JERRY OLEA:
Setyembre 15, 2023, Biyernes ng 6:34 p.m. nang makatsikahan ko ang National Artist na si Ricky Lee sa lobby ng Manila Metropolitan Theater bago ang gala presentation ng ballet-musical na Rama, Hari.
Kagagaling lang niya sa SMX Convention Center sa Pasay City, kung saan second day na ng four-day Manila International Book Fair 2023.
Masaya si Sir Ricky dahil mabenta ang mga libro niya sa booth, kaya ganado siyang mag-autograph kahit hindi naman naka-announce na magbu-book signing siya.
Read: National Artist Ricky Lee, ganado sa pagdalo sa Book Fair dahil napapalibutan ng book lovers
Setyembre 14 at 17, Huwebes at Linggo, ang mga nakatakdang araw na magbu-book signing si Sir Ricky sa kanyang booth. Pero sa apat na araw ay present siya sa book fair at matiyagang pumipirma ng autograph.
Setyembre 18, Lunes ng 8:17 a.m. nang i-repost sa Facebook ng kaibigang Glaiza Lee (“journalist, cultural worker, batang pagala-gala sa CCP”) ang September 14 video kung saan nagbatian sina Sir Ricky at Pia Wurtzbach, at “hinawi” si Sir Ricky nang isa sa mga sekyu sa paligid ni Pia.
Read: National Artist Ricky Lee speaks up about "hawi" incident with Pia Wurtzbach at book fair
Sabi ni Glaiza, “Sana kilalanin natin ang mga National Artists para di hinahawi na lang.”
Sa mga comment sa nasabing FB post ay may mga dagdag na pahayag si Glaiza, “Sad. Hindi lang dapat mga pop stars, or mga tiktokers eme na ewan ang contents, ang kinikilala. Meron pang mas dapat kilalanin.
“Dapat protocol yan sa mga guards na kilala mga important people.”
May nagkomento, “Hindi naman sinasadya ng Guard syempre dala din ng sitwasyon at trabaho nya. ang focus nya i guard si Pia. Kung baga dyan sa sitwasyon na yan si Pia ang trabaho i escort. Di naman sya tinulak o sinaktan.”
Pagmamatwid ni Glaiza, “Pero parte ng trabaho niya na kilalanin ang mga important people. Mga ushers namin sa CCP, trabaho nila mag-guide at magescort ng mga audience. Pero kilala ang mga National Artists.
“And if you look closely, nakikipag-usap at nakahawak kamay pa si Pia kay NA Ricky Lee pero hinawi na. The escort should have stopped and let them talk a bit. Or tell Pia na kailangan na niyang dumeretso. Respeto lang.”
Setyembre 18, Lunes ng umaga, nagsimulang kumalat ang video kaugnay sa kaganapan kina Pia, Sir Ricky at sekyu sa first day ng book fair noong Setyembre 14, Huwebes.
Pakiwari ko ay hindi napansin iyon ni Sir Ricky noong Huwebes — lalong hindi niya dinamdam — kaya nang mga sumunod na araw ay lagi siyang nasa book fair.
Noong Biyernes ng gabi sa gala ng Rama, Hari, nagkatsikahan pa sila sandali ng kapwa National Artist na si BenCab.

May apat pang National Artist sa pagtitipong iyon, sina Ryan Cayabyab, Virgilio Almario, Alice Reyes, at Agnes Locsin. In-acknowledge ang presence nilang anim bago sinimulan ang pagtatanghal ng Rama, Hari that night.
Noon ding Setyembre 18, Lunes ng 8:44 a.m., ifinorward ko sa kaibigang Direk Mac Alejandre ang footage ng eksena nina Pia, Sir Ricky, at sekyu, “Any comment sa paghawi ng guard kay Sir Ricky?” tanong ko kay Direk Mac.
Nitong Setyembre 21, Huwebes ng gabi, nag-post si Direk Mac sa FB kaugnay sa pangyayari.
