JERRY OLEA:
Mapapanood na ang mapangahas na pelikulang The Last Resort umpisa ngayong Setyembre 26, 2023, Martes, sa website ng Goblin Films.
Bida sa pelikula sina Paolo Paraiso, Erin Ocampo, at Oliver Aquino, sa direksiyon ni Jay Altarejos.
Pahayag ni Erin sa mediacon noong Setyembre 22, Biyernes, sa Limbaga 77 restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City, “I’ve been in the industry for 14 years na po. Pero siyempre, I’m so proud!
“This is the first lead role in a movie na ginawa ko po after everything that I’ve been through. I’ve been through! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Sa istorya, may problema sa pagsasama ng mag-asawang Emily (Erin Ocampo) at Robert (Oliver Aquino). Any moment ay maghihiwalay na sila.
Para mag-init muli ang romansa sa kanilang pagitan, sinunod nila ang payo ng kanilang marriage therapist na magliwaliw sa isang private resort.

Oliver Aquino and Erin Ocampo in 'The Last Resort'
“In some way, nakokonek ko yung sarili ko kay Emily. Kasi, ganun din akong magmahal,” saad ni Erin.
“Same na same! Alam mo yung parang… OK lang, sige na. Mahal kita, go, work it out! Lalo na sina Emily at Robert, they’re fixing their marriage, rekindling their marriage.
“So, parang kung ako rin po ang nasa posisyon ni Emily, I will do the same for the sake of love. Love! Lover girl talaga ako!”
Sa pagpunta nina Emily at Robert sa resort ay nagkaroon ng twist.
“Super-twist! Super-twist siya. Twister talaga siya! Surprise!” bulalas ni Erin.
Nagpa-sexy si Erin sa The Last Resort pero may limitasyon, dahil isinasaaalang-alang niya ang anak niyang si Kiel na magwawalong taong gulang na sa Disyembre.
Read: Erin Ocampo details why she's not bitter about failed relationship with Michael Pangilinan
“Pagdating po sa pagpapa-sexy, this is my first time na gawin yung sexy talaga… First ko rin po yung kissing scene,” sabi ni Erin.
“So for me, ibinigay ko po lahat. Ha! Ha! Ha! For the first time.”
Lahat-lahat?!
“Not everything but I gave my all. Ha! Ha! Ha! Ha! First kissing scene, first bed scene, yes!” sey ni Erin.
Kumusta ang lips ni Oliver?
Mabilis na sagot ni Erin, “Malambot po! Ha! Ha! Ha! Actually lahat po ng ka-work ko, hindi po ako nahirapan sa kanila.
“Especially po yung mga scene namin, hindi madaling gawin. Hindi po ako nahirapan kasi off cam and on cam, may relationship na po kaming nabuo, e.
“So close po lahat, even the director, the producer… lahat po kami, parang we’re family.
“Masasabi po talaga namin na kapag you’re working with Goblin, you’ll eventually like… you’ll become a family. And that’s real.”
Nasa cast din ng The Last Resort sina Rolando Inocencio, Mia Alvarez, Chloe Garcia, at Czarina Chong.
Ang executive producers ay sina Dave Lao at Richard Perez.
NOEL FERRER:
After 14 years in showbiz, bakit ngayon lang siya sumabak sa naughty, sensual, and provocative movie?
“Actually, wala po akong plano anytime soon. Kasi two years ago and last year, yung kabilang site, ino-offer-an na talaga ako,” pagtatapat ni Erin.
“For me, hindi ko siya kayang gawin. Kasi, I’m not really into that. Kasi kaya ko naman pong gawin lahat, di ba?
“Kaya kong kumanta, sumayaw. Nagpa-funny movies ako, nagdadrama ako, everything, say it. Like anything you want.
“Pero this time kasi po, nung nakita ko yung script, sabi ko, ‘Oh!’ Parang… I can give everything for this story, for this script.
“Kasi maganda po ang story talaga. Yun po talaga ang nagpa-yes sa akin, yung story.
“Wala pa po ako nababasa na script, ikinukuwento pa lang po sa akin ni Sir Dave nung nag-meeting kami, sabi ko, ‘Tara! Game! Gagawin na natin yan! Tara na!’ Ganun.”
GORGY RULA:
Challenging para kay Erin Ocampo iyong isang eksena nila ni Paolo Paraiso.
Pagsisiwalat ni Erin, “Isang scene na mahirap, pero kasi namin, from 10:00 p.m. to 3:00 a.m. namin kinunan yun para mabigyan lang ng hustisya yung part na yun.
“Ganun po katagal… Hindi siya actually madaling gawin pero kinaya naman namin para mabigyan ng buhay itong movie natin. Yes!”
Nakipagsabayan ba siya sa Vivamax stars? O hinigitan pa?
Tugon ni Erin, “Hindi ko po kasi siya puwedeng i-compare dun. Kasi, hindi po yun ang intensiyon namin bilang Goblin.
“Ang intensiyon po namin is bigyang-halaga mismo yung story at yung takbo nung… e, kung may ganun pong eksena, why not?
“Pero hindi po yun talaga ang pinaka-goal namin.”
Pangako ni Direk Jay Altarejos, itong The Last Resort ay unapologetically sexy and naughty.
Ani Direk Jay, “May ipapakita kaming hindi niyo pa nakikita. Tapos, may next film na kami for October, iyong Talpakan ni Long Mejia.
“Basta, abangan niyo ang mga ipapakita naming hindi nyo pa nakikita kahit diyan sa may mga iba-iba diyan sa tabi-tabi. Ha! Ha! Ha!”
Maliban sa The Last Resort, streaming na rin sa website ng Goblin Films ang mga pelikulang Jino To Mari, Starlet, May Gatas Pa Sa Labi, Bubot, Mister Mo, Lover Ko, Perfumed Garden, Kiskisan, Maldita, at Katawan Mo, Langit Ko.
