PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine Velasquez at Poppert Bernadas

Poppert Bernadas, magkakaroon na ng solo concert.
by PEP Troika
Published Nov 2, 2023
poppert bernadas
Singer-actor Poppert Bernadas will finally have his solo concert, Who Put the Pop in the Poppert?, at Music Museum on November 11, 2023.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Kung tatanungin mo ang mga baguhang singers natin, tiyak na sasabihin nilang isa sa kilalang singers na talagang tumutulong sa kanila ay si Regine Velasquez.

Hinding-hindi makakalimutan ng theater singer-actor na si Poppert Bernadas na nagprisinta mismo si Regine na ito na ang makipag-duet sa kanya para sa ire-record niyang kanta.

Nagsusulat din kasi si Poppert ng mga kanta, at isa sa ire-record niya ay ang ginawa niyang kanta na pinamagatang "Bitaw."

Ayon kay Poppert, naunang nag-commit sa kanya ang kaibigan niyang kilalang female singer na maka-duet sa kantang yun.

Kaagad daw ipinadala ni Popper ang demo tape sa kaibigang female singer para mapag-aralan ito. Pero pagdating ng araw ng recording, sinabihan daw siyang hindi na makakarating itong kaibigan niyang female singer.

Para matuloy ang recording, nagprisinta raw si Regine na kung gusto ni Poppert ay siya na lang ang kakanta ng part ng hindi nakarating na female singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Poppert ay isa sa talents na mina-manage ni Ogie Alcasid sa kanyang A Team.

ogie alcasid poppert bernadas

"Si Ate [Regine], sabi niya, 'Uy, ano yan?' E, nung nalaman niya yung buong istorya, sabi niya, 'O, di ako na lang ang mag-record,’” simulang kuwento ni Poppert nang nakatsikahan namin sa mini-presscon para sa solo concert niyang Who Put the Pop in the Poppert, nung Lunes, October 30, 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaganapin naman ang mismong concert sa Music Museum sa November 11.

Hindi raw makapaniwala si Poppert na mismong si Regine pa ang nag-alok ng sarili para maka-duet niya, kahit hindi naman daw siya kilala nito. Kaya tila naging blessing in disguise pang hindi na tumuloy yung unang kinausap na female singer na makaka-duet niya.

Ang bilis daw pinag-aralan ni Regine ang kanta at natuloy ang recording niya nung araw na yun.

"Pasasalamat din naman ako na nagkaproblema yung ka-duet ko," pakli niya.

Kahit sikat din yung unang nag-commit, pero siyempre iba rin naman kapag Regine Velasquez ang ka-duet niya.

"Of course! Walang lelebel kay Ate. Para sa akin, iba talaga," bulalas ni Poppert.

Nasa Spotify na ngayon ang kantang "Bitaw" na collaboration nina Poppert at Regine.

Marami ang bumilib sa galing ni Poppert sa pagkanta at naging tagahanga na niya.

Nung ipinost daw ni Poppert sa social media ang concert niya sa November 11, may mga kaibigan siyang kaagad na bumili ng tickets. Meron nga raw supporter ni Erik Santos na bumili agad ng 70 tickets.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nag-aartista rin si Poppert kung saan naging bahagi siya ng Starla ni Judy Ann Santos at ang Ang Sa Iyo Ay Akin nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria.

Tuwang-tuwa siya dahil sinuportahan din daw ng mga nakasama niyang artista itong solo concert niya sa Music Museum.

"Si Ate Jodi, nagka-karaoke lang naman kami sa taas pag breaktime lang sa taping. Dun lang naman niya ako nakita.

"Kami nina Iza Calzado, nagka-karaoke kami sa taas pag breaktime. Dun lang niya nalaman na, 'Uy, kumakanta pala si Poppert!’

"Siyempre, finallow niya ako sa Instagram, sa mga ano ko. So, nung nalaman niya, nung sinendan ko siya ng poster ko, bigla sinabi niya, 'OK, bili ako ng 30 tickets,’” masayang kuwento ni Poppert.

Halos sold-out na raw ang tickets sa concert niya. Ubos na raw ang tig-P2800 na tickets, pati ang tig-P2500. May konti na lang daw na natira na tig-P2,000.

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki ang utang na loob ni Poppert sa National Artist For Music na si Maestro Ryan Cayabyab.

Read: National Artist