PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former EB Babe loses in Yexel's casino junket

Ann Boleche, umaasa pa ring maibabalik ang perang in-invest.
by PEP Troika
Published Oct 13, 2023
ann boleche yexel sebastian
Tumango lamang si Ann Boleche nang kinulit uli namin kung nag-invest ba siya sa casino junket ni Yexel Sebastian. Kaibigan naman daw niya si Yexel at umaasa pa rin siyang maibabalik ang kanyang pera.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Isa na palang CEO ng isang skin care products na Relumins ang dating miyembro ng EB Babes na si Ann Boleche, na kilala rin sa palayaw na Hopia.

Read: Three EB Babes get into heated argument inside doughnut shop

Nakatsikahan namin si Ann sa nakaraang mediacon ng Gabay Guro, dahil isa sa sponsors ang produkto nila sa event na "Pagpupugay at Pasasalamat Kay Ma'am at Sir" na gaganapin sa Dolphy Theater sa Sabado ng hapon, October 14, 2023.

Parang nahihiya pa ang dancer nang batiin naming isa na pala siyang executive ng kanilang kumpanya.

"Parang ano lang... nasa pamilya naman yun, e, so hindi lang sa akin," pakli ni Ann.

Nagtulung-tulong daw sila ng kanyang sister at brother-in-law na mapaunlad ang kanilang negosyo, pero malaking bagay ang pagiging celebrity niya kaya napapasok niya ang showbiz at endorsements ng mga kaibigan niyang artista.

Hindi na siya gaanong active sa showbiz at dito na siya naka-focus sa kanyang kumpanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang showbiz kasi, hindi naman talaga tumatagal. Kung meron kang makikita na gumawa ng business o opportunity na makikita na pangmatagalan, i-grab mo.

"Pero yung showbiz, talagang malaking tulong yan. Kasi nung nag-start yung business namin, talagang malaking tulong yung exposure. Tapos yung mga friends mo na naka-surround sa yo.

"Saka yung mga reporters na dapat kakaibigan mo. Kasi ang laking tulong ng mga kaibigang kong reporters. Huwag silang kalimutan para maging successful," sabi pa ni Ann.

Nalaman naming magkaibigan sina Ann at Yexel Sebastian, kaya tinanong ko si Ann kung nag-invest din ba siya sa casino junket ni Yexel.

Ngumiti lang siya at hindi nagsalita.

Read: Yexel Sebastian, partner Mikee Agustin fly to Japan amid PHP200M investment scam allegation

Pagkatapos ng interview, napatango siya nang kinulit uli namin kung nag-invest ba siya kay Yexel. Kaibigan naman daw niya at umaasa pa rin siyang maibabalik ang kanyang pera.

Hindi na sinabi ni Ann kung magkano ang ibinigay niyang investment kay Yexel Sebastian. Kaibigan naman daw niya si Yexel kaya ayaw na niyang magsalita.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

If it’s too good to be true, then magdadalawang-isip ka talaga.

Kung mabilisang balik ng malaking pera na nakakaduda, medyo awat muna siguro sa pag-i-invest lalo pa’t hindi natin lubusang alam ang kalakaran at pinagkakaabalahan ng mga taong pinagkakatiwalaan natin.

Sana naman, lampas sa pagkakaibigan ang usaping pera na ito ngayon.

Marami na akong kilalang nabiktima sa ganito. Sana, hindi na lang umabot pa sa mas nakakahiyang sitwasyon.

Sana, mabayaran pa rin ang pinagkakautangan. Sana ay masawata ang mga salarin.

Nakakaawa si Yexel, pero mas nakakaawa ang mga taong nawalan na lang ang (hard earned) na perang ipinaglaban nila. Maganda na rin na para may public awareness na ulit.

At sana talaga, may clear safeguards na tayo sa ganitong mga businesses para hindi na mauulit muli.

Read: Yexel Sebastian, umalma sa "fake news" na wanted na sila ni Mikee Agustin sa Pilipinas

JERRY OLEA

Masalimuot ang isyu ng casino junket kaugnay kay Yexel, at may kung anu-ano pang naglalabasan sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sanga-sanga at sala-salabat ang usapin, at sangkot daw rito ang ilang celebrities, vloggers at influencers, pati na ang ilang taga-skin care industry, at ilang personalidad na may political ambitions.

Sinu-sino ba ang pinaka-mastermind? Sinu-sino ang mga ahente at chuwariwap sa scam?

Pasasaan ba’t matitimbang din ang katotohanan at katarungan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tumango lamang si Ann Boleche nang kinulit uli namin kung nag-invest ba siya sa casino junket ni Yexel Sebastian. Kaibigan naman daw niya si Yexel at umaasa pa rin siyang maibabalik ang kanyang pera.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results