GORGY RULA:
Mataas ang rating ng E.A.T. noong Sabado, September 23, 2023, kung saan ipinakilala si Atasha Muhlach bilang bagong miyembro ng Legit Dabarkads.
Nakapagtala ito ng 5.4%, ayon sa AGB Nielsen NUTAM.
Read: Atasha Muhlach, positive reviews sa televiewers sa unang araw niya bilang E.A.T. Dabarkads
Ang Eat Bulaga!, kung saan may nagwagi na naman ng house and lot sa game nilang "May Pa-Key Sa Yo,' ay naka-3.6%.
Ang It's Showtime naman ay naka-3.4%.
Bukod kay Atasha, lalo pang pinag-usapan ang E.A.T. noong Sabado dahil sa "lubid” joke ni Joey de Leon.
Read: Netizens call out Joey de Leon for "lubid" joke on 'E.A.T.'; dare MTRCB to step in

Noong Lunes, September 25, ay mataas pa rin ang E.A.T. ng TVJ sa TV5.
Naka-4.3% ang E.A.T., 3.3% ang Eat Bulaga!, at 2.7% naman ang It's Showtime.
Trending pa rin noong araw na yun si Tito Joey, pati ang MTRCB na naglabas ng statement na iimbestigahan daw nila ang "lubid" joke ng E.A.T. host.
Read: MTRCB, rerebyuhin ang mga reklamo tungkol sa "lubid" joke ni Joey de Leon sa 'E.A.T.'
Pero dahil sa pagsali ni Atasha sa E.A.T., na-highlight naman sa Eat Bulaga! si Cassy Legaspi nung Lunes.
Parang nagmala-GMA Gala sila na naka-formal lahat ng hosts. Ang ganda ni Cassy sa kanyang white gown.

Hindi tuloy naiwasang tila pinagtapat sina Cassy at Atasha.
Kaya abangan natin kung magiging mainit ang tapatan ng anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Atasha, at ang anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na si Cassy.
JERRY OLEA
Hulyo 1 nag-umpisa ang Battle of Noontime Shows — E.A.T. sa TV5, Eat Bulaga! sa GMA-7, at it’s Showtime sa GTV.
Read: Ratings war explained: how are noontime shows faring amid new TV landscape?
Sa loob ng halos tatlong buwan ay dalawang beses pa lang kinabog ng Eat Bulaga! ang E.A.T.
Ang Kapuso primetime series nina Barbie Forteza at David Licauco na Maging Sino Ka Man ay nag-pilot noong Setyembre 11, na sakop ng Ghost Month.
Mula noon ay napag-iwan ito sa ratings ng FPJ’s Batang Quiapo.
Ang teleserye na ni Coco Martin ang nangunguna mula noon. Talbog maging ang 24 Oras.
Read: 'Maging Sino Ka Man' pilot episode, nag-trend sa X; 'Batang Quiapo,' panalo sa ratings
Sa last three nights ng Royal Blood, mas mataas pa ito sa Maging Sino Ka Man. It goes without saying na taob sa Royal Blood ni Dingdong Dantes ang katapat na The Iron Heart na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.
Nitong Setyembre 25, Lunes, ang FPJ’s Batang Quiapo ay naka-15.7%, kontra sa Maging Sino Ka Man na naka-10.5%. Hindi na bago iyan.
Ang masaklap, iyong The Iron Heart ay naka-8.1% kumpara sa pilot episode ng Love Before Sunrise nina Dennis Trillo at Bea Alonzo na naka-8% lamang.
Read: Bea Alonzo, inaming nailang kay Dennis Trillo sa first-day taping ng 'Love Before Sunrise'
Bale tatlo nang programa ng kalaban ang wagi sa ratings — E.A.T., FPJ’s Batang Quiapo, at The Iron Heart na nasa huling tatlong linggo na. Kabog iyong Kapuso shows na Eat Bulaga!, Maging Sino Ka Man, at Love Before Sunrise.
NOEL FERRER
Ang Eat Bulaga! ay blocktimer at kahit ano ang mangyari, may kita ang network dito at may fixed na kontrata ang show sa GMA-7.
Pero paano ang special limited series na Maging Sino Ka Man, at ang Love Before Sunrise?
Tingnan natin kung paano sila makaka-adjust sa labanan sa ratings at kung ano ang mga pagbabagong mangyayari sa darating na araw.
I’m sure, tututukan ng mga kinauukulan ang mga programang ito.
At kung gumanda man ang mga ito sa kalidad man o ratings, ibabalik ko ang lagi kong sinasabi — tayong mga audience ang panalo.
Pero kung hindi, ang audience lagi ang magbibigay ng hatol. Good luck!!!