Pasakalye ni Direk Mac, “The video of the MIBF incident with Ricky Lee and Pia Wurtzbach was sent to me Monday morning by a friend and I was asked my reaction to it…”
Nag-PM ako kay Direk Mac kung ako lang ba iyong nag-forward sa kanya ng video noong Monday morning, o may iba pa?
“May iba pa,” tugon niya.
Nitong Huwebes ng 8:27 a.m. ay nakatanggap ako ng pagbati mula kay Sir Ricky kaugnay sa aking ika-57 kaarawan.
Aniya, nagha-hot spring water siya sa Los Baños kaya nakaligtaan daw niya ang aking kaarawan.
Napakabait at napakamapagkumbaba ni Sir Ricky! Sa isip-isip ko, may magandang dahilan siguro kaya “hinawi” siya ng sekyu ni Pia.
NOEL FERRER:
Ni-repost sa Facebook ng artist na si Yan Yuzon ang FB post ni Direk Mac.
Pahayag ni Yan, “Exactly what you'd expect of Ricky Lee, who might be one of the sweetest, kindest artists I have ever met and gotten the honor of knowing.
“Tao muna bago artist, tao muna bago art, sapagkat ang pagpapakatao ang bukal ng kanyang sining — kaya walang kaso sa kanya ang insidenteng pinagpiyestahan ng mga tao online.
“Ricky Lee doesn't need your defense.
“True greatness doesn't just shy away from the trappings of status, it almost eludes status because it wants to be one with the people, never above the people.
“His empathy for the security worker is the true measure of his humanity, not an award that ironically separates him from those whose causes are dearest to him, whose plight, whose invisibility — whose heart —- is always at the core of his storytelling.”
Tama naman si Yan, pero ang tumatak sa akin ay yung pahayag mismo ni Sir Ricky na "ano ang dapat na naganap kung 'ordinaryong' tao ang nalagay sa sitwasyon.’”
Sabi ni Sir Ricky, “Ang pagiging makatao at pagpapakita ng respeto ay para sa lahat. Hindi ito kumikilala ng edad, kasarian, o katayuan sa buhay.”
Iyon ang nararapat na panuntunan natin.
Incidentally, I have a very good interview with Pia Wurtzbach-Jauncey na naganap bago pa man ang insidente sa MIBF.
It’ll be aired on Radyo Katipunan later at 3 p.m. where PIA talked about her married life, her busy sked (like being in the Milan Fashion Week today) and her new book!
GORGY RULA:
Ang dami nang sumali sa isyu nina Sir Ricky Lee, Pia Wurztbach, at security guard.
Nabanggit na ni Sir Ricky sa ilang kaibigang tapos na yun. Nakakatuwa ang pagiging humble niya, at ayaw na niyang dalirutin pa ito nang husto.
Na-earn talaga ni Sir Ricky ang paggalang sa kanya mula sa mga taga-industriya kaya ganun na lang ang reaksiyon ng karamihan.
Siguro, tapusin na nga ito.
Sana maipagpatuloy pa nung security guard ang kanyang hanapbuhay at hindi na madamay ang pamilya niya sa pagkakamali niyang yun.
Dapat naman talagang bigyang halaga ang ating mga National Artist.
Sana, ganun din ang ibigay sa ating original Superstar Nora Aunor. Makukuha niya kaya ang respetong ibinibigay kay Sir Ricky?
Read: Superstar at National Artist Nora Aunor: “Pulubi pa rin ako hanggang ngayon!”
Siyempre, Nora Aunor siya at bago pa siya naging National Artist, kilala na siya ng lahat. Kaya siguro hindi naman siya mahahawi nang ganun-ganun na lang.
Pero dahil isa nang National Artist si Ate Guy, hindi na kaya siya mababato ng mga batikos at paninira mula sa bashers? Mabibigyan din kaya siya ng halaga at pagkilala dahil sa kanyang pagiging National Artist?
Read: National Artist Nora Aunor on some younger stars: “Dadaan-daanan ka na nga lang.”
