PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis, nagpapayat muna para sa 'Fuchsia'

Paolo Contis, nabawasan ng 20 lbs. habang nagti-training ng MMA.
by PEP Troika
Published Sep 20, 2023
paolo contis fuschia libre
Paolo Contis on fight scenes in 'Fuchsia Libre': "Ang hihiraaap! Three days straight yun! Juskoooo! Super sakit ng katawan ko, hanggang ngayon."
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram

GORGY RULA:

Natapos na ni Paolo Contis ang straight na tatlong araw na kinunan ang fight scenes niya sa pelikulang Fuchsia Libre ng Mavx Productions na idinirek ni RC delos Reyes.

Ginagampanan ni Paolo ang role ng isang MMA (Mixed Martial Arts) fighter, pero isa siyang bading.

Read: Paolo Contis, gay wrestler ang role sa pelikula nila ni John Arcilla

Magaling lang siya sa away sa kalye kaya pina-train siya ng tatay niya, na ginagampanan ni John Arcilla, dahil lalambut-lambot siya. Hanggang sa naging magaling siyang fighter.

Talagang pinaghandaan ni Paolo ang pelikulang ito. Bago siya isinalang sa fight scenes sa ring, nagpapayat muna siya.

Nahirapan din daw siya sa pagpapayat, pero kailangan niyang gawin yun para believable siyang magaling na MMA fighter.

Successful naman ang pagpapayat ni Paolo na umabot ng 20 pounds daw ang na-lose niya.

Nung weekend kinunan ang fight scenes ni Paolo sa ring kung saan nakaeksena niya ang mga totoong wrestlers na kasamahan ng fight instructor nilang si Erwin Tagle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang hihiraaap!" text ni Paolo sa PEP Troika.

"Three days straight yun! Juskoooo! Super sakit ng katawan ko, hanggang ngayon," text niya uli sa amin ngayong Martes, September 19.

Kahit mahirap, nae-enjoy pa rin daw niya dahil ngayon lang niya ito nagawa.

Bukod sa mahirap na fight scenes may mga matinding drama scenes din sila ni John. Another challenge na naman ito sa kanya dahil John Arcilla pa naman ang kaeksena.

Pero may isang mahabang action scenes pa silang gagawin na bale ending daw ng pelikula.

JERRY OLEA:

Natapos na rin ni Paolo ang drama movie nila nina Patrick Garcia at Kaye Abad na A Journey.

Read: Patrick Garcia, nakumbinsing magbalik sa pag-arte dahil kina Kaye Abad at Paolo Contis

Hindi pa raw niya alam kung isa-submit ito ng Mavx sa Metro Manila Film Festival. Pero dramang-drama naman daw silang tatlo rito.

Proud ang producer na si Erwin Blanco ng Mavx sa kanilang tatlo dahil napakagaling daw nila sa pelikulang ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw nilang wala itong kinalaman sa kuwento ng Tabing-Ilog.

NOEL FERRER:

Nasa cast din ng Fuchsia Libre sina Gian Magdangal, Khalil Ramos, at Jon Santos.

Sunud-sunod ang pelikula ni Pao at okay rin na marami siyang nagawang pelikulang nakabangko lang. Pero sana, ma-promote at ma-timing-an nang maigi para kumita ang mga ito.

Good luck at salamat sa MavX sa pagtaya at pagsugal sa mga kakaibang pelikula. Sana talaga ay matangkilik ito ng mas marami sa atin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis on fight scenes in 'Fuchsia Libre': "Ang hihiraaap! Three days straight yun! Juskoooo! Super sakit ng katawan ko, hanggang ngayon."
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results