PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos Backs Lower MMFF 2023 Ticket Prices

Celebrity lawmakers, gumagalaw na rin upang aksiyunan ang isyung ito.
by PEP Troika
Published Oct 27, 2023
vilma santos christopher de leon when i met you
Vilma Santos: “Isa sa pinaka-wish ko this coming November 3, my birthday, sana mababaan naman yung fare ng sine, para maibalik natin... sana maipasa nyo naman yun. Kahit na pagbigyan lang natin ng tatlong taon, maka-recover lang ang industriya natin.” Vilma stars in the MMFF 2023 movie When I Met You with her perennial leading man Christopher de Leon.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Sa media conference ng pelikulang When I Met You in Tokyo nung Huwebes, October 26, 2023, sa Seda Vertis North, Quezon City, binigyan na ng masayang pagbati sa nalalapit nilang kaarawan sina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Sa October 31 ang birthday ni Boyet, at si Ate Vi naman ay sa November 3.

Binanggit ng Star For All Seasons na isa sa hiling niya sa kanyang kaarawan ay babaan ang presyo ng ticket sa mga sinehan sa darating na 49th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ani Ate Vi, “Isa sa pinaka-wish ko this coming November 3, my birthday, sana mababaan naman yung fare ng sine, para maibalik natin... sana maipasa nyo naman yun. Kahit na pagbigyan lang natin ng tatlong taon, maka-recover lang ang industriya natin.”

Read: Vilma Santos, excited mag-promote ng MMFF 2023 movie nila ni Christopher de Leon

Yun din ang pinag-usapan sa 71st birthday ni Annabelle Rama na ginanap sa Chef Jessie's Place sa Makati nung Miyerkules, October 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkatipun-tipon sa isang mesa sina Senator Bong Revilla, Senator Robin Padilla, Laguna Congressman Dan Fernandez, Phillip Salvador, Cesar Montano, at Richard Gutierrez na tila may binubuo silang magandang project.

Pero ang isa raw talaga sa concern nila ay kung paano palakasin ang ating local movie industry.

bong robin cesar phillip richard dan group photo

(Seated, from left) Richard Gutierrez, Senator Bong Revilla, Cesar Montano, Congressman Dan Fernandez, Phillip Salvador, and Senator Robin Padilla; (standing) Malou Choa-Fagar

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Binanggit ni Lorna Tolentino kay Senator Bong na sinubukan ng SM cinemas na babaan ang presyo ng ticket sa PHP65 pesos nung Oktubre 15, Linggo, at maganda ang kinalabasan ng mga pelikulang palabas nung araw na yun.

Showing nun ang Japanese film na Monster na dinistribute ng film production nina Lorna at Sylvia Sanchez.

Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action

Agree si Senator Bong na dapat na babaan ang presyo ng ticket, pero kailangan daw talagang magkaroon ng maayos na dialogue sa theater owners. Ilang beses na raw nilang napag-usapan ito sa Senate hearings, pero wala pang napagkasunduan.

Sabi ni Senator Bong, "Kasi naisip ko kung kaya ba nating gawing PHP200 ang ticket o baka puwede buy one take one. Halimbawa, sa halagang PHP300 ang ticket, libre na ang isa mong kasama. Para mas maraming manonood. Baka puwede yun?"

Hindi lang daw nila alam kung maipapatupad na ito sa darating na MMFF, dahil marami pang kakausapin at involved dito ang LGUs. Pero lahat daw ay puwedeng gawin para maibalik ang dating sigla ng ating movie industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Congressman Dan, ganun din sa Kongreso. Ilang beses na rin daw nilang napag-usapan ito sa ilang sessions nila.

Naisip din daw nilang gawing PHP200 ang presyo ng ticket, para mabalik lang ang interes ng mga taong bumalik sa panonood sa mga sinehan.

"Unfortunately in the evolution of our film industry, nangyayari na ngayon sa mga tao, nagiging complacent na sila. Nandun na lamang sila sa bahay, nanonood ng Netflix, aabangan na lang nila.

"Those are kind of people na contented sa ganung klase ng sistema. That was created because of the pandemic.

"Now that we have come back from the pandemic, so most likely, I think proper promotion and encouragement sa mga families during this season, kailangan mapalabas natin sila, e.

“And one of those encouraging things na pupuwede nating gawin, yung babaan natin yung bayad sa sinehan.

"Kasi ang nangyayari sa pamilya kung manonood sila ng sine, makikita nila lima sila, tapos nagbabayad sila ng PHP300, that's PHP1,500.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Instead na gamitin nila dun, ‘Ahh hindi, hintayin na lang namin sa Netflix. Kasi lalabas naman yan, kakain na lang kami.’

"Kung gagawin natin siguro mga PHP200, siguro mag-iisip yun, kasi may matitira pa. So, those are the things that we really need to balance para ma-attract natin sila.

"Sa akin lang, kung gagawin nilang PHP200, jampack yan."

