PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'A Very Good Girl,' lagpas PHP10M umano ang kinita sa first day

'A Very Good Girl,' “biggest Filipino film of the year so far.
by PEP Troika
Published Sep 28, 2023
kathryn bernardo dolly de leon a very good girl
PHOTO/S: Star Cinema

JERRY OLEA

Ipinagmalaki ng ABS-CBN Film Productions, Inc. (Star Cinema) ngayong Setyembre 28, 2023, Huwebes, bandang 11:25 a.m. sa Facebook at X (dating Twitter) na mahigit PHP10M ang first-day gross ng pelikulang A Very Good Girl.

Mahigit 32,000 tiket umano ang naibenta sa unang araw ng showing ng revenge comedy-drama nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

a very good girl

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sang-ayon ako na ito so far ang “biggest Filipino film of the year” kung first day ang pag-uusapan.

Pero totoo bang more than P10M ang hinamig ng A Very Good Girl na nag-showing sa 250 sinehan nitong Setyembre 27, Miyerkules?

Read: 'A Very Good Girl' at 'Five Breakups And A Romance,' mapasigla kaya muli ang local movie industry?

Ang isang kaibigan na nanood ng 11:30 a.m. screening nito sa Robinson’s Galleria, nagsabing lima lamang sila sa loob ng sinehan.

Nanood kami ng neighbor ko sa 3:20 p.m. screening sa Cinema 8-VIP sa Power Plant Mall, Rockwell Center, Makati City. Labimpito (17) lamang kami.

Sandamukal ang block screenings ng A Very Good Girl sa first two days of showing nito. Tingnan natin kung dadagsa pa rin ang moviegoers sa weekend.

Pakiwari ko, lalampas sa P100M ang kabuuang kita nito, lalo pa’t meron itong international screenings sa USA, Canada, New Zealand, Australia, Guam, Saipan, Middle East, Hong Kong, Singapore, Malaysia, Cambodia, at Nigeria.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kakabugin kaya nito ang kinita ng Maid in Malacañang, at ng MMFF 2022 entry ni Nadine Lustre na Deleter?

GORGY RULA

Tinutukan ng PEP Troika ang first day showing ng pelikulang A Very Good Girl nitong Miyerkules, September 27.

Ramdam namin ang ever loyal fans ni Kathryn Bernardo na aligaga na sila sa paghahanda ng block screenings. Dinaluhan ni Kathryn at ng ibang cast members ang mga special screening na ito.

Ayon sa reliable source ng PEP Troika, bandang ala-una ng hapon ay mahigit isang milyong piso (P1M) pa lamang ang kinita nito sa mahigit 200 cinemas. Hindi pa kabilang diyan ang mga nakatakdang block screenings sa araw na yun.

At ang nakuha naming figures sa buong araw ng Miyerkules, umabot daw ito ng P7.5M kasama na ang lahat na block screenings.

Ayon sa ilang sources namin, ang tantiya nila ay baka maka-PHP100 to PHP120M ang A Very Good Girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, konti lang ang pag-slide nito ngayong Huwebes, Setyembre 28, at lumakas pa ito sa weekend para makabawi ang naturang pelikula.

Sabi kasi nila, breakeven pa lang daw ito kung umabot ng P150M ang kikitain nito.

Sana, makabawi ito at lalong magpursige ang mga supporters ni Kathryn, pati ang KathNiel fans.

NOEL FERRER

Napanood ko na ang A Very Good Girl.

Tulad ng naipangako ko sa mga kaibigan natin sa Star Cinema, susuportahan ko ang 30th anniversary offering ng Star Cinema.

Noong dumating ako kahapon ng 6:30 p.m. sa UP Town Center, may mga 25 na katao sa loob ng sinehan na hoping ako ay madagdagan pa sa mga susunod na mga araw.

Ito na marahil ang puwedeng mag-hit na totoong walang required and free vouchers like the others before. Pero please, Pinoy audience, we can do better.

Suportahan natin ang pelikulang Pinoy para mas marami pang maengganyong mag-produce at magbigay rin ng trabaho sa ating mga artists. Kasi, sino nga ba ang magtutulungan kundi tayo rin lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabuhay ang pelikulang Pilipino!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results