PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Best Noontime Show on Oct 21

Trending o ratings?
by PEP Troika
Published Oct 23, 2023
noontime shows october 21, 2023
Salpukan ng noontime shows noong Sabado, October 21, 2023: (from top to bottom) Vilma Santos was the special guest co-host in 'It's Your Lucky Day'; 'E.A.T.' goes to Masskara Festival in Bacolod; 'Eat Bulaga!' hosts are dressed to the nines for the grand finals of 'Little Miss Philippines.'

GORGY RULA

Mukhang ang It's Showtime pa rin ang gustong panoorin ng Madlang People kung ibabase sa ratings na nakukuha ng It's Your Lucky Day, ang show na pansamantalang pumalit sa suspendidong noontime show.

Matindi ang salpukan ng tatlong noontime shows noong nakaraang Sabado, October 21, 2023.

Ang Star For All Seasons Vilma Santos ang special guest nila at nag-trending ito dahil nandoon pa ang kontrobersiyal na si Andrea Brillantes.

Read: Vilma Santos, pinuri ang 'It's Your Lucky Day' hosts sa pagiging "selfless"

it's your lucky day october 21, 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang E.A.T. naman ng TV5 ay nasa Bacolod's Masskara Festival ang "Sugod Bahay Mga Kapatid," at kuwela pa rin ang mga karakter na AI talking avatar o talking photo na ipinapakilala nila sa segment nilang "Gimme 5."

Read: 'E.A.T.,' 'Batang Quiapo,' Bea, Dennis, Sarah G, KZ makikisaya sa Masskara Festival ng Bacolod

e a t october 21 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Eat Bulaga! naman ng GMA-7 ay ang first elimination ng "BPop Girls" nila at grand finals ng "Little Miss Philippines."

eat bulaga oct 21 2023

Noong Sabado ay ang E.A.T. pa rin ang may mataas na rating, 4.9%.

Pero lumaban din ang Eat Bulaga! na naka-4.3%.

Ang It's Your Lucky Day ay naka-1.9%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nung Biyernes, October 20, ay mas mataas pa nang konti ang It's Your Lucky Day na naka-2.3%.

Ang Eat Bulaga! ay 3.6%, at ang E.A.T. naman ay 4%.

NOEL FERRER

Noong Sabado, October 21, ay mas mataas pa rin ang Abot Kamay na Pangarap pagkatapos ng Eat Bulaga!. Naka-11.4% ito, at 1.6% naman ang katapat na Pira-Pirasong Paraiso.

Sumunod ang Tadhana na naka-9.3%. Ang Wish Ko Lang! naman ay 8.2%, at ang Pinoy Crime ay 8%.

Pagdating sa primetime ay 10.6% ang 24 Oras Weekend, 1.4% ang TV Patrol, at 1.2% ang Frontline sa TV5.

Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 9.8%, at 3.3% naman ang Rated Korina.

Nanatiling mataas din ang Pepito Manaloto na naka-11.5%, at ang Everybody Sing ay 6%.

JERRY OLEA

Winnie Santos, Winnie Codero, Winnie Monsod, Winnie Castelo, Winnie the Pooh! As in waging-wagi ang mga Kapuso programs kung Sabado at Linggo.

Ang nakakalusot lang sa Game of Ratings ay ang E.A.T. kung Sabado ng tanghali, at ang legendary FPJ: Da King kung Sunday afternoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karamihan sa weekend programs ng mga kalabang istasyon ay bahagya nang gumitaw sa ating diwa. Lotlot de Leon at Lotlot Bustamante, ika nga.

Hanggang ngayon ay naghihintay tayo kung kailan magpapasiklab ang ALLTV na tinaguriang bagong Channel 2.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Salpukan ng noontime shows noong Sabado, October 21, 2023: (from top to bottom) Vilma Santos was the special guest co-host in 'It's Your Lucky Day'; 'E.A.T.' goes to Masskara Festival in Bacolod; 'Eat Bulaga!' hosts are dressed to the nines for the grand finals of 'Little Miss Philippines.'
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results