PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana joins 'Batang Quiapo'

Carla Abellana, gustong manatiling Kapuso.
by PEP Troika
Published Sep 27, 2023
carla abellana contract renewal
Carla Abellana wants to remain a Kapuso: "Ang priority ko ngayon, ang negotiation ko na network contract basically. Siyempre, yun ang pinakaimportante po, e... Because yun po yung trabaho ko talaga. That' my home network. I value that so much, kasi yun ang aking regular job, that's my home network. So, dun talaga ako naka-focus sa ngayon."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Pinabulaanan ni Carla Abellana ang bali-balitang idadagdag siya sa bagong cast ng FPJ's Ang Batang Quiapo ni Coco Martin.

Nagkaroon ng ganitong bulung-bulungan nang napabalitang lilipat na ang Kapuso actress sa management ng All Access To Artists o Triple A ni Direk Mike Tuviera.

Nung nakaraang linggo pa dapat sila haharap sa entertainment press para pormal na i-announce na magiging artist na siya ng Triple A, pero na-move na ito nung Martes, September 26, 2023, na ginanap sa Sampaguita Gardens.

Doon nagkaroon ng pagkataon ang press na linawin ang isyung ito kay Carla.

Aniya, “Kung bibigyan po ako ng opportunity, why not? My goodness! I would love to be part of Batang Quiapo.

"Pero wala naman pong offer. Wala pong inaalok sa akin na maging parte po ng Batang Quiapo.

"As of ngayon, wala naman pong final na offer na maging parte po ng kahit na anong proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, hindi po. Pero kung yayain po ako, kung aalukin po ako, magiging open po ako dun."

Katatapos lang ni Carla ng Voltes V: Legacy at meron pa siyang kasunod na drama series sa GMA-7, ang Stolen Life, kasama si Gabby Concepcion.

Read: Carla Abellana happy about short role in Voltes V: "Hindi po ako nabitin."

Kaya siguro nagkaroon ng ganung tsismis na magiging Kapamilya na siya dahil noong May pa natapos ang network contract ni Carla sa GMA-7. Hindi pa niya masasabi sa ngayon kung magkakaroon ng renewal.

"Yung akin pong kontrata sa GMA, nag-expire po nung May. So, medyo matagal na rin pong expired, four months po.

"Baka doon po nagsimula po yun. Siguro, dahil question mark pa rin po... parang kumbaga, nag-expire po ang aking network contract, e, wala pa pong renewal.

"Of course, wala pa pong signing or anything. Kaya siguro may mga ganung nakakasingit, kasi question mark pa rin po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, wala pa po tayong masasagot dun. Kasi it's the truth naman po na wala naman po akong pinipirmahan pang kontrata with any network."

NOEL FERRER

Kung si Carla ang masusunod, mas gusto pa rin niyang manatiling Kapuso. Kaya naka-focus daw muna siya ngayon sa negotiation ng renewal.

Gusto pa rin daw niyang manatiling Kapuso, kung siya ang masusunod.

"Ang priority ko ngayon, ang negotiation ko na network contract basically. Siyempre, yun ang pinakaimportante po, e.

"Of course, kagaya nung nabanggit ko kanina. Nag-expire na ang aking GMA contract nung May po. So, yun ang pinaka-priority ko sa ngayon.

"Because yun po yung trabaho ko talaga. That' my home network.

"I value that so much, kasi yun ang aking regular job, that's my home network. So, dun talaga ako naka-focus sa ngayon."

Kahit napapabalitang babalik na sa Pilipinas si Tom Rodriguez, at ipagpatuloy ang kontrata niya sa GMA, wala naman daw problema iyun sa Kapuso actress.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Carla Abellana asked what if she bumps into ex-husband Tom Rodriguez: “Wala na akong mararamdaman...”

"No problem po. Kasi ever since naman po, Kapuso po ako, fourteen years na po.

"Of course, I would love to stay. My loyalty is with GMA.

"Sino ba naman po ang hindi gusto mag-stay, di po ba? Nandiyan na, e. Yun na po, e, yun na po yung buhay ko, e.

"Siyempre, kilala mo na ang lahat na taong nandiyan. Nandun na po yung trust. Nakapag-build na po ng family dyaan.

"So, siyempre, yun yung gusto ko. Yun po yung wish ko. Yung priority ko na mag-stay sa home network."

Let’s wait and see what happens after this.

Will GMA treat Carla the way they do kay Marian Rivera na loyal Kapuso rin na under AAA Management? Abangan!

JERRY OLEA

Namamayagpag ang FPJ’s Batang Quiapo sa ratings. Hindi nakaporma rito ang Maging Sino Ka Man na nag-umpisa noong Setyembre 11, na sakop pa ng Ghost Month.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang matapos ang kontrata ni Jaclyn Jose sa GMA-7, pumuwede na siyang mag-Batang Quiapo.

Read: Jaclyn Jose, balik-Kapamilya; pasok sa 'FPJ's Batang Quiapo'

Meron pa namang Stolen Life si Carla sa GMA, kaya malabo pa siyang mag-over da bakod.

Oo nga at talo sa ratings ang tatlong programa ng GMA-7 noong Setyembre 25, Lunes — Eat Bulaga!, Maging Sino Ka Man, at Love Before Sunrise — pero nakaaangat pa rin nang lubos ang GMA sa TV5 na nagpapalabas ng E.A.T., FPJ’s Batang Quiapo, at The Iron Heart na pawang wagi sa ratings.

Iyong ALLTV na tinaguriang bagong Channel 2, nag-first anniversary na ang soft launch noong Setyembre 13 pero wala pa sa ating diwa kung kailan ito magpu-full blast.

Ang TV5 na umaasam maging number 2 station ng bansa, abangan natin sa Oktubre kung eepek na ba ang kanilang mga paandar.

Makabubuting manatili na sa GMA-7 si Carla, na ang eme ay isang "goddess" ng Triple A.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa FPJ’s Batang Quiapo na si Ivana Alawi, at inaasahan nating in due time ay aariba muli riyan si Lovi Poe.

Basta, masaya tayo para kay Deborah Sun na pasok na sa FPJ’s Batang Quiapo bilang Ninang Yolly, na sabi ni Lucio (Ronnie Lazaro) ay sexy.

“Siksik sa taba, hindi sexy!” sey ni Deborah via Messenger ngayong Setyembre 27, Miyerkules ng tanghali.

Read: Deborah Sun, willing to wait makasama sa 'FPJ's Batang Quiapo'

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana wants to remain a Kapuso: "Ang priority ko ngayon, ang negotiation ko na network contract basically. Siyempre, yun ang pinakaimportante po, e... Because yun po yung trabaho ko talaga. That' my home network. I value that so much, kasi yun ang aking regular job, that's my home network. So, dun talaga ako naka-focus sa ngayon."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results