PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'Oineza on RK Bagatsing in 'Swing''

'Swing' nina Jane Oineza at RK Bagatsing, R-16 sa dami nang intimate scenes.
by PEP Troika
Published Aug 30, 2023
jane oineza rk bagatsing swing
RK Bagatsing on possibility of entering into an open relationship with girlfriend Jane Oineza: “Sa amin, personally, hindi kami agree. Pero that doesn't mean na hindi siya nag-e-exist somewhere else. It could not work for us or our culture or setting, I don't know, hindi ko alam. But, it exists, e, and it works sa iba."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Sumabay ng showing ang local films na Swing nina Jane Oineza at RK Bagatsing at ang Monday First Screening nina Gina Alajar at Ricky Davao sa ilang foreign movies ngayong Miyerkules, August 30, 2023.

Ang Swing, na iprinodyus ng Mavx Productions, ay idinirek ni RC delos Reyes.

Kinunan ang pelikulang ito sa Switzerland kung saan din nag-shoot sina Gerald Anderson at Kylie Padilla sa pelikulang Unravel.

Ipinakita sa Unravel ang assisted suicide na ginagawa sa Switzerland. Dito naman sa Swing ay may ipinakita silang practice na open relationship ng ilang couples.

Read: Is Jane Oineza open to live-in relationship with RK Bagatsing?

"Swing" ang terminong ginagamit sa ilang couples na nagsa-swap ng partners at gustong subukan ang tipo ng consensual at non-monogamous na relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pelikula ay may ipinakita silang bar o club kung saan pumupunta ang couples na gustong subukang makipag-sex sa iba. Hindi raw sila nag-shoot sa mismong bar na yun, kundi gumawa sila ng sarili nilang set.

Read: RK Bagatsing and Jane Oineza: There's no excuse for cheating

Sa unang bahagi ng Swing ay binibilang ko pa kung nakailang love scenes sina RK at Jane. Pero bandang huli ay hindi ko na natuloy ang pagbibilang sa halos magkakasunod na eksena ng laplapan, hubaran, at iba't ibang sexual acts na ginawa nila.

Dahil sa mga eksenang ito kaya binigyan ng R-16 na rating ng MTRCB ang Swing.

Sabi ng magkasintahan, kaya nila tinanggap ang naturang film project dahil silang dalawa ang magkatrabaho at kumportable na sila sa daring scenes na gagawin nila.

Sabi ni RK, "Nung nabasa namin yung script, there was a lot discussion between the two of us and with Star Magic. And parang... it was in discussion of kung kaya ba namin i-pull off ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And siyempre, ang isang script pag sinend sa yo yan, hindi pa naman final. So, there were a lot of discussions to the director, with Mavx, with Direk Lauren [Dyogi], and with Star Magic, kung paano namin gawin.

“But ultimately, yung reason kung bakit kami pumayag is magtatrabaho kami. And this is something na very challenging and we're willing to go to it together."

Nakapanayam namin sina RK at Jane sa premiere night ng Swing sa SM The Block nung Martes, August 29.

May kahabaan ang pelikula, pero marami itong pasabog.

Napakagaling ni RK dito, at nadala niya si Jane na nabigla kami sa mga ginawa niyang mga mapangahas na eksena.

Sabi ng magkasintahan, hindi na nila kailangang mag-workshop sa mga daring scenes na ginawa nila sa pelikulang ito. Pero may ilang eksena kung saan may sex scenes sila sa ilang Swiss actors.

Nakikita namang kumportable si Jane sa isang eksenang niyayakap ng guwapong Swiss actor na hubo't hubad. Maingat daw sila sa mga ganung eksena, at na-handle daw ito nang mabuti ni Direk RC delos Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Jane, “When we were in Switzerland kasi, meron po talaga kaming intimacy coach, who guide with every scene na may ganun.

"Every scene, it's very choreographed. Kung ano lang din yung napag-usapan at kung ano lang din sa script, yun na yung gagawin para wala nang gulatan sa set.

“Parang nagsi-set na sila kung ano lang yung puwede, kung ano lang kukunan, at kung ano yung angle at kung ano lang yung kailangan nila."

Dagdag na pahayag ni RK, “Kaya merong intimacy coach para kung meron kang gustong ipagawa during sex scenes, dapat dadaan sa kanya.

