GORGY RULA
Isa si Iza Calzado sa nakiisang maisulong at maisabatas ang pinag-uusapan ngayon sa Senado na Eddie Garcia Bill.
Noong Miyerkules, September 27, 2023, ipinagpatuloy sa Senado ang public hearing ng Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development sa Eddie Garcia Bill.
Si Senator Jinggoy Estrada ang nag-preside ng hearing na dinaluhan ng mga taga-movie and TV industry.
Isa sa dumalo sa hearing ay Iza, na nakapanayam namin sa cast reveal ng Shake, Rattle & Roll Extreme ng Regal Entertainment, Inc. na ginanap sa Valencia Events Place, kahapon din.
Read: Iza Calzado, balik-pelikula matapos manganak; kasama sa cast ng 'Shake, Rattle & Roll Extreme'
Patuloy pa ring pinag-uusapan ang number of working hours sa taping at shooting. Pinagtatalunan kung ilang oras ang nararapat para sa mga artista at production staff na sasang-ayunan ng mga taga-produksiyon.
Mahabang usapin pa kung magkakasundo sila sa walong oras, 14 hours o 16 hours.
Read: Local artists, nagtipun-tipon para talakayin ang Eddie Garcia Law
Mahaba ang pahayag ni Iza tungkol sa nangyari sa hearing.
Lahad niya, “Unang-una sa lahat, ngayong umaga galing kami ni Ms. Roselle [Monteverde] sa Senado, para sa Eddie Garcia Bill hearing.
“So, yes, I am quite passionate about having our industry have the best kind of practice — to professionalize the industry, in the sense that we will have the best working hours, na sa palagay ko sinasabi mo...
"Meron talagang hindi pagkakaunawaan, yes, but there will have to be a middle ground.
“Ang sabi nga ni Senator Jinggoy kanina, he wants it to be a win-win for all.
"Siyempre, naintindihan natin in terms of hours, the producers would suffer if it's really limited...
"Pero mahabang pag-uusap pa po ito, at hindi po ito ang avenue para doon."
Ayon kay Iza, pinag-uusapan na nila ito ni Roselle. Ipinagmamalaki niyang nung sinu-shoot nila itong SRR Extreme, nasusunod at pina-practice na nila ang tamang working hours, pati ang safety protocols.
"May cut-off, may number of hours... and of course, may safety officers on set. Naging karamihang practice na talaga. Very aware.
"We were really trying to at least learn and grow.
"Ako kasi, personally siyempre, bilang nanay, maganda na yung pag-uwi mo, buo ka pa para sa pamilya, para sa araw na yun.
"Sa totoo lang, bakit ba ako nag-a-attend sa Senado? Bukod sa personal... of course, tayong makikinabang sa industriya.
"Iniiisip ko rin what if my child wants to be part of this industry. I would like for her to have better working hours — the one that I have to go through, and everybody have to go through," dagdag niyang pahayag.
Si Iza ang bida sa "Glitch" episode ng Shake, Rattle & Roll Extreme na idinirek ni Richard Somes.
JERRY OLEA
Inaasahan ni Iza ang suporta ng lahat, lalo na ang mga taga-entertainment industry na tiyak namang makikinabang sa isinusulong na Eddie Garcia Bill.
"Hinihikayat ko ang mga kasama ko rito ngayon at lahat na mga aktor to really be interested and really be a part of this dialogue, between producers and everybody, di ba, of the industry within the industry,” sey ni Iza.
“Because we deserve the best practice, in the same sense, we also, I think deserve sana the support of our fellow Filipinos.
"We are trying to give you the best quality output, di ba?
"Sana suportahan din, kasi pag wala talagang tatangkilik ng pelikulang Pilipino at ng ating ibinibigay sa ating audience, talagang patuloy tayong mawawalan tayong lahat ng trabaho, guys. So, we take that into consideration.
"But as we said, yes, I love... naging precedent kasi yung ano, e, yung pandemic, yung reality na nagawa natin within a certain time frame. We were not doing it beyond... we were not going to for 24 hours.
"And to me, napakita na kapag nag-prepare, natatapos naman."
NOEL FERRER
Lalo ngang tumaas ang paggalang at talagang nagpupugay ang alaga kong si Izadora sa namayapang premyadong aktor na si Eddie Garcia dahil hanggang sa kanyang pagpanaw ay may naiambag pa rin ito sa ating industriya.
"Sabi ko, iniisip ko, grabe yung title na Eddie Garcia Bill.
"Tapos pag naging law, Eddie Garcia Law. The greatest contribution, if you think about it, ni Tito Eddie, who loved the industry so much.
“Sadly, it had to take a legend like him... you know, departing from this world that way for us to have a wake up call. Pero sadyang ganun ang buhay.
"May naiambag pa rin up to the last breath. Nakapangingilabot siyang isipin. Kaya, gusto mo rin na parang ganun niya kamahal yung industriya at ganun din natin dapat mahalin ang industriya.
"Pangalagaan natin yung isa't isa," saad ni Izadora
Isa siya sa umaasang maipasa ito at magiging batas na makakatulong sa lahat ng taga-industriya.
"We are, of course, really hoping na magkaisa nga lahat. We can I guess find common ground... sabi nga ni Senator Jinggoy, win-win for all, that's what we're trying to do.
“We're hopeful. Pero, kasi last hearing, there will be a break, pero may technical working group pa na tinatawag kung saan maari mag-gather pa lahat.
"So, yun nananalangin ang lahat na sana maipasa."
