JERRY OLEA
Maraming acting offers kay Direk Joel Lamangan dahil sa effective portrayal niya bilang Roda sa teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo.
“Marami! Kaya lang, hindi ko kaya na marami,” sey ni Direk Joel nang makatsikahan namin matapos ang press preview ng pelikulang Lola Magdalena nitong Oktubre 3, 2023, Martes, sa Sine Pop, Cubao, Quezon City.
Read: Direk Joel Lamangan, agaw-eksena bilang mahaderang Roda sa FPJ's Batang Quiapo
Anu-anong role ang inio-offer sa kanya?
“Ganun din! Baklang mataray, matandang binatang mataray na bakla. Kung anu-ano… NO!” bulalas ng multi-awarded director.
“Ayoko na ganun na naman. NO! Batang Quiapo kasi ang nandiyan sa akin, e. At saka ang schedule ng Batang Quiapo is hindi mo maano.
“Lahat ng M-W-F mo, dapat free ka. Hindi naman laging ginagamit. Minsan, wala. Minsan, buong linggo, wala ka.
“Halimbawa ngayon Sunday, wala pa akong alam. Sinasabi ko, ‘Oy! Hindi pa kayo nagsasabi, committed na ang Monday ko.’ Sinasabi ko, ganun.”
Ramdam ba niyang tumatatak sa televiewers ang karakter niyang si Roda?
Tumikwas ang kilay ng 69-anyos na direktor, “Naku, day! Binabatu-bato nga ang bahay ko. Binabato ng mga bata.
“Dati pag bumababa ako, yung mga bata, naglalaro sa kalye, ‘Direeeekkk! Good afternoon po, Direk!’
“Ngayon, pag bumababa ako, ‘RODAAA!!! RODAAAAA!!!’ sabi ng mga bata. Diyos ko! Naririndi ako!
“Tinawag ko sila, ‘Halika! Matanda na ako, bakit sinisigawan ninyo ako?’ ‘E, kasi ikaw, salbahe ka!’ sabi nung mga bata.
“Tatalakan ko naman, ‘Halika!’ Umaamo naman sila sa akin. Lumalapit at nagmamano.”
Malapit na bang matigok si Roda sa FPJ’s Batang Quiapo?
Ngumiti si Direk Joel, “Parang hindi pa dahil ang dami-dami kong fans. Mataas ang ratings ng mga scenes ko.”
Nakilala bilang Roda sa local showbiz si Roderick Paulate dahil sa kanyang gay roles. Inagaw niya kay Roderick ang pagiging ‘Roda’?
“Hindi ako! Pagdating ko, yun na ang pangalan niya, ‘no? Sila ang nagsabi ng Roda, hindi ako,” paglilinaw ni Direk Joel.
NOEL FERRER
Bida sa pelikulang Lola Magdalena bilang magkakaibang prosti sina Gloria Diaz, Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran, at Sunshine Cruz.

Liza Lorena, Gloria Diaz, Perla Bautista, Pia Moran, and Sunshine Cruz
Sa kabila ng maselang tema ay PG (Parental Guidance) ang nakuhang rating nito sa MTRCB. Ano ang reaksiyon ni Direk Joel sa nasabing rating?
“Kapuri-puri ang MTRCB!”
Nagulat ba siya na PG ang nakuha ng Lola Magdalena? Iyon ba ang inaasam niyang rating?
“Hindi. Ang iniisip ko, at least, R-13. Pero nung ibinigay ang PG, hindi na ako nag-complain,” sambit ni Direk Joel.
“I embraced it wholeheartedly. Ibig sabihin, they enjoyed the film. O, di ba? They identified with the characters in the movie.”
At least, mula sa isang award winning director na na may teleserye sa ABS-CBN ang nagsasabi na kapuri-puri ang MTRCB, ha?!
Read: Director Joel Lamangan against MTRCB: "Dapat walang ganyan na!"
GORGY RULA
Ang ganda ng chemistry ng limang bida sa Lola Magdalena. Paano nabuo ang combination nila?
Kuwento ni Direk Joel, “Nung sinulat yan ni Dennis [Evangelista], nagka-casting kami. Nag-discuss kami kung sinu-sino ang mga bagay dun sa mga role.
“Napagkasunduan namin… ako ang pumili kay Pia Moran. Kasi, nakalimutan na ng mga tao si Pia Moran.
“Kasi, kailangan ng artistang sasayaw-sayaw, sasayaw-sayaw. E, natatandaan ko, si Pia Moran, sayaw nang sayaw nung araw, nung ‘80s and ‘90s. So, I brought her back."
Read: Pia Moran, pinagsisihan ang video scandal niya noong '90s
Patuloy ni Direk Joel, “Now, doon sa may Alzheimer, I thought of Perla, and she was very good in the film. Si Miss Perla Bautista.
“Of course si Gloria ang aming lead, tapos I thought of Liza Lorena para maging kasama nila.
“Kaya pinag-usapan namin, swak naman sila dun characters na in-assign sa kanila.
“At si Sunshine Braden Cruz, siya ang aming napili na bata-batang pokpok na may sakit na cervical cancer, and she was very good as far as drama is concerned.”
Nasa cast din ng pelikula sina Jim Pebanco, Harlene Bautista, Carlo San Juan, Myrna Castillo, Joni McNab, Angel Guardian, Joonee Gamboa, Marcus Madrigal, Nella Dizon at Dorothy Gilmore.
Ang executive producer ng Lola Magdalena ay si Amelia Zuñiga ng Hero Hito Productions.

