GORGY RULA
Nagpapasalamat si Lovi Poe sa kanyang asawang si Monty Blencowe dahil naiintindihan nito ang kanyang trabaho bilang artista.
Read: Lovi Poe is now married to Monty Blencowe
Pagkatapos ng kasal nila sa London noong Agosto 26, 2023, ay kailangang bumalik agad ni Lovi para sa taping ng FPJ’s Batang Quiapo, at nakatakda pa siyang lumipad Italy para sa ASAP Natin 'To.
Kaya sa ngayon ay parang nag-a-adjust pa rin si Lovi at medyo nawi-weirduhan pa siya kapag tinatawag niyang "husband" si Monty.
"Actually, a week after the wedding, dumiretso na ako, and then straight to taping. Buti na lang my husband, he's very understanding," pahayag ni Lovi sa media conference ng renewal niya bilang endorser ng Imono Jewelry kahapon, October 26, 2023.
Pagbalik niya sa Pilipinas, itong endorsement niya sa naturang costume jewelry ang isa sa na-close niya. Thankful ang Kapamilya actress dahil naging bahagi na ng career niya itong produkto at close na sa kanya ang may-ari nitong si Ms. Goldie Tang-Hing.

Parang ang dali lang daw kay Lovi ang lahat dahil sa napaka-supportive niyang husband.
Lahad ng aktres, "Kasi right now, I'm just very happy that, yun nga, he's very understanding of my job.
"And then, whatever it is naman, e, when I'm filming, it's me who's always travelling. It's gonna be here or out of the country. So, we're just taking it in a positive way.
"He wants to see me shine and succeed as individual. Kaya, sobrang suwerte ko na ganun siya.
"I know, we're on the next level, next stage, but then he still wants to see me shine," saad ni Lovi.
Ikinuwento pa ni Lovi, meron pala siyang ginamit na alahas ng Imono na isinuot niya sa kanyang kasal. Dala-dala raw niya ang heart-shaped locket ng jewelry na ito na merong picture ng namayapa niyang amang si Fernando Poe Jr.. Nasa bouquet daw niya ito.
Pati rin daw si Monty ay may suot ding locket ng jewelry na yun na may picture din ng kanyang ama.
Sabi pa nga ni Lovi, kung puwede lang balikan ang napaka-memorable na araw ng kanyang kasal, babalikan niya ito.
Read: THE WEDDING ALBUM: Lovi Poe and Monty Blencowe
“Alam mo yung sinasabi nila na 'you'll never take this day back, so be present in every moment.'
"Yun talaga yung testament dun especially... that was a special moment for me, for all of us, for me and Monty. Parang kung puwede ko lang balikan ulit yung time na yun, babalikan ko.
"But siyempre we can't take that day back. So, enjoy the present," pakli ng 34-anyos na aktres.
Sobrang proud din daw si Lovi sa kanyang ate na si Senator Grace Poe na talagang humanga raw ang lahat, lalo na ang pamilya ni Monty.
"Naiyak talaga ako, of course, kay Ate Grace. I didn't wanna call her and ask her to say anything naman. Pero she's such a wonderful human being that I can't even express how proud I am.
"Talagang… how she is towards me and my brother. Parang it was such a magical moment, and I was just so happy when she started speaking there.
"Talagang everyone from Monty's side, from his friends and family, they were so amazed kay Ate Grace, kasi nakikita nila what kind of person she is. She's like strong, intelligent woman, na talagang when I was sitting there, parang 'That's my ate.' I’m so proud of her.
"So, it was such a great moment, and I'm grateful that she was there and she was my matron of honor," sabi pa ni Lovi.
Read: Lovi Poe, pinaiyak ng kapatid na si Senator Grace Poe sa kanyang kasal
NOEL FERRER
Dahil sa long distance pa rin ang set-up ng pagsasama nina Monty at Lovi, wala pa muna sa plano nila ang magka-baby.
"So far now, we wanna focus sa work and as being together. Yun muna," saad ni Lovi.
Balita ko ay susubukan nina Monty at Lovi na mag-produce ng pelikula na pagbibidahan mismo ni Lovi sa direksiyon ng isang award-winning young director.
Sana matuloy ito, along with their many other personal plans.
JERRY OLEA
Patuloy ang pamamayagpag ng FPJ’s Batang Quiapo, kung saan ang 26-anyos na si Ivana Alawi ang ka-tandem ni Coco Martin.
Astig si Ivana sa bakbakan at barilan! Suwabe ang tandem nila ni Coco!
Inilalampaso ng FPJ’s Batang Quiapo sa ratings ang Maging Sino Ka Man nina Barbie Forteza at David Licauco. Finale week na ng BarDa series sa susunod na linggo.
Sa Nobyembre 6 ay kakaripas na bilang kapalit nito ang Black Rider nina Ruru Madrid, Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Katrina Halili, at Kylie Padilla.
Matatandaang naging leading lady ni Coco si Yassi sa FPJ’s Ang Probinsyano. E, di ba, ang Lolong ni Ruru ang “nagpatumba” sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco? Kaya kaabang-abang ang salpukan muli nina Coco at Ruru.
Co-star noon ni Ruru sa Lolong si Christopher de Leon. Ngayon ay nasa FPJ’s Batang Quiapo na si Christopher bilang tatay ni Coco, at asawa ni Lovi Poe.
