JERRY OLEA
Malapit-lapit nang maging senior citizen si Sen. Bong Revilla.
“Malayo pa!” nakangiting bulalas ni Sen. Bong sa mediacon nitong Agosto 17, Huwebes sa Supersam restaurant, Sct. Rallos St., Quezon City.
“Tatlong dekada pa yun,” pagbibiro pa ni Sen. Bong bago nagpatuloy, “nasa pangangalaga yan ng katawan.
“I’m turning 57 but my heart is 37. Di ba?”
Fresh na fresh ang dating ni Sen. Bong, huh?!
“Kasi, I work out almost everyday. Makikita nyo naman,” pagmumuwestra ni Sen. Bong. “Pang-Captain Barbell nga, pam-Panday ang katawan, e, di ba?!”
All-natural ba yung muscles niya?
“Hindi ako nag-i-steroids, yung nag-i-inject. All-natural.”
Walang stem cells?
“No stem cells. I wish I could para mas lalakas ka pa. Pinapa-check ko lang kung OK ba siya talaga para sa katawan,” saad ni Sen. Bong.
“Pero may Vitamin C, yun, meron ako. Derma of course. Pero… nag-a-allergy nga ako ngayon sa pagkain.
“Losing too much weight, ang tendency, nade-dehydrate yung balat mo. Yung skin mo, nagsa-suffer. Pero matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagpa-derma.”
Ano ang diet niya? “Chicken-chicken ang ano ko, breast chicken. Pero minsan, nadadaya na rin. But I really have to control my diet,” sabi ng actor-politician.
“Kung hindi, lalaki ang tiyan. At least, wala na akong bilbil.”
Meron nang maintenance medicine si Sen. Bong para sa high blood.
Aniya, “Kailangan na yun para sa age natin. Mahirap tayong magbaka-sakali, baka bigla tayong bumaliktad diyan. Lalo na sa panahon ngayon.
“Hindi na ako bata. Ano lang tayo, mukha lang tayong bata. Hindi ba?”
Kinakabahan ba ang maybahay niyang si Congresswoman Lani Mercado kapag nakikita ang pagka-bortalicious niya?
“Uy! Pag nakita mo siya ngayon, payat! Medyo pumapayat-payat na siya dahil sinasabayan niya yung aking ‘kabataan’!
“Nai-inspire din ang aking maybahay.”
Pag-uurirat ng katotong Morly Alinio, walang stem cells pero may sex cells?
Natawa si Sen. Bong, “Siyempre! Ha-ha-ha! Putting words into my mouth, ha?! Hindi puwedeng mawala yon, di ba?
“Pag nawala na iyon, goodbye!”
Siyanga pala, mamayang 5:00 pm ay magpe-Facebook live na si Sen. Bong, at doon ang gender reveal ng baby nina Jolo Revilla at Angelica Alita.
5:30 pm naman ang "Pasasalamat ni Tolome! Giveaway," kung saan mamimigay si Sen. Bong ng laptops, cash prizes, at iba pang surprises.

Pagsapit ng 7:15 PM, finale episode na ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Kasabay nito ang "Selfie with Tolome!" kung saan magkakamit ng tig-P1,000 ang mga mapipili ng comment picker.

NOEL FERRER
Ipagdiriwang ni Sen. Bong ang kanyang ika-57 kaarawan sa Setyembre 25 sa Okada Manila, at doon din ang celebration ng golden anniversary niya sa showbiz.
“Well, yung highlight ng career ko siguro in 50 years, siyempre, always yung first na nagbida ako with my father which is Dugong Buhay,” sabi ni Sen. Bong.
“That was 40 years ago. Kaya nga pinagpilian diyan, ‘Ano, 40 years in show business na nagsimula kang magbida, or 50 years nang ekstra ka pa lang noong bata ka pa?’
“Sabi, kung kailan ka unang lumabas sa puting telon, sa sinehan, which is 1973. Yun, kaya yun na yun.”
GORGY RULA
Career-wise, ano pa ang gusto niyang gawin?
“As an actor, siyempre, alam mo, sinasabi ko nga, e. I’m not getting any younger,” tugon ni Sen. Bong.
“Ngayon, I can still do mga action scenes, fight scenes. I can do my stunts. Yung suntok ko na mabilis, ganun pa rin.
“Sa tingin ko nga, mas fit ako ngayon than before. Kung titingnan mo dati, mataba, chubby.
“Ngayon, mas lean, mas may cut. May abs na. Ha-ha-ha-ha-ha!”
Sa limang dekada niya sa showbiz, aling disgrasya ang talagang hindi niya makakalimutan?
“Maraming ano kasi. Pero nasugatan ako dito, nag-scar,” paglalahad ni Sen. Bong ng kanyang palad.
“Fight scene sa Alega Gang [1988] na iyan, biyak yan. Akala ko noon, paralyzed yun, e.
“Simpleng fight scene. 'Tapos bumagsak yung bote ng beer, nadaganan ko. Biyak yan. Hindi ko yan magalaw noon kahit thinerapy pa yan hanggang sa gumaling.
“Pero yung mga explosion na tumatalon ako dun sa ibabaw ng tren, sumasabog yung likuran, may mga nakasabit sa LRT na ako yung unang gumamit ng LRT noon, na kamuntik naman akong tamaan ng stop light.
“Yung jacket ko, wasak sa tagiliran. Yung ganun. Kung hindi ko siya naganun sa likod, wakwak yung tagiliran ko run.
“So, marami akong death-defying stunts na ginawa sa SPO4 Santiago [1996], yung nakasabit ako sa helicopter, na biglang yung piloto e nag-speed na napakabilis.
“Yung mukha ko sa labas, naka-harness ako, e… gumaganun na yung mukha ko sa lakas nung hangin," muwestra pa niya ang pagka-distort ang mukha niya dahil sa hangin. "'Tapos, nag-rappel ako pababa ng helicopter.
“So halos nagawa ko na lahat yung mga action scenes.”
Meron ba siyang ni-regret sa mga delikadong eksena na ginawa niya?
“Wala. Anything for my fans, basta nag-grind na yung kamera, wala na akong nararamdaman na takot.
“Pag sinabi ng direktor na, ‘Action!’—wala na! Kahit ano pa ang sumabog sa tagiliran mo, kahit tinamaan ka na diyan.
“Maski dito sa Walang Matigas na Pulis, e, di ba? Yung mga effects, matagal na hindi nahahasa yung mga effectsman ko, e.

“So tumatalsik talaga sa mata ko. May mga ganung aksidente talaga na hindi mo maiwasan. Part ng trabaho iyan. Sugat-sugat.”
