PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Voltes V Finale Tops Ratings

BarDa loveteam, muling huhusgahan sa 'Maging Sino Ka Man'
by PEP Troika
Published Sep 11, 2023
voltes v maging sino ka man
'Voltes V: Legacy' (left) ended on a happy note last Friday, September 8, 2023; Barbie Forteza and David Licauco's special limited series 'Maging Sino Ka Man' premiere this Monday night, September 11.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA:

Mataas ang rating ng finale episode ng Voltes V: Legacy nung Biyernes, September 8, 2023.

Naka-13.8% ito, at ang katapat nitong FPJ’s Batang Quiapo ay naka-12.3%, base sa datos ng AGB NUTAM.

Ang duda ng ibang netizens ay magkakaroon ng sequel ang sci-fi action-series ng GMA-7. Pero ewan ko lang dahil ang laking dusa nila rito at nakita namang ginastusan nang husto.

Tingnan natin kung mataas din ang ipapalit sa timeslot na ito, at kung may magic na dala ang BarDa love team nina Barbie Forteza at David Licauco.

Magsisimula na ang kanilang special limited series na Maging Sino Ka Man ngayong Lunes ng gabi, September 11, pagkatapos ng 24 Oras.

Read: Barbie Forteza claims 'Maging Sino Ka Man' TV remake is "napakalalim ng istorya"

Mataas din ang rating ng iba pang programa nung nakaraang Biyernes.

Ang 24 Oras ay 14.2%, at ang TV Patrol ay 2.9%.

Consistent pa ring mataas ang rating ng Royal Blood na pansamantalang idinirek muna ni Dingdong Dantes, dahil sa may family emergency lang daw na aasikasuhin si Direk Dominic Zapata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-11.9% ito, at ang The Iron Heart naman ni Richard Gutierrez ay 6.8%.

Sumunod ang Amazing Earth na naka-5.5%, at ang Senior High naman ay 4.1%.

JERRY OLEA:

Wagi sa ratings ang Voltes V: Legacy mula Agosto 31, Huwebes, hanggang Setyembre 6, Miyerkules.

Noong Setyembre 7, Huwebes ay naka-13.4% ang FPJ’s Batang Quiapo, kumpara sa 13.2% ng Voltes V: Legacy.

Buti naman at nakabawi ang ultra-electro magnetic finale ep ng serye nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landicho, at Matt Lozano.

Read: 'Voltes V: Legacy' huling linggo na; 'Batang Quiapo' nasa ikalawang yugto na

Nasa Ghost Month pa tayo hanggang Setyembre 14, Huwebes. Tingnan natin kung may epekto ang Ghost Month sa tambalang CarMo (Carding + Monique) ng BarDa (Barbie + David) sa limited series na Maging Sino Ka Man.

Samantala, medyo bumaba ang rating ng mga programa noong Biyernes ng hapon, pero nangunguna pa rin ang Abot Kamay na Pangarap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marami ang pumuri sa episode na ito kung saan guest si Manilyn Reynes na gumaganap bilang isang ina na nabaliw dahil sa pagkawala ng kanyang anak.

Pinipilit niyang si Analyn (Jiliian Ward) ang kanyang anak. Magaling si Manilyn sa episode na ito.

Naka-10.9% ang Abot Kamay na Pangarap, habang ang katapat nitong Pira-pirasong Paraiso ay naka-1.3%.

Pagkatapos nito ay sumunod ang Magandang Dilag na naka-9.1%, at ang Nag-aapoy na Damdamin naman ay 1.2%.

Ang The Missing Husband naman ay naka-6%.

Si Rufa Mae Quinto ang guest sa Fast Talk with Boy Abunda, at naka-4% ito.

NOEL FERRER:

Guest sa Fast Talk With Boy Abunda ang aking talent na si Joross Gamboa ngayong Setyembre 11, Lunes, nang live.

Sana, tumaas pa ang ratings nila, lalo pa’t nakakapag-promote pa siya ng The Missing Husband sa kabila ng hindi pagkakasama sa kanya sa billboard. Oh well, that’s water under the bridge.

After the teleserye, sasabak na si Joross sa kanyang special role sa pelikula nina Dingdong at Marian for Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tapos, kabi-kabila pa rin ang kanilang celebrity basketball. Waging raket iyan talaga lalo na sa mga magagaling mag-shoot!

Go, Joross, show them what’s you’ve got!!! Tuloy lang!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
'Voltes V: Legacy' (left) ended on a happy note last Friday, September 8, 2023; Barbie Forteza and David Licauco's special limited series 'Maging Sino Ka Man' premiere this Monday night, September 11.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results