JERRY OLEA
Masayang-masaya si Vilma Santos na pumasok sa Final 6 ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang reunion movie nila ni Christopher de Leon na When I Met You In Tokyo.
Read: Six remaining MMFF 2023 official entries announced
Nakachikahan namin ni katotong Marinel Cruz si Ate Vi sa cellphone ngayong Oktubre 17, 2023, Martes ng hapon.
Batid ni Ate Vi na mahigpit ang labanan ng 30 finished films sa natitirang slots ng MMFF 2023, kaya thankful siyang napasama ang light drama nila ni Yetbo (tawag niya sa kanyang leading man).
Read: Vilma Santos, Christopher de Leon, nasa Japan nitong Holy Week
Dapat sana ay Setyembre ang showing ng When I Met You In Tokyo. Napag-alaman ng produksyon na rainy season iyon, kaya minabuti nilang i-submit ang pelikula sa 49th MMFF.
At ayun, napili naman ang kanilang movie!

Excited si Ate Vi na mag-promote at lumahok sa Parade of Stars na gaganapin either sa December 16 or 17 sa Camanava area. Apat ang host cities ng 49th MMFF. Ang Parada ng mga Bituin ay mag-uumpisa sa Navotas, dadaan sa Malabon at Caloocan, at magtatapos sa Valenzuela.
Malamang na mag-promote si Ate Vi sa Oktubre 27, Biyernes, sa last day ng It’s Your Lucky Day. Kinukuha kasi siyang mag-judge sa grand finals doon ng singing competition na “Stars of All Seasons.”
Proud na proud siyempre ang Star for All Seasons sa panganay niyang si Luis “Lucky” Manzano sa mahusay na pagho-host nito sa programang pansamantalang kapalit ng It’s Showtime.
Read: Luis Manzano praised for using sign language in 'It's Your Lucky Day'
May offers pang pelikula kay Ate Vi sina Direk Brillante Mendoza, Direk Adolf Alix, at Direk Erik Matti.
Read: Vilma Santos gears up for comeback film with director Erik Matti
May dalawang script nga kung saan ang bida ay sila ni Carlo Aquino, na nagkasama noon sa pelikulang Bata, Bata… Paano Ka Ginawa? (1998).
Nag-commit na rin si Ate Vi para sa isang film project na siguradong pag-uusapan nang lubos.
Ikinakasa na nga sana ang shooting niyon, pero magpo-focus muna si Ate Vi sa promo ng When I Met You In Tokyo.
Take note na pasok din sa Final 6 ng 49th MMFF ang Becky and Badette, kung saan in-spoof ng mga bidang sina Pokwang at Eugene Domingo ang memorable scene nina Vilma at Christopher sa pelikulang Relasyon (1982).
GORGY RULA
Sa Japan kinunan ang bagong Vilma-Boyet para maganda at kakaiba ang visuals. Meron pa silang pa-snow!
Panghila sa millennial crowd ang cast members ditong sina Cassy Legaspi at Darren Espanto.
Nasa cast din sina Kakai Bautista, Lotlot de Leon, Gina Alajar, Tirso Cruz III, Lynn Cruz, John Gabriel, Gabby Eigenmann, Kouki Taguchi, at Jacky Woo.
Ang synopsis ng When I Met You In Tokyo, “This romance film tells a story about unconditional love, sacrifices, sufferings, age, and aging. It is about a ‘dedicated and devotedly in love with each other’ Filipino elderly couple and their courageous end of life journeys.
“Joey is an OFW permanent resident of Japan who is wounded and traumatized by his ex-wife's betrayal. He promised himself never to love again but things changed when he met Azon, who is also an OFW and a permanent resident in Japan who will make him believe to give love another shot…”
NOEL FERRER
Exciting ang MMFF ngayong taon. Kasi, parang totodo ang lahat ng mga stars ng official entry sa pagpo-promote ng kanilang mga lahok.
Alam kasi ng mga artista na napakahirap manghikayat ng mga audience na lumabas sa mga bahay nila at pumunta sa mga sinehan kaya kailangang gawing event ang pagpapalabas at pagpo-promote ng pelikula ngayon.
As for Ate Vi, alam nating marami na siyang nasalihan na MMFF noon bilang artista, at naging member na rin siya ng jury.
Nakakamangha na parang game na game siyang sumali ulit para tulungang bumangon at maging masigla ulit ang industriya ng pelikulang Pilipino.
So, sa mga naka-miss kay Ate Vi sa pelikula, lalo na noong siya’y napako sa pagiging public servant, heto ang pelikulang puwedeng suportahan… When I Met You In Tokyo kasama niya ang isa pa nating mahal na aktor, si Papa Boyet de Leon na assistant director din ng movie.
