GORGY RULA:
Muling dininig ang kasong copyright infringement na isinampa nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at Jeny Ferrer laban sa TAPE, Inc. at GMA-7, sa Marikina Regional Trial Court, kahapon, Agosto 31 2023.
Read: TVJ, Jeny Ferre file copyright infringement and unfair competition complaints vs TAPE, GMA-7
Isinalang bilang witness ang dating creative director ng TAPE na si Jeny Ferre. Siya bale ang huling witness mula sa kampo ng TVJ na nagbigay ng testimonya.
May ilan kaming napagtanungan tungkol sa kaso, pero hindi pa raw sila makapagbigay ng buong detalye. Pagkatapos daw ng hearing kahapon ay naka-schedule na ngayong araw ang pre-marking ng mga ebidensiya. Nakatakda na rin daw sa susunod na linggo ang formal offer of evidence mula sa plaintiffs.
Hindi rin nagbigay ng impormasyon ang legal counsel ng TAPE, Inc. na si Atty. Maggie Abraham-Garduque. Sinabi lang niya sa amin na sa September 7 na ang first hearing para sa presentation ng witness mula sa kanilang kampo. Bawal daw sabihin kung sinu-sino ang mga witness na ipi-present nila.
Mukhang mahaba-haba pa ang pagdinig ng kasong ito, at hindi natin alam kung meron pa bang kasunod na kasong isasampa.
Pero tuluy-tuloy pa rin ang tunggalian ng E.A.T. at Eat Bulaga!. Sumasabay rin sa ingay at pa-trending mula sa It's Showtime.
Tuluy-tuloy ang kuwelang segments ng E.A.T..
Ang Eat Bulaga! naman ay sinimulan na ang Christmas season ngayong unang araw ng 'ber months.’ In-announce na rin ni Paolo Contis na simula sa Sabado, September 2, ay kick-off na raw ng Pasko sa kanila dahil nasa 'ber month' na tayo.
Maramdaman na kaya ng Dabarkads ng E.A.T. at ng mga Kapuso ng Eat Bulaga! ang spirit ng Christmas, at magkakaayos na sila?
Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
JERRY OLEA:
Sa Battle of Noontime Shows na nag-umpisa noong Hulyo 1, E.A.T. ng TV5 ang wagi sa ratings, at nagsasalitan ang Eat Bulaga! at It’s Showtime sa pangalawang puwesto.
Mas madalas na third placer ang It’s Showtime.
Read: TV ratings: TVJ prove they are still the kings of noontime shows
Hulyo 19, Miyerkules, nang nakaungos ang revamped Eat Bulaga! with 4.1%, kung kailan ang E.A.T. ay naka-3.7%, at ang It's Showtime ay naka-3.1%. Nasa ibang bansa noon si Paolo Contis at nagsu-shooting ng movie with Patrick Garcia and Kaye Abad for Mavx Productions.
Read: Revamped 'Eat Bulaga!' naungusan sa ratings ang 'E.A.T.' ng TVJ
Nitong Agosto 29, Martes, ay nakaungos muli ang Eat Bulaga! with 4.2%. Ang E.A.T. ay naka-4.1%, at ang It's Showtime naman ay 2.9%.
Noong Miyerkules, August 30, ay naka-4.2% ang E.A.T. at naka-3.8% ang Eat Bulaga!. Ang It's Showtime naman ay 2.9% uli.
Noong Huwebes, August 31, ay 4.9% ang E.A.T., naka-3.7% ang Eat Bulaga! at 3.3% naman ang It's Showtime.
Ngayong Setyembre ay ipinagdiriwang ang 3rd Philippine Film Industry Month, with the theme “Tuloy Pa Rin Ang Tawanan.”
Sa closing ceremony nito na nakatakda sa, Setyembre 29, kabilang sa pagpupugayan sina Tito, Vic & Joey ng E.A.T., at Vice Ganda ng It’s Showtime.
Read: Tito, Vic & Joey kabilang sa comedians na pararangalan sa 3rd Film Industry Month
Ang iba pang Pinoy iconic comedians na ipagbubunyi sa gabing iyon ay sina Michael V, Eugene Domingo, Ai-Ai de Alas, at ang yumaong Comedy King na si Dolphy.
Read: Dolphy, Michael V, Vice, Ai-Ai, Eugene to be honored at 3rd Philippine Film Industry Month
Lumalamig na ang ihip ng hangin, pero umiinit pa lalo ang demandahang TVJ vs TAPE and GMA-7. Tuloy pa rin ang bakbakan ng noontime shows!
NOEL FERRER:
Ber months na at damang-dama ang simoy ng Pasko sa hatid na early holiday party ng inyong paboritong weekend viewing habit, tampok ang maagang pamasko mula kay Jose Mari Chan at marami pang iba, sa ASAP Natin 'To ngayong Linggo, Setyembre 3, sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Makikanta at sayaw sa paborito ninyong holiday songs kasama ang tinaguriang King of Filipino Christmas Carols na si Jose Mari Chan, na sasabayan ng "Isip Bata" Kids from It’s Showtime na sina Kulot, Jaze, Lucas, at Imog.en, Anji Salvacion, Calista, at ang buong ASAP family with Edward Barber
Suntok sa buwan, pero umaasam tayong magkaayus-ayos eventually ang Team E.A.T. at Team Eat Bulaga!.
“Let's sing Merry Christmas and a happy holiday/ This season may we never forget the love we have for Jesus/ Let Him be the one to guide us as another new year starts/ And may the spirit of Christmas be always in our hearts…”
