For years, Yexel Sebastian has been known to be a toy collector and a vlogger—at ilan sa mga parte ng collection niya ang miniatures and even busts ng mga sikat na karakter mula sa international movies.
Recently, matunog ang pangalan ni Yexel not only for a viral video uploaded sa channel niya, but also because of an episode in the public service program of Senator Raffy Tulfo that tackled his alleged investment scam nila ng kanyang partner na si Mikee Agustin.
Nagkakahalaga raw ng PHP200 milyon ang natangay ng mag-partner.
Ayon kay Amal Rosaroso, dating co-host ng Wowowin at siyang complainant sa public service program ni Senator Raffy Tulfo, sinabihan siya ni Sebastian na ang minimum investment na kailangang ilagak ay isang milyong piso.
Sa kabila nito, nagbigay si Rosaroso ng dalawang milyong piso sa mag-partner.
Hindi lang siya ang nagbigay ng ganitong halaga—marami sila, at karamihan din sa mga ito ay mga Overseas Filipino Workers.
Allegedly, the interest rate for the investment is five percent monthly.
Ayon pa kay Rosaroso, “Sabi nila [Yexel and Mikee], one million [pesos] yung minimum para makapag-invest dahil may five percent na interes.
“In-ask ko po sila kung may contract. Sabi nila, meron naman po.
“Nag-send po ako ng pera through bank ni Ms. Mikee. Late na po nila ipinadala yung kontrata, contract of loan po.
“Ang sabi niya, may kontrata po, pero hindi nila sinabi na contract of loan. Ang ibinigay po nila, naka-notarized na yung papel.”
“Nag-ask ako kay Ma’am Mikee bakit contract of loan. Sabi nila, pare-parehas lang daw kami ng contract. And then, sabi nila, yung investment saka contract of loan, e, iisa lang po daw.
“Kami pong mga first timer na nag-invest, akala po namin, ganoon. Yun ang mali namin dapat pala, nagtanong muna kami pero kasi naniwala kami.”
Senator Raffy Tulfo tried to clarify this during the call sa kanyang programa.
Sambit ni Yexel, “In-explain ko naman po sa kanila na ako rin po talaga, kami ni Mikee, investor din po kami talaga.
"Kumbaga, nagandahan din po kami sa platform kaya po nag-post kami sa social media namin na kung sino ang mag-invest din, mag-invest din po sila.
“Ito po kasing investment na ito, ipinasok sa casino junket [operations].
“In-explain ko po sa mga tao na hindi po ako ang may-ari nito. Iyan po ay pag-aari ni Hector Pantollana. Siya po yung signatory.
“HP Horizon po yung junket [name] niya before.”
Hindi sumang-ayon si Rosaroso sa paliwanag na ito. Aniya, hindi sumasagot ang dalawa sa kanilang mga tawag at pinagtataguan sila ng mga ito. Naka-block din sila sa mga social-media accounts ng dalawa.
The Bureau of Investigation (BI) confirmed that the couple fled to Japan amid the ongoing investigation.
The Bureau of Immigration recorded their departure for Nagoya City, with no hold departure orders or derogatory records found against them.
Maaaring makulong sina Yexel at Mikee kung sakaling mapatunayang guilty silang dalawa. Alinsunod ito sa Revised Penal Code (Act No. 3815) of the Philippines.
WHO IS YEXEL SEBASTIAN?
FAMILY BACKGROUND
Ipinanganak si Yexel Fernando Sebastian noong Marso 12, 1982 sa Santa Cruz, Manila. This makes him 41 years old as of this writing.
Mother niya si Ma. Carmen “Maricar” G. Fernando-Sebastian while si Vilmo Flores Sebastian naman ang kanyang ama.
Kapatid niya si Jam Vhille Fernando Sebastian, ang isa sa mga bumubuo ng tambalang JaMich, one of the famous couple vloggers.
Jam passed away on March 4, 2015 due to stage 4 lung cancer at the age of 28, 16 days before this birthday.
Si Paolinne Michelle Liggayu ang other half of the love team.
PERSONAL RELATIONSHIP
Yexel’s partner is Mikee Trixia M. Agustin, a former GirlTrends member and part of Pinoy Big Brother: 737.
She was born on August 23, 1993 in Manila. She is 30 years old as of this writing.
They have been together since 2013 (10 years, as of this writing).
On November 7, 2020, they announced the arrival of their little one.
Ayon sa post ni Mikee sa Instagram, “Kahit katakot-takot na sakit ang dinanas ko ng two days, worth it lahat anak ng makita kita. Mahal na mahal ka naming lahat. Thank You, Lord.”
Mikee implied that they went through a breakup on March 2, 2019. She even referred to him as her ex.
Her Instagram post at that time read (published as is), "Dear ex, 3days na ng makipaghiwalay ako sayo dahil baka siguro plano ni Lord to para sa bawat isa. Minahal kita at hanggang ngaun mahal padin kita kaya nasasaktan ako ng ganito. Nangyare na ito para marealize ko na tama tong desisyon ko."
