GORGY RULA:
Magkaroon ng balasahan ng mga host sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga! sa mga darating na araw.
Wala raw matatanggal, sabi ng aming source, pero baka ii-schedule na raw ang ibang hosts dahil may ibang shows na silang tatanggapin.
Hindi muna sinabi sa amin kung sinu-sino ang mga host na ito, pero may gagawin nang TV series ang ilan sa kanila. Kaya hindi na sila puwede ng daily hosting sa naturang noontime show.
Sina Paolo Contis at Isko Moreno talaga ang nakaposteng hosts kaya kailangan sila mula Lunes hanggang Sabado.
Kasali si Isko sa Black Rider ni Ruru Madrid, pero aware ang production na magbu-Bulaga! muna ito bago siya tumuloy sa taping.
Read: Ruru Madrid, excited na sa pagsasamahan nilang teleserye ni Matteo Guidicelli
Sabi naman ni Paolo, sobrang happy na siya sa daily na Eat Bulaga! at taping sa Bubble Gang every Monday.
Hindi pa raw niya alam kung ano ang mangyayari sa kanilang mga host. Pero sa ngayon ay hindi pa raw niya masasabi kung tatanggap pa siya ng drama series. Mas priority raw niya ngayon ang Eat Bulaga!.
Ang isa pang narinig namin ay magkakaroon na ng Season 2 ang Running Man Philippines, at ang dating kasali roon na sina Glaiza de Castro, Buboy Villar, at Kokoy de Santos na regular sa Eat Bulaga!.
Wala pa kaming ideya kung sino sa kanila ang kasali uli sa naturang reality show o baka silang tatlo pa rin.
Wala pa raw na-finalize, pero malaki ang posibilidad na hindi na araw-araw ang hosting job ng karamihan sa co-hosts nina Paolo at Yorme.
Read: Running Man PH, magkakaroon ng Season 2?
JERRY OLEA:
Kinulit ng PEP Troika si Paolo kung ano ang masasabi niya sa pagbabalik-TV ni Willie Revillame.
Sandaling nag-co-host noon si Paolo kay Willie nung nasa GMA-7 pa ang Wowowin.
Tinanong lang niya kung tuloy na ba talaga si Kuya Wil at kung saan siya magpu-programa. Sinabi naming sa PTV 4 ito at IBC 13.
"Well that's good... at least, mas madaming matutulungan na tao, di ba?" safe niyang sagot sa PEP Troika.
Samantala, may usap-usapan ding isasali na sa Eat Bulaga! si Herlene Budol, pero walang nagkumpirma rito. Hindi raw iyon alam ni Paolo.
NOEL FERRER:
Forever na mag-e-evolve pa itong revamped Eat Bulaga! hanggang makuha nila ang kanilang permanent target audience.
As it is, kailangan nila ng iba pang marquee names sa roster nila. Kasi, ang laging pinag-uusapan ay kung sinong Kapuso stars ang nagge-guest sa It’s Showtime.
Let’s see kung anong pagpi-pivot ang gagawin nila para mabigyan ng sariling identity ang natirang Eat Bulaga! sa GMA-7.
