GORGY RULA:
Ang buong akala namin, mataas ang rating ng It's Showtime nung Martes, September 5, 2023, dahil nag-trending ito sa X (dating Twitter) at mainit pa ring pinag-usapan ang isyu ng 12-day suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB.
Read: MTRCB suspends 'It's Showtime' for 12 days
Pero ayon sa nakuha naming ratings mula sa AGB-NUTAM, naka-2.6% lamang ang Kapamilya noontime show.
Ang E.A.T. ng TVJ sa TV5, na naka-4.4%, pa rin ang nangunguna.
Ang Eat Bulaga! sa GMA 7 ay naka-3.4%.
Ang sabi ng isa sa mga host ng Eat Bulaga! na si Paolo Contis, clean fun lang sila sa kanilang show.
Ngayong Miyerkules, September 6, ay trending pa rin ang #ShowtimeGoLang, #MTRCB, at #TNTHuradoJulieAnne.
Ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose ang isa sa umupong hurado sa "Tawag Ng Tanghalan" ng It’s Showtime.
NOEL FERRER:
May ilang lugar daw sa Kamaynilaan na nag-brownout kaya medyo bumaba ang ratings ng afternoon drama.
Ang Abot Kamay Ang Pangarap ay 10.9%, at 1.1% ang katapat nitong Pira-Pirasong Paraiso.
Ang Magandang Dilag ay 10%, at 1.3% naman ang Nag-aapoy Na Damdamin.
Ang The Missing Husband naman ay 6.5%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 5.5%, at sumunod ang My Roommate is a Gumiho na naka-2.9%.
Ang Dapat Alam Mo! naman ay naka-9.3% versus Minute To Win It na naka-1.5%.
JERRY OLEA:
Bali-balita na sa Setyembre 8, Biyernes, ia-announce daw ng PTV-4 na magkakaroon ng show sa kanila si Willie Revillame.
Read: Will Willie Revillame make TV comeback via government-owned PTV-4?
Kung totoo ito, magiging game changer ba ito? Matitigatig ba rito ang GMA-7 na bukod-tanging namamayagpag na local TV network?
Sa Setyembre 13, Miyerkules, ay first anniversary na ng soft launch ng ALLTV, na tinaguriang bagong Channel 2.
Frontliner si Willie sa nasabing launch, remember? Consultant kasi si Willie sa istasyon. Eventually ay lumisan siya sa ALLTV.
Siyangapala, tinanghal ang ABS-CBN (ang nangungunang content provider ng bansa) bilang most viewed na TikTok entertainment account sa Southeast Asia para sa unang kalahati ng 2023.
Ayon sa data mula sa TikToktainment, nakakuha ang opisyal na TikTok account ng ABS-CBN (@abscbn) ng 2,850,148,520 views, na may average na 898,817 na views sa bawat video.
Kabilang ang mga clip mula sa sikat na Kapamilya revenge drama series na Dirty Linen sa most viewed videos ng @abscbn sa TikTok. Nakapagtala ang serye ng mahigit 2.3 bilyong views sa TikTok.
Malaki rin ang naiambag sa views ng ABS-CBN (na kasalukuyang may 5.3M followers at 274.7M likes) ang mga highlight mula sa iba pang palabas tulad ng It’s Showtime at FPJ’s Batang Quiapo.
Layunin ng ABS-CBN na ipagpatuloy ang paglilingkod sa mga manonood sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga nakakaaliw at nakaka-inspire na kuwento. Patuloy ito sa pagpapalakas ng online presence at pagpapalago bilang digital na kumpanya.
