JERRY OLEA:
Halfway through na sina Ina Raymundo at Will Ashley sa shooting ng pelikulang X and Y, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.
May-December affair ito nina Xander (karakter ni Will who’s turning 21 on September 17, Sunday) at Ysha (karakter ng 47-anyos na si Ina).
Ano ang feeling ni Ina na ganoon kabata ang ka-partner niya?
“Mas bata pa sa panganay ko!” bulalas ni Ina nang makachikahan namin sa last night ng lamay para sa former manager niyang si Manay Ethel Ramos nitong Setyembre 13, 2023, Miyerkules, sa Nacional Chapels & Crematory, G. Araneta Ave., Quezon City.
“Of course, tinanong ko si Direk Adolf, ‘Direk, baka naman magmukha kaming magnanay ni Will?’ Di ba? Sobrang mas bata pa siya sa panganay ko.
“Pero may pictures naman kami, parang puwede naman!”
May kissing scene sila?
“Yes, pero hindi pa namin nasu-shoot,” sambit ni Ina.
Kakayanin kaya ni Will na makipaghalikan kay Ina?
Napangiti ang premyadong aktres, “Well, wala siyang choice!”
Read: Ina Raymundo on young star with bad manners: "Tumatak talaga sa akin yun dahil na-torture ako..."
NOEL FERRER:
Ano ang feeling na hanggang ngayon, ipinapareha pa siya sa mga bagets?
“Kahit anong role, basta challenging, basta interesting, talagang go ako!” sambit ni Ina.
“Lalo nung in-offer ito ni Direk Adolf na… last time kong mag-portray ng lead role was a long time ago, before I became a mom.
“Kaya thank you sa trust ni Direk Adolf.”
Kasama rin si Ina sa pelikulang Pieta nina Nora Aunor at Alfred Vargas, na si Adolf din ang nagdirek.
Si Will naman ay kasama sa isa pang movie ni Direk Adolf, yung The Vigil. Walang kiyemeng magpa-abs ang co-actors ni Will sa The Vigil na sina Abed Green, Anjay Anson, Bruce Roeland, Carlo San Juan, Prince Carlos, at Kimson Tan.
Ang panlaban ni Will ay abilidad sa akting.
Read: Male cast ng horror movie na 'The Vigil' kuwela ang sagot sa tanong na "Are you still a virgin?"
GORGY RULA:
MILF na MILF naman talaga ang dating ni Ina Raymundo. Puwede pa talaga siyang i-partner sa mga bagets.
Kahit visible at bentang-benta sa socmed ang mga anak niya, hindi pa rin siya nagmumukhang nanay. Kaya babagay pa siya kay Will Ashley.
Sana, mapiga ang acting nila sa pelikulang ito.
Siyanga pala, kapansin-pansin ang acting ni Will sa Unbreak My Heart.
Napakaganda ng eksena nila ni Nikki Valdez na gumaganap bilang nanay niya sa teleseryeng ito. Napaluha ako sa tagpo nila ni Nikki sa last Monday episode. Napakagaling ni Nikki, hindi rin nagpahuli si Will sa eksenang yun.
Tiyak na iba rin ang atake ni Will dito sa pelikula nila ni Ina Raymundo.