Dagdag pa niya, "Ngaun, totoong pinapalaya na kita... hanggad ko lahat ng maganda para sayo at sa buhay mo. Sana sumaya ka sa susunod na mamahalin mo at matupad lahat ng pinapangarap mo. Maraming salamat sa pagmamahal at masasayang sandali kasama ka. Maraming salamat sa 6years na nakasama kita at bumuo ng pangarap. Sorry sa lahat ng kasalanan na nagawa ko. Lahat ng bigat at pasakit na binigay ko sayo.
"Salamat sa mga aral ng buhay na ishinare mo na gagamitin ko ngaun kahit wala kana. Salamat sa pagmamahal ng tunay at buo. Salamat sa pagtanggap ng ako. Salamat sa pagpapasaya. At sa lahat ng mga tao na nakasama namin sa 6year journey nato, maraming salamat sa suporta at pagmamahal na binigay nyo. at para sayo, Pangako gagalingan ko, galingan natin. Hangad ko maging tunay ka nang maligaya. Paalam baby ko. Paalam first love. May God bless us."
Nagkabalikan din ang dalawa kalaunan.

CAREER
Yexel was first known for his dancing skills. He used to be a member of the dance group Black and White Street Kids at Work.
He has a passion for collecting toys na nadala niya hanggang sa kanyang pagtanda. Ito ang naging daan upang maging isa siya sa mga pinakakilalang kolektor ng laruan sa Pilipinas. He is also the first person in the Philippines na nagtayo ng museo para sa mga laruan.
Kasama sa kanyang koleksiyon ang 18-foot bust ni Optimus Prime na ginawa ni Abet Valdecantos at ang Iron Man “hall of armor” na ibinebenta niya noong August 2020 for PHP1.4 million.

His Yexel Channel on YouTube has more than 700 subscribers.
He would usually showcase his toy collections, some of which include 900 life-sized statues and 50,000 pieces ng iba’t ibang mga laruan.
On Facebook, he has 4.7 million followers; on Instagram, heas 435,000 followers.
CONTROVERSIES
Pyramid Scam
It was July 2007 when Iwa Moto, Yexel's ex-girlfriend, told the story of how Yexel allegedly persuaded her to invest in FrancSwiss.
"Actually, kinukuha niya ako. Sabi ko, ‘Ha? Hindi ko alam iyan e!' Siyempre, madali nga yung pera, pero alam mo iyon, parang it's still a scam.
"Dati ko pa naririnig iyang mga scam na iyan. Talagang magiging cause of problem lang, kaya hindi na lang," sambit ni Iwa sa kanyang panayam with PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Kung Mahawi Man ang Ulap on July 25, 2007.
Nasabi ni Yexel na isa rin siya sa mga naging biktima ng pyramid scam. Naging biktima rin sina Raymart Santiago at Claudine Barretto ng naturang modus.
Ex-deal
In August 2021, his "ex-deal" post drew criticism and raised eyebrows.
He asked contractors to help fix the flooring and roofing of his house in exchange for a feature on his vlog.
Hiling niya sa post (published as is), "Hello Good PM .Ask lang baka po meron kayo kilala Contractor or pwede po makagawa nun nasa Picture Flooring and Roof.
"Baka po pwede tayo Collab and Exdeal
"Gawan po namin Video and Promote (praying emoji)
"Location Po Bulacan."
Hindi naging maganda ang pagtanggap ng netizens sa ideyang ito ng toy collector at vlogger.
Yexel posted a response (published as is), “Good PM
"Ang post po ay hindi Ibaba ang Tingin sa mga Contractors Engineers Architects Etc. (praying emoji)
"Ganon din sa mga Artist Vloggers o influencers. (praying emoji)
"Lahat po tayo may VALUE
"Ako po ay humihingi ng tulong kapalit ay serbisyo ko.
"Ang Exdeal po sa Google no money involve.Pero sa iba po yan ay Discount or any Anything in exchange na parehas magbebenifit both sides .mapaguusapan. Hindi po pagsasamantalaha o lalamangan.Ang iba ngayon lang narinig yan pero naki Hate nalang at minasama .
"Gaya po ninyo kami po ay gumagawa ng paraan sa buhay.Tayo po ay tumatawad. Nakikiusap at naghahanap ng magandang deal.
"ang post ay binura ko para hindi na mamis interpret.Pero ayun na nga.pinost namn sa iba kaya initial reaction Magalit sila at sabayan naman ng mg taong hindi naman ako kilala mamaraan sa buhay.
"Maraming salamat pasintabi po sa mga naka isip na mababa ang tingin natin sa inyong propesyon.
"Hindi po ganon ang intensyon at layunin.(praying emoji)(begging emoji)
"(Existing napo ang pundasyon at Pre Fab Haws nakatayo napo yan.
"Small project nalang po ang 2nd floor at bubong)”
