PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Jose Javier Reyes, ratsada ang mga proyekto sa Vivamax

Ano ang sagot ni Direk Joey sa nagtataas ng kilay dahil sa pagbi-Vivamax niya?
by PEP Troika
Published Aug 20, 2023
Jose Javier Reyes
Hindi apektado si Jose Javier Reyes ng mga nagtataas ng kilay sa pagpasok niya sa Vivamax na kilala sa pagla-live stream ng sexy movies at series. Ani Direk Joey, "Ang isa ngang National Artist na Ricky Lee, nagbi-Vivamax, ako pa kaya?! Sino ba ako compared to Ricky Lee?!"
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

More and more and more ang projects ni Direk Jose Javier Reyes na mag-i-streaming sa Vivamax.

Seryosong pahayag ng multi-awarded writer-director noong Agosto 17, 2023, Huwebes sa Relish restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City, “Isang malaking karangalan na ipalabas na ang four-part series na Secret Campus sa August 27.

Secret Campus poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat letter A ang mga bida rito—A-students. A-listers sila. Azi Acosta, Ataska, Angelica Hart, at Angela Morena.”

Armina Alegre, Angela Morena, Angelica Hart, Ataska, Azi Acosta

Nasa cast din ng Secret Campus sina Armina Alegre, Arron Villaflor, Aerol Carmelo, Clifford Pusing, at Victor Relosa.

Pagpapatuloy ni Direk Joey, “Kuwento ito ng apat na estudyanteng babae. Kani-kanyang episode sila, kung anu-ano ang pinagdaanan nila sa eskuwela.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“May isa na gusto niyang mag-aral pero may financial problem siya. Nakatira siya sa auntie niya na inaapi siya.

“Yung isa, nagla-live stream siya, OK, para kumita ng pera until she became a part-time prostitute.

“'Tapos ikatlo, ni-rape siya ng kaklase niya dahil tatanga-tanga siyang probinsiyana, OK.

“Saka ikaapat, nagka-crush siya sa professor niya. Obsessed siya sa isang professor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naku! Baka maikumpara ang Secret Campus sa six-episode Lovely Ladies Dormitory na tinampukan nina Andrea Garcia, Hershie de Leon, Yen Durano, Tiffany Grey, at Julia Victoria, with the special participation of Alma Moreno.

Napabuntong-hininga si Direk Joey, “I think ang pinakamagandang karanasan ko sa Secret Campus e ang gagaling nung apat na babae.”

Walang kiyeme yung mga babae na magpa-boobey. Required ni Direk Joey na naka-plaster ang mga lalaki sa maseselang eksena.

“Kasi, pag pinapatong mo yan sa babae, ano, baka… di ba? Ang lalaki naman, hindi nakokontrol minsan.”

Kabebeynte anyos pa lang ni Clifford Pusing kahapon, Agosto 19, Sabado. “Nabinyagan” ni Direk Joey si Clifford sa pelikulang Tag-init with Franki Russell.

Clifford Pusing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaano ka-daring si Clifford sa Secret Campus?

“Natutuwa ako, kasi, bata yun, OK. Nakita ko yan sa Sakristan ni Darryl Yap. Tinawagan ko si Darryl. Sabi ko, ‘Darryl, OK bang umarte si Clifford?’

“Sabi ni Darryl, ‘Oo, OK yan.’ So, kinuha ko and wala, natutuwa ako sa kanya dahil bata siya.”

May pagka-exhibitionist ba si Clifford?

“Medyo," sagot ni Direk Joey.

May karanasan na ba si Clifford? Dun sa seryeng High on Sex 2 e panay-panay na ang pakikipagharutan nito sa mga babaeng co-stars.

“Ahh... karanasan sa… kung virgin siya? Hindi na siya virgin. Tinanong ko siya, ‘Virgin ka pa ba? Ayokong ipagawa sa 'yo ang bagay na yan.’

"‘Ay! Hindi po!’ sabi niya. “Ganun, ‘Hindi po!’ Marami siyang alam… marami siyang alam.”

Binantayan ba si Clifford ng tatay niya sa shooting ng Secret Campus?

“Wala sa set ang tatay niya. Wala sa set ang tatay. Nakakatawa nung ginawa namin ang Tag-init, first time siyang nagsuot ng plaster,” salaysay ni Direk Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tuwang-tuwa siya. ‘Tingnan mo! Tingnan mo!’ Mukha siyang manikin.”

Sa Setyembre naman nakatakdang ipalabas ang pelikulang Patikim-tikim na idinirek ni Direk Joey. First time na magbibida roon si Aerol Carmelo. Nandoon din sina Apple Dy, Yen Durano, at Chloe Jenna.

Matatandaan na naidirek na ni Direk Joey sina Aerol at Yen sa Tag-init, kung saan may threesome ang mga ito with Ali Asistio.

Ang pinirmahang kontrata ni Direk Joey para sa Vivamax ay labindalawang proyekto. Apat pa lang ang nagawa niya.

Naku! Baka ma-insecure sa kanya si Direk Roman Perez Jr. sa dami ng proyektong ipi-pitch niya?!

“Hindi, hindi, hindi! Kaibigan ko yang direktor na yan. Saka sa dami ng ginagawa sa Vivamax, wala kang dapat ika-insecure,” sey ni Direk Joey.

NOEL FERRER

Inaasam ni Direk Joey na maaprubahan agad ng Viva ang mga bago niyang ipi-pitch, para makatapos pa siya ng dalawang project bago matapos ang taon.

May na-reject ba sa mga pini-pitch niya before?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami ka namang pini-pitch, e. Pumipili sila,” sambit ni Direk Joey.

“Tapos may iba na nade-delay. Alam mo ang problema ngayon, kulang na ang artista ng Vivamax.”

In fairness, masaya ang Christmas ng mga staff niya dahil ratsada ang projects niya sa Viva.

“Gusto ko, maging mas masaya ang Christmas nila kaya work-to-the-max ako!”

GORGY RULA

May mga nagtataas ang kilay kay Direk Joey kaugnay sa pagbi-Vivamax niya.

Nakangiting sabi ng multi-awarded writer-director, “Ang maisasagot ko diyan is… ang isa ngang National Artist na Ricky Lee, nagbi-Vivamax, ako pa kaya?!

"Sino ba ako compared to Ricky Lee?! Hindi ba? I mean, trabaho ito at saka hindi naman nangangahulugan na Vivamax e ganung klaseng pelikula yun na karumal-dumal.

“Hindi! Kung makakapanood ka ng ilang Vivamax movies, magaganda! Oo, hindi ba? Saka trabaho ‘to. Trabaho ‘to.

“Alangan namang hintayin kong magkaroon ng remake ang Ten Commandments.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi apektado si Jose Javier Reyes ng mga nagtataas ng kilay sa pagpasok niya sa Vivamax na kilala sa pagla-live stream ng sexy movies at series. Ani Direk Joey, "Ang isa ngang National Artist na Ricky Lee, nagbi-Vivamax, ako pa kaya?! Sino ba ako compared to Ricky Lee?!"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results