NOEL FERRER

Nagpasalamat si Direk Perci Intalan kay Vilma Santos na nabanggit niya ito dahil ito raw talaga ang concern ng lahat na movie producers.

Si Direk Perci ang presidente ng PMPPA o Prodyuser ng Mga Pelikulang Pilipino sa Asya, Inc.

Na-discuss din daw nilang movie producers itong ginawa ng SM Cinemas na PHP65 ang presyo ng sine ng isang araw lang. Napaka-positive daw nito para sa ating industriya.

Magandang senyales din daw itong mataas na box-office results ng local films na A Very Good Girl at Five Breakups And A Romance. Pero mas mabuting pag-usapan daw mabuti itong naiisip na babaan ang presyo ng ticket sa mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 'A Very Good Girl' lumampas na sa PHP100M; 'Five Breakups And A Romance' kumita rin kaya?

"You know, kailangan naming makipag-usap nang malaliman sa cinema owners, dahil meron din silang sariling concerns, di ba? But it's a good sign na hindi kami humingi sa SM na mag-experiment sila ng PHP65. Sila mismo.

"Pare-pareho naman tayo ng concern na mabalik ang tao sa sinehan," pakli ni Direk Perci sa DZRH nung Huwebes, October 26.

Isa raw talaga ito sa gusto nilang mangyari sa susunod na taon pagkatapos ng MMFF. Hindi lang daw niya matiyak kung kakayanin pa ito sa darating na filmfest.

"So, I think that's actually a good sign. Whether gagawin siya for MMFF... it's a different ano siya, e, it's a different arrangement sa MMFF, bilang festival.

“Pero... o kung gagawin siya next year, after MMFF, that's definitely worth waiting. Kasi agree naman lahat na gusto nating ma-afford ng karamihang mamamayan yung movie ticket.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, aware lahat na sana maaksyunan. I really appreciate na si Ate Vi was able to mention it. Kasi, na-bring up naman yun sa mga Senate hearings we attended few weeks back. Yung hearing na in-arrange nina Sen. Robin, Sen. Jinggoy, Sen. Bong, na-touch on yun. Nasama sa mga sanga-sangang problema natin.

"Again, hindi pa healthy, hindi pa malusog yung movie industry, kasi hindi pa mapabalik ang mga tao. Kailangan, mapabalik ang mga tao sa sinehan," saad ni Direk Perci.

JERRY OLEA

Kaugnay sa pagdiriwang ng 3rd Philippine Film Industry Month noong nakaraang buwan, inihandog ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Sine Singkuwenta.

Sa halagang PHP50, napanood ang mga pelikulang Honor Thy Father, John Denver Trending, On The Job, Respeto, Train To Busan, at Your Name noong Setyembre 11-17 sa piling sinehan ng SM at Ayala Malls.

Natuwa si FDCP Chair Tirso Cruz III sa magandang turnout ng moviegoers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

sine 50

Kaugnay sa pagdiriwang ng ika-65 anibersaryo ng SM, napanood ang walong pelikula sa halagang PHP65 noong Oktubre 15, Linggo sa SM cinemas nationwide.

Ang mga ito ay ang mga pelikulang Monster, Instant Daddy, Coffee Wars, The Forbidden Play, The Creator, Expend4bles, Dr. Cheon and the Lost Talisman, at Mount Chiak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

sm cinema 65 movies

Noong weekend na iyon ay umariba rin sa local cinemas ang concert film na Taylor Swift: The Eras Tour, na mas mahal ang mga tiket.

Read: 'Taylor Swift: The Eras Tour' concert film, record-breaking sa takilya

Nagsimula ang Sine Sindak 4 ng SM Cinemas noong Miyerkules, Oktubre 25.

Sa halagang P130, mapapanood ang alinman sa horror movies na Todd And The Book Of Pure Evil: The End of the End, Belzebuth, Benny Loves You, The Jack In The Box: Awakening, Dawning, Dead Bride, Final Summer, The Ghost Within, at Chabak: Night of Murder and Romance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang one-day pass ay P250. If you purchase an Unlimited One-Day Pass, you must visit SM Cinema Ticket Booth to redeem all movie passes.

sine sindak 4

Iyong Fisher Mall-Malabon City ay meron namang Spectacular Halloween Fest: Four Films of Fright.

Sa halagang P125, mapapanood ang alinman sa mga pelikulang Alone, Mercy Black, Don’t Look at the Demon, at Haunt. Sa halagang P300, watch all you can naman sa isang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

fisher mall scarefest

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos: “Isa sa pinaka-wish ko this coming November 3, my birthday, sana mababaan naman yung fare ng sine, para maibalik natin... sana maipasa nyo naman yun. Kahit na pagbigyan lang natin ng tatlong taon, maka-recover lang ang industriya natin.” Vilma stars in the MMFF 2023 movie When I Met You with her perennial leading man Christopher de Leon.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results