PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlo Aquino Seeks Visitation Rights for Child

Carlo Aquino, namataan sa korte kasama ang anak nila ni Trina.
by PEP Troika
Published Sep 14, 2023
carlo aquino daughter
Actor Carlo Aquino was spotted with his daughter at the Quezon City Regional Trial Court on September 13, 2023. A source says the actor has filed visitation rights to his daughter with former partner Trina Candaza.
PHOTO/S: DZRH / @viva_films on Instagram

GORGY RULA:

Nagpadala sa akin nung Miyerkules, September 13, 2023, ang isang kasamahan naming reporter sa DZRH ng litrato ng isang lalakeng may bitbit na batang babae. Kuha raw iyon sa labas ng isang korte ng Quezon City Regional Trial Court.

Tinanong niya sa akin kung yung nasa litrato ay ang aktor na si Carlo Aquino, at kung kaanu-ano nito ang bitbit na bata.

Kinumpirma ko sa kanyang si Carlo nga ang nasa litrato, at ang bitbit nitong bata ay ang anak ng aktor sa dating partner na si Trina Candaza, si Mithi.

Ayon sa DZRH reporter, lagi raw nakakapit ang bata kay Carlo.

Ipinagtaka naman namin kung ano ang ginagawa ng mag-ama sa korte. Kaya pinakalkal ko sa sa kaibigan naming reporter kung anong ginagawa roon ni Carlo.

Napag-alamang may isinampa palang kaso si Carlo laban kay Trina para sa visitation rights sa kanilang anak.

Matagal na raw naka-file ang kaso, at maaring isa lamang yun sa hearings na kailangang dalhin ang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtanong ako sa ilang taong malapit kay Carlo, pero wala raw silang alam tungkol sa kaso. Basta ang naririnig lang daw nila ay ayaw ipahiram ni Trina ang anak nila kay Carlo. Kung gusto raw makita ng aktor ang kanilang anak, puntahan lang daw ito sa condo unit ni Trina.

Ito kaya ang isang dahilan kaya wala si Carlo sa nakaraang birthday party ng kanilang anak?

Read: Carlo Aquino, Trina Candaza together for daughter Mithi's 2nd birthday

Naikuwento naman ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na dumalo siya sa birthday party ni Mithi. Sinabi raw sa kanyang imbitado si Carlo, pati raw ang mga magulang nito.

Salungat iyon sa narinig naming kuwentong ayaw raw ipakita ni Trina ang anak niya sa magulang ni Carlo. Ewan ko kung alin ang totoo doon.

Hindi ko alam kung paano ma-contact at mahingan ng sagot si Trina kaya bukas ang PEP Troika para sa kanyang panig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Trina Candaza denies ex-boyfriend Carlo Aquino’s claim about their daughter: “Hindi ko ipinagdadamot.”

NOEL FERRER:

Umaaasa tayo na, sana, magkasundo sina Carlo at Trina na kahit may kani-kanyang buhay na ay dapat maging magkaibigan para sa kanilang anak.

Dahil sa huli’t huli, walang ibang makikinabang sa pagiging maayos nila bilang co-parents kundi ang kanilang anak.

Kaya sana talaga, mapagtanto nilang it’s not about them, it's about their child.

JERRY OLEA:

Mula noong Setyembre 1 hanggang ngayon, Setyembre 14, Huwebes, ay No. 1 sa Prime Top in the Philippines ng Prime Video PH ang Comedy Island Philippines na pinangungunahan ni Carlo Aquino.

Read: Comedy Island Philippines, No. 1 sa Prime Video Top 10 PH

Katatawanan ang hatid ng nasabing palabas na may anim na episodes.

Sa tunay na buhay, wagas ang drama kaugnay sa ex ni Carlo at sa kanilang supling.

Sadyang dalawa ang mukha ng buhay — masaya at malungkot. Nagsasabay at naghahalo ang ligaya at lumbay. Nagsasalo ang halakhak at luha.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Carlo Aquino was spotted with his daughter at the Quezon City Regional Trial Court on September 13, 2023. A source says the actor has filed visitation rights to his daughter with former partner Trina Candaza.
PHOTO/S: DZRH / @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results