PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lovi Poe gets emotional after sister Grace Poe's message

Ano ang sinabi ni Senator Grace na nagpaiyak kay Lovi?
by PEP Troika
Published Aug 27, 2023
lovi poe grace poe
Senator Grace Poe (right) to sister Lovi Poe (left): "If FPJ were alive today, he could have been so proud of you, Lovi. I wish he were here today so that he would be walking with you down the aisle on your wedding day."
PHOTO/S: @leovdominguez / @officialtimyap on Instagram

GORGY RULA:

Naging emotional si Lovi Poe nang magbigay ng mensahe ang kapatid niyang si Senator Grace Poe sa reception ng kasal nila ni Monty Blencowe sa England.

Read: Lovi Poe is now married to Monty Blencowe

Si Senator Poe ang Matron of Honor ni Lovi.

Ilang araw bago ang kasal ay nandoon na raw sa London ang senadora kasama ang anak niyang si Brian Llamanzares, na close din kay Lovi.

Read: FIRST LOOK: Lovi Poe looks like royalty in her Patricia Santos wedding gown

Kuwento sa PEP Troika ng manager ni Lovi na si Leo Dominguez, hindi napigilang maluha ng Kapamilya actress nang binanggit na ni Senator Grace ang namayapa nilang amang si Fernando Poe Jr.

Text ni Leo sa amin, “Sabi ni Senator Grace, ‘If FPJ were alive today, he could have been so proud of you, Lovi. I wish he were here today so that he would be walking with you down the aisle on your wedding day.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Very emotional ang speech ni Senator Grace sa reception na hindi mapigilan ang mga luha ni Lovi na kailangan niyang puntahan at yakapin si Senador Grace."

Sabi nga ni Lovi sa kanyang wedding march, "I wanna savor this moment!"

Very memorable kay Lovi ang araw ng kanyang kasal dahil nakasama niya ang mga mahal niya sa buhay, at ilang naging bahagi ng kanyang showbiz career.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sobrang saya raw ng mommy ni Lovi na si Rowena Moran, na napakaganda rin daw nung araw na iyun. Kasama raw nito ang younger sister ng aktres na si Yela.

Rowena Moran

Pati raw ang isa pang kapatid ni Lovi na si Ronian Poe ay nandun din para saksihan ang mahalagang araw na iyon ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ron Poe

Dumalo rin ang ilang malalapit na kaibigan ng aktres na sina Rhian Ramos at Max Collins, na nakasama niya sa drama series nila noong sa GMA-7 na The One That Got Away.

Naging bahagi rin ng entourage ang mag-asawang Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, Bela Padilla at Congressman Sam Verzosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tim Yap

Read: Celebrity guests at Lovi Poe and Monty Blencowe's wedding in England

Ayon pa kay Leo, babalik din agad ng Pilipinas si Lovi dahil kailangan niyang bumalik sa taping ng FPJ's Ang Batang Quiapo sa September 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa September 7 naman ay lilipad naman daw sila ni Coco Martin pa-Milan, Italy para sa ASAP Natin 'To na gaganapin doon.

NOEL FERRER:

Ang ganda nga at napanatiling pribado at elegante ang kasal nina Lovi at Monty.

It seems like maganda ang union na ito dahil it will further their excellence sa kani-kanyang fields, at mukhang magkakatulungan nga sila bilang mag-asawa na.

Bulung-bulungan ang dalawang pangalan na puwedeng-humalili kay Lovi bilang leading lady ni Coco sa FPJ’s Batang Quiapo.

Nandiyan ang pangalan ni Ivana Alawi, at may nagsasabi namang Maja Salvador.

Kung anupaman ang mangyari sa FPJ’s Batang Quiapo, nakatatak na si Lovi bilang establisadong leading lady ni Coco sa seryeng ito na parang pamana ng tatay ni Lovi na si FPJ, na ang kapartner noon sa pelikula ay si Maricel Soriano!

JERRY OLEA:

Nalalapit na rin ang kasal nina Maxine Medina at Timmy Llana.

Read: Maxine Medina reveals meeting fiancé Timmy Llana when she was in high school

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abang-abang ang netizens kung sinu-sinong celebrities ang susunod na magpapakasal.

Kailan at saan kaya ang wedding nina Bea Alonzo at Dominic Roque?

Kumusta naman sina Kim Chiu at Xian Lim?

Congrats sa bagong kasal na sina Lovi at Monty, ganoon din sa FPJ’s Batang Quiapo na namamayagpag sa ratings!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Grace Poe (right) to sister Lovi Poe (left): "If FPJ were alive today, he could have been so proud of you, Lovi. I wish he were here today so that he would be walking with you down the aisle on your wedding day."
PHOTO/S: @leovdominguez / @officialtimyap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results