PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kathryn, Dolly in LA for movie premiere

'Five Breakups And A Romance' nina Alden at Julia, malapit nang husgahan.
by PEP Troika
Published Oct 4, 2023
kathryn bernardo dolly de leon
Kathryn Bernardo (left) and Dolly de Leon (right) have arrived in the U.S. for the Hollywood premiere of their movie 'A Very Good Girl.'
PHOTO/S: Star Cinema

JERRY OLEA

Bagong bukas ang Top 3 movies sa takilya ng North America last weekend, Setyembre 29 hanggang Oktubre 1, 2023.

Read: 'A Very Good Girl' at 'Five Breakups And A Romance,' mapasigla kaya muli ang local movie industry?

Ayon sa Box Office Mojo, nanguna ang Canadian animated comedy na PAW Patrol: The Mighty Movie with $22.8M.

Pangalawa ang horror film na Saw X with $18.3M, at pangatlo ang sci-fi film na The Creator with $14.1M.

the creator poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

On its second weekend ay bumagsak sa ikasiyam na puwesto ang Expend4bles with $2.5M.

Bale $13.3M pa lang ang domestic gross ng bagong action movie nina Sylvester Stallone at Jason Statham, na ang production budget ay $100M. Maski sa international market ay hilahod ito.

Samantala, nasa U.S. na sina Mercy (Kathryn Bernardo) at Molly (Dolly de Leon) para sa "Philo-menal un/mothering in the Entertainment Capital of the World."

Hollywood premiere ng pelikulang A Very Good Girl sa Oktubre 6, Biyernes, sa The Silver Screen at Pacific Design Theater, West Hollywood, Los Angeles, California.

Extended siyempre sa local cinemas iyang A Very Good Girl na tampok din sina Jake Ejercito, Angel Aquino, Donna Cariaga, Chie Filomeno, Ana Abad Santos, at Althea Ruedas.

Read: 'A Very Good Girl,' naka-PHP40M na umano sa takilya

Ang tatlong pelikula na opening ngayong Oktubre 4, Miyerkules, sa local cinemas ay The Creator, Cobweb, at The Exorcist: Believer. Pawang banyaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

cobweb poster

Nakapuwesto sa October 11 playdate ang Instant Daddy nina Jerald Napoles at Althea Ruedas, Monster, Coffee Wars, Mount Chiak, PAW Patrol: The Mighty Movie, at The Forbidden Play.

Nakatakda naman sa Oktubre 18 ang showing ng Target, Killers of the Flower Moon, at Five Breakups and A Romance starring Alden Richards and Julia Montes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

five breakups and a romance

Para sa updates, bisitahin sa tuwi-tuwina ang Facebook pages ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) at SM Cinema, ganoon din ang website ng Click The City.

NOEL FERRER

Busy sina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon sa kakaikot sa iba’t ibang territories na may Pilipino para mai-promote at gawing very special event ang panonood ng A Very Good Girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tama itong ginagawa ng Star Cinema. Kailangan ng mga taong makita, mahawakan, makasalamuha ang mga stars katulad ng mga live show na may intimate connection ang stars sa consumers.

Mukhang ganito rin ang gagawin nina Alden Richards at Julia Montes sa kanilang bagong pelikula na ipapalabas na soon, ang Five Breakups and A Romance na may mediacon today.

Mukhang kailangan ng masigasig na promotion talaga — na kung dati’y sa tingin ng iba na sapat na sina Julia at Alden na mag-promote, ngayon ay kailangang lahat na!!!

Volt in at kapit-bisig na lahat dapat para sa ikauunlad ng ating industriya ng pelikulang Pilipino.

Sa ibang pelikula, paano kaya nila gagawing event ang mga pelikula nilang magbubukas pa lang?

Ngayon talaga, kailangan ng extra push. Hindi na sapat ang basta pag-attend na lang ng presscon at mga post. Kailangan makadaupang-palad ka talaga ng fans para maging isang event ang pagpapalabas ng sine ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

All the best sa mga pelikulang ipapalabas sa takilya soon. Fingers crossed!

GORGY RULA

Hindi ko pa rin napapanood ang A Very Good Girl hanggang ngayon.

Ang naririnig ko lang na obserbasyon at opinyon ng ilang taga-showbiz, dahil daw sa box-office results ng A Very Good Girl, medyo kinakabahan daw sila sa Five Breakups And A Romance.

Pero kampante naman daw sila kay Direk Irene Villamor na magaganda ang mga pelikulang nagawa, baka mas maganda naman daw ito kesa sa A Very Good Girl na iba-iba ang opinyon ng mga nakapanood.

Pero sunud-sunod na ang mga pelikulang naka-schedule ang showing hanggang end of November.

Bago matapos ang buwang ito ay ia-announce na ang apat pang pelikulang pasok sa walong entries ng 49th Metro Manila Film Festival. Mula yun sa 30 finished films na isinumite sa screening committee.

Bale 26 films yun na tiyak ang ilan sa mga yun ay nagpa-book na ng showing bago mag-MMFF. Kaya abangan natin ang pagkakalabu-labo ng mga iyan sa mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo (left) and Dolly de Leon (right) have arrived in the U.S. for the Hollywood premiere of their movie 'A Very Good Girl.'
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results