“And if yung actress o yung actor in any moment na maging uncomfortable, sasabihin niya sa intimacy coach and ititigil nila."

Pero okay lang kaya kina RK at Jane na ikumpara sa ilang Vivamax movies?

"Very subjective ang panonood ng mga tao. Kung yon yung iniisip nila while watching it, sino ba naman kami para ano... but, it's there, yeah!" napakibit-balikat na pahayag ni RK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Tungkol sa open relationship ang tinatalakay ng pelikulang Swing. Agree kaya ang magkasintahang RK at Jane sa ganitong set-up?

Sagot ni Jane, "Personal choice na hindi kami para dun. Siyempre, lalo na nung ginagawa to, parang in the future, maiisip kung possible, pero hindi talaga, e. Hindi talaga.

"Dapat isi-set mo rin yun dun sa ka-relationship muna. May possibility ba in the future or setting expectations."

Sabi naman ni RK, “Sa amin, personally, hindi kami agree. Pero that doesn't mean na hindi siya nag-e-exist somewhere else. It could not work for us or our culture or setting, I don't know, hindi ko alam.

"But, it exists, e, and it works sa iba. So, parang... sa amin personally, yung characters namin, may mga times na tinanong, 'Papano kaya masu-solve yung problema?'

“We always say na it's communication between partners. Parang dun sila nagkulang in the end, kasi like Kevin [character ni RK] went the separate way, and figure out something na nararamdaman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, yun yung binabalikan namin. Personally, sa amin, hindi. Pero sa ibang relationship, maybe it works."

JERRY OLEA:

Nag-open ngayong Agosto 30, Miyerkules, sa local cinemas ang Swing, Monday First Screening, Past Lives, Gran Turismo, All Fun and Games, Deliver Us, Honey Sweet, at Tauken Ranbu: The Movie 2.

Ang ratings ng MTRCB — R-16 ang Swing at All Fun and Games; R-13 ang Deliver Us; PG ang Past Lives, Gran Turismo, Honey Sweet, at Tauken Ranbu: The Movie 2; G ang Monday First Screening.

Ayon sa MTRCB, R-16 ang Swing dahil, “The film contains mature themes and language, discrete sexually-oriented nudity and moderate depiction of sexual activity, that may not be suitable for viewers below 16 years of age.”

Malayo ang Swing sa mga pasiklab ng Vivamax kung saan panay-panay ang pa-boobey ng mga babae, at pwetmalu ang mga lalaki.

Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinost ng NET25 sa kanilang Facebook page ang pagdagsa today ng moviegoers sa ilang sinehan na pinagpapalabasan ng Monday First Screening, kabilang ang SM City Lucena, SM City Davao, SM City Valenzuela, SM City North EDSA, Robinsons Tacloban, SM City Baguio, SM City Cabanatuan, Trinoma, SM City Baliwag, SM GenSan, at Robinsons Tuguegarao.

Mukhang in full force ang members ng Iglesia ni Cristo sa pagsuporta sa pelikula nina Gina Alajar at Ricky Davao. Sana’y pila-pila pa rin ang INC members sa mga sinehan sa mga susunod na araw.

Inaasam kong pilahan din ng moviegoers ang critically acclaimed na Past Lives. Bida sa romantic drama film na ito sina Greta Lee, Teo Yoo, at John Magaro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-world premiere ang Past Lives sa Sundance Film Festival noong Enero 21, 2023. Ipinalabas din ito sa 73rd Berlin International Film Festival noong Pebrero 19. Lumahok din ito sa Sydney Film Festival noong Hunyo, at sa Jerusalem Film Festival noong Hulyo.

Ang nag-release nito locally ay TBA Studios, na kilala sa pagpo-produce at pagdi-distribute ng mga dekalibreng pelikula.

Aba! TBA Studios ang Philippine distributor ng Triangle of Sadness, Everything Everywhere All At One, at The Whale, ‘no?!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
RK Bagatsing on possibility of entering into an open relationship with girlfriend Jane Oineza: “Sa amin, personally, hindi kami agree. Pero that doesn't mean na hindi siya nag-e-exist somewhere else. It could not work for us or our culture or setting, I don't know, hindi ko alam. But, it exists, e, and it works sa iba."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results