Nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon ang Kapuso actress na si Rhian Ramos ukol sa matagal nang haka-hakang nagkahiwalay sila ni Tutok To Win Party-list Representative at Frontrow founder Sam Verzosa.
Sa panayam ni Rhian sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, June 19, 2023, kinumpirma niyang totoong nagkahiwalay sila ni Sam ngunit muli ring nagkabalikan.
Tanong sa kanya ng host na si Boy Abunda, "Ang huling balita ay naghiwalay, nagkabalikan [kayo ni Sam], what happened?"
Sagot ng Kapuso actress, "Okay, yes, that is true [nagkahiwalay at nagkabalikan kami]."
Kakulangan daw sa komunikasyon ang sanhi ng kanilang hiwalayan.
"What happened [was], I guess, we could've communicated better," sabi ni Rhian.
Bukod sa komunikasyon, isa rin daw sa nakaapekto sa kanilang relasyon ang pagtakbo ni Sam bilang party-list representative noong nakaraang eleksyon.
Aniya, “It was difficult, and If I can just be honest, if I think about it, I wish I could have been more supportive.
“Noong nanalo na siya, doon ko lang na-realize na hindi ko siya nasamahan sa kahit anong rally."
Paliwanag ni Rhian, noon pa man ay sinasadya niyang hindi manghimasok sa usaping pulitika dahil ayaw niyang maging bahagi ng desisyon ng ibang tao sa kung sino ang nais nilang iboto.
Saad niya, “Growing up as an artista, I have learned to try to not be so political kasi I don’t want anyone making important decisions because of me. Like, kung sino ang iboboto.
"Kaya never din akong nakapag-endorse ng pulitiko. Nakailang eleksyon na rin akong naranasan, pero I didn't want for someone to make important decision like that in front of me."
Sa katunayan, isa rin daw ito sa rason kung bakit sila panandaliang naghiwalay ni Sam.
Pag-amin ni Rhian, "I would say, [politics] was one of [the reasons], but it was a compilation of a lot of things and it’s hard to say."
Dahil sa nangyaring breakup, marami rin daw silang natutunan ni Sam, partikular na ang pagiging bukas sa isa't isa.
Saad ng aktres, "I think it's very important in a relationship na kaya ninyong pag-usapan lahat and you're not forcing the other person na hulaan kung anong nararamdaman mo.
"Tao lang tayo lahat, hindi tayo manghuhula.
"So, I think, it is important that you always say exactly how you feel and what's on your mind. Kasi malay mo, ayaw niya pala na ganun ang nararamdaman mo."
SAM-RHIAN RUMORED BREAKUP
Noong December 2022 nang unang maiulat ang breakup nina Rhian at Sam.
Read: Rhian Ramos, Sam Verzosa unfollow each other on Instagram
Ito'y matapos nilang i-unfollow ang isa't isa sa Instagram at muling i-follow makalipas lamang ang dalawang araw.
Read: Rhian Ramos, Sam Verzosa follow each other again on Instagram
January 28, 2023, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rhian, iwas niyang sinagot ang tanong sa kanya kung hiwalay na ba sila ni Sam.
Aniya, “Well, I can just say na ayun talaga, I think it’s normal to have problems here and there. I mean, nabasa ko din naman yung mga nasulat na, so I know naman din kung ano yung alam ninyo, parang ganun.
“And siyempre it’s normal to have problems, disagreements with anyone, kahit friend mo, kahit family mo pa iyan, di ba, nangyayari din iyan.
“But we’re okay, in the sense na hindi kami magkaaway, and I will always want what’s best or what brings him joy, and I believe that he wants that for me, too.”
Read: Has Rhian Ramos called it quits with Sam Verzosa?
Sa panayam naman kay Sam noong February 14, 2023, nilinaw niyang hindi siya iniwan ni Rhian.
Sabi niya, "We're okay, we talk every day, we text each other every day."
Alam din daw ni Sam ang isyung break na sila ni Rhian dahil sa pag-unfollow nila sa isa't isa sa Instagram.
Pero hindi raw iyon ang sukatan ng estado ng relasyon nila ng kasintahan.
Paliwanag ni Sam: "Alam ninyo, nagsimula yan nung nag-unfollow. Para sa akin, yung follow at unfollow na yan, di nagde-define ng relationship.
"Kasi ang social media, di naman yan validation ng isang relationship kung masaya o hindi.
"Kasi minsan maganda ang mga posts, masaya. Magugulat ka na lang yung mag-asawa, naghiwalay na.
"Mayroon naman di nagpo-post, pero alam niyo, sobrang saya. Mayroon tayong mga ganung kaibigan."
Read: Sam Verzosa clarifies he and Rhian Ramos are still together
