PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Acting ni Rhian Ramos sa 'Royal Blood,' pang-best actress

Sino ang tunay na pumatay kay Gustavo Royales?
by PEP Troika
Published Sep 4, 2023
rhian ramos royal blood
Rhian Ramos earns praise for her role as Margaret Royales in the GMA primetime series 'Royal Blood.'
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA:

Tatlong linggo na lang at matatapos na ang Kapuso primetime series na Royal Blood ni Dingdong Dantes.

Tumaas na ang ratings ng naturang serye, at lalo pang pinag-usapan nang nalamang meron palang alopecia si Margaret, na ginagampanan ni Rhian Ramos.

Consistent si Rhian na magaling sa seryeng ito. May mga nagku-comment pa nga sa YouTube channel ng GMA Network na pang-best actress daw ang acting dito ng Kapuso actress.

Tamang-tama nang naere ang eksenang na-reveal na may alopecia si Margaret (Rhian), ginugunita ngayong September ang Alopecia Areata Awareness Month na nakasentro sa autoimmune disease na dahilan ng pagkaubos ng buhok ng isang pasyente.

Nung nakaraang Biyernes, September 1, 2023, ay nakapagtala ang Royal Blood ng 12.2% rating.

Ang katapat nitong Iron Heart ay 6.4%.

Natapos na ang taping ng Royal Blood at nakunan na raw ang revelation kung sino ang pumatay kay Gustavo Royales (Tirso Cruz III).

May NDA (Non Disclosure Agreement) ang buong cast at production staff kaya tikom ang bibig nila kapag kinukulit namin kung sino ang tunay na killer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng Royal Blood ay sunod ang Amazing Earth na hinu-host din ni Dingdong na naka-5.5%. Ang katapat nitong Senior High ay naka-3.8%.

Malapit nang bumalik si Dingdong sa taping ng Family Feud. Sa October ito babalik sa ere. Kaya balik-GTV na ang Dapat Alam Mo! ni Kuya Kim Atienza.

Sayang din itong kay Kuya Kim na hindi na mapapanood sa GMA-7 dahil consistent ding mataas ang ratings nito. Nung Biyernes ay naka-9.3% ito.

Narito ang ratings ng iba pang programa nung nakaraang Biyernes…

Ang Eat Bulaga! ay 3.9%, ang E.A.T. ay 4.5%, at ang It's Showtime naman ay 3%.

Ang Abot Kamay Na Pangarap ay 11.9%, at 1.2% ang katapat nitong Pira-Pirasong Pangarap.

Ang Magandang Dilag ay 11.2%, at 1.3% ang Nag-aapoy na Damdamin.

Sumunod ang The Missing Husband na 6.9%, at ang kasunod nitong Fast Talk With Boy Abunda ay 5.1%.

NOEL FERRER:

Parang properly paced ang sked ni Dingdong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasi, katulad ng nasabi, magsisimula na sila ng shooting ng MMFF 2023 entry nila ni Marian Rivera, ang Rewind, na joint venture ng Star Cinema, APT at Agosto Dos Productions.

Read: Sharon-Alden, Dingdong-Marian starrers among first four official entries at MMFF 2023

This will be good dahil after making landmark shows on TV, heto at sa pelikula naman siya magmamarka.

2023 is indeed a good year for Dingdong Dantes!

JERRY OLEA:

Sa tweet ng GMA Drama nitong Setyembre 2, Sabado, may bagong #1 suspect sa pagpatay kay Gustavo Royales.

Ang official poll result as of last Saturday, number 1 suspect si Cleofe (Ces Quesada), followed by Kristoff (Mikael Daez), and Tasha (Rabiya Mateo).

Maging si Tirso Cruz III ay hindi batid kung sino ang pumatay sa karakter niyang si Gustavo.

Natutuwa siyempre si FDCP Chairman Tirso sa tagumpay ng Royal Blood.

“I’m always very thankful pag ako’y nakakasama sa show na nagiging sucessful,” sabi ni Chair Tirso nang makatsikahan namin noong Agosto 17 sa Relish restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, nakakataba ng puso na we did a good job, na napuna ng tao yung ginawa namin. It was a good story kasi to start off, maganda yung istorya.

“And yun nga, the idea behind yung hindi sinabi sa amin, alam ko yun, e, yung point nila kung bakit.

“Halimbawa, kung sinabi sa akin sa umpisa pa lang. Hindi mo naman maiiwasan, ikukuwento ko sa asawa ko.

“Yung asawa ko, may kaibigan yun. Siyempre hindi rin niya maiiwasan, baka mabanggit. So kakalat na yun.

Kaya para maiwasan, para hindi kumalat, ‘Hindi namin ipapaalam sa inyo.’ Ganun yun.”

Ngayong buong Setyembre ay abala si FDCP Chair Tirso sa aktibidades ng 3rd Philippine Film Industry Month.

Read: FDCP salutes comedy icons at 3rd Philippine Film Industry Month

May offers sa kanyang bagong projects pero hindi pa niya masabi ang mga detalye.

“Hindi ko alam kung teleserye yung isang TV offer. Meron din yata na para sa Netflix,” sey ni FDCP Chair Tirso, na may cameo sa pelikulang When I Met You In Tokyo kung saan bida sina Vilma Santos at Christopher de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhian Ramos earns praise for her role as Margaret Royales in the GMA primetime series 'Royal Blood.'
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results