking bagay na nakikita na ng tao yung rapport, e, di ba?

“Mas kalmado na kaming mag-host. Siyempre nung una, medyo, 'Hghghghhrrgh...' di ba?! Ako, para akong robot! 'Grhhhhrddggg!!!'

“Ngayon medyo ano ka na, di ba? Relaxed ka na.”

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aside from Pao, ang may traction sa show nila ay si Yorme Isko Moreno sa kanyang pagpunta-punta sa mga bahay-bahay.

Kaya maagap naman ang orig TVJ’s E.A.T. sa kanilang Mayor Jose Manalo segment na nagagawa nilang intersante at nakaka-hook sa mga tao, at hindi ako magtataka kung ma-develop muli nila sa isang kalyeserye.

Sa huli’t huli, hindi lang sa mismong harap ng TV ang labanan kundi sa pagbaba sa komunidad talaga!

Tuloy ang ligaya!!!

GORGY RULA

May madadagdag pa ba sa regular hosts ng Eat Bulaga!? May aalis o papalitan or what?

“Wala pa naman sa ano, wala pa naman sa latest na aming ano,” sey ni Paolo.

“Of course we’re open to guestings, sa mga guestings ng iba. Para makita yung… kumusta yung rapport.

“Marami na kaming nage-guest, e. Ang problema mo rin lang diyan, yung ibang gine-guest kahit OK, may ibang seryeng gagawin.

“Siyempre we’re also looking for people who are willing talaga na to give their 100% to the show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi naniniwala naman kami na yung Eat Bulaga!, they deserve their 100%. Katulad nga ng sinabi ko, ako, nung tinanggap ko ang trabaho, 110% ang ibibigay ko dun sa show.”

JERRY OLEA

Naapektuhan ba siya o na-hurt na mas gusto ng ibang Kapuso artists na sa It’s Showtime mag-guest kesa sa Eat Bulaga!? Nangingimi yung iba.

“Hindi mo masisisi yung mga ganun. Kasi siyempre, personal nilang desisyon yun,” sabi ni Paolo.

“Meron din sila siyempreng… hindi mo masasabi kung may takot, o merong personal na investment with others, di ba?

“You cannot take that against them. Basta kami, kung OK sa inyong mag-guest, bakit hindi, thank you.

“Kung hindi, e then we have to move on. We cannot take it against them. Ano naman yun, e… hindi kasi normal yung naging circumstance nung buong pangyayari. So, hindi mo sila masisisi.”

Interesting ang mga kaganapan sa "Battle of Noontime Shows," lalo na yung behind the scenes. May napo-foresee ba siya kung ano ang kahihinatnan ng mga bagay-bagay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napakunot-noo si Paolo, “Hindi, e. I’m not even sure if I can… talk about it. Pero ako, personally, I just hope na maayos lahat.

“Kasi para sa tao naman, di ba? I mean, sana mag-ano na lang, mag-enjoy na lang tayo. I mean, bago ngayon, tatlo yung noontime shows, di ba?

“Mas marami tayong natutulungan. Mas marami ang nae-entertain. Oo, ratings game pa rin siya, pero ang importante, may nanonood sa amin, may nanonood sa kabila.

“Sana, masaya na lang lahat. Yun lang naman yun sa akin!”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi kasi normal yung naging circumstance nung buong pangyayari," bahagi ng reaksyon ni Paolo Contis tungkol sa ilang Kapuso artists na mas gustong mag-guest sa 'It's Showtime' kesa sa 'Eat Bulaga!.'
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results