JERRY OLEA:
Ang saya-saya ng 57th birthday celebration ni Senator Bong Revilla nitong Setyembre 25, 2023, Lunes ng gabi, sa grand ballroom ng Okada hotel resort, Parañaque City.
Ipinagdiwang din dito ang kanyang 50th anniversary in showbiz, at ang programa ay gagawing TV special na Idol Ko Si Bong. Ite-telecast iyon sa Oktubre 7, Sabado, sa GMA-7.
Read: Bong Revilla, all-natural daw at no steroids or stem cells
Kabilang sa matutunghayan sa TV special sina Jillian Ward, Robin Padilla, Phillip Salvador, Jinggoy Estrada, Maricel Soriano, Beauty Gonzalez, Ara Mina, Sunshine Cruz, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, Rabiya Mateo, Sanya Lopez, Tirso Cruz III, Niño Muhlach, Roi Vinzon, Gardo Versoza, Long Mejia, Betong Sumaya, Mitoy Yonting, Ogie Diaz, at siyempre pa, Lani Mercado.

Inaasam ni Senator Bong na maibangon ang industriya ng pelikula at telebisyon, at isaayos ang sistema upang matulungan ang mga nasa industriya.
“I’m so blessed. Lahat na, ibinigay sa akin ng Panginoon. After what happened to me, yung buhay ko, di ba, parang rollercoaster,” lahad niya.
“Ups and downs, and up. So, I just hope na basta maayos ang lahat, healthy lahat ng pamilya ko.
“Ang bayan natin, ang mga kababayan natin, kung papaano tayo makakatulong, makatulong tayo na talagang mararamdaman ng mga mahihirap nating kababayan ngayon.
“Yun ang ating wish na bigyan pa tayo ng lakas ng loob at sapat na talino para magampanan lahat ito.”
Ang birthday wish ni Congresswoman Lani para sa mister, “Ang hirap mag-wish para sa isang taong halos lahat ay meron na.
“Wish ko siyempre, siguro sa kanya ngayon — kung ano man ang wish niya ay matupad! At siguro, yung health niya, since medyo bumabata na kami. Ha! Ha! Ha! Ha! Matutukan.
“At sana yung pangarap namin na mapanumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.
“Ganun na lang ang wishes namin. Kasi, nakaka-miss talaga na nanonood ka na puno ang mga sinehan.
“Kasi, nag-evolve na ngayon, e. People are really going digital. So, sana mapanumbalik yung sigla muli ng panonood ng pelikula sa mga sinehan.”

Sa lobby ay naka-display ang costumes na ginamit ni Senator Bong sa TV ang movies, ang trophies na iginawad sa kanya, at posters ng movies niya.


Sa gold carpet ay may dalawang puwesto para sa souvenir photos. Siyempre pa, malaking oras ang inilaan para sa picture-taking.
Sa umpisa pa lang ay nag-table hopping na si Senator Bong para magpa-picture sa mga bisita.
Nakakatuwang makita roon ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, na nakita namin sa burol ng namayapang manager ni Aga na si Manay Ethel Ramos noong Setyembre 12 at 14 sa Nacional Chapels & Crematory, G. Araneta Ave., Quezon City.
Read: Pumanaw na talent manager na si Ethel Ramos, nagparamdam kay Senator Bong Revilla?
Sa second night ng lamay ay si Aga lamang ang present, wala si Charlene. Masayang okasyon naman ang pagpapalitrato sa kanila.

Aba! Nakunan namin ng litrato sina Charlene at Alma Moreno, na parehong gumanap na Dyesebel.

Si Sharon Cuneta ay nag-video message lang. Sinadya siguro iyon para huwag silang magkasama ni Gabby Concepcion na dumalo sa party.
After their presscon sa Okada noong Setyembre 15 ay magkikita na uli sila sa Dear Heart concert nila sa Oktubre 27 sa SM Mall of Asia Arena.
Read: Gabby Concepcion ribs Sharon Cuneta: "Concepcion nung araw ito, e."
Kabilang pa sa mga namataan namin sa 57th birthday party ni Senator Bong sina Jimmy Santos, Bayani Agbayani, Dawn Zulueta, Jackie Lou Blanco, Mariz, Ronnie Ricketts, Gladys Reyes, Senator Manny Pacquiao, Senator Lito Lapid, Senator Chiz Escudero, Senator JV Ejercito, Senator Mark Villar, Senator Imee Marcos, Senator Bong Go, Senator Francis Tolentino, Senator Grace Poe, at Senator Bato de la Rosa.







Present din sina Tirso Cruz III, Lynn Ynchausti, Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Amy Austria, Gina Alajar, Isabel Rivas, Azenith Briones, Ricky Davao, Mariel Rodriguez, Mayor Ina Alegre, Iza Calzado, Vice Governor Mark Leviste, Speaker Martin Romualdez, Congressman Sam Versoza, Federico Moreno, Harlene Bautista, Arlene Muhlach, at Herlene Budol na panay-panay ang pa-picture sa mayayaman.










Andoon din sina Tonton Gutierrez, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Direk Mac Alejandre, John Nite, Jeffrey Santos, Carlo Maceda, Efren Reyes Jr., Wilma Doesnt, Angelu de Leon, Mikee Cojuangco, Dudut Jaworski, Ynez Veneracion, Rez Cortez, Dindo Arroyo, Antonio Vinzon, Lala Vinzon, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Long Mejia, at Malou Choa-Fagar.






Dumalo rin ang mag-amang Atty. Felipe at Atty. Annette Gozon ng GMA-7, pati mga Kapusong sina Lilybeth Gomez-Rasonable at Redgie Magno, sina Sir Carlo Katigbak at Ma’am Cory Vidanes ng ABS-CBN, Ma’am Wilma Galvante ng NET25, at siyempre pa, ang mga kapamilya ni Senator Bong.


NOEL FERRER:
Maganda at kailangan natin ang mga ganitong mga pagsasama-sama at pagtitipun-tipon ng mga taga-industriya natin tulad ng naganap sa celebration ni Senator Bong ng kanyang kaarawan at showbiz anniversary.
Maganda ang naging sagot nila na wish para sa birthday ni Senator Bong.
Ang sabi ay sana biyayaan siya ng mas marami pang lakas at talino para pagsilbihan ang ating industriya at ang bayan!
Sana’y magpatuloy ang ganitong biyaya sa inyo, Senator Bong, at sana soon, makagawa na po ulit kayo ng pelikula na tatangkilikin ng marami ninyong tagasuporta!
GORGY RULA:
Sobrang saya ng mag-asawang Senator Bong at Congresswoman Lani dahil dumalo ang mga artistang nakatrabaho ng senador.
Ang nakakatuwa, pati mga kasamahan ni Cong. Lani sa GMA Supershow ay nandun din na tamang-tama naman ay nandito pa si Rachel Anne Wolfe. Kaya halos kumpleto naman sila.
Kulang na lang sina Sharon Cuneta at Gretchen Barretto.
Pati ang mga hindi na ganun ka-active sa showbiz ay nandoon din. Kagaya ni Mikee Cojuangco na naka-partner ng senador noon sa pelikulang Buhay Mo’y Buhay Ko Rin, at si Dawn Zulueta na naka-partner naman niya sa Isang Bala, Isang Buhay ay nakisaya rin.
Parang tuluyan na silang nagpahinga sa showbiz. Pero si Dawn ay tuwang-tuwa nang nakita niya ang ilang miyembro ng entertainment press na naging close din sa kanya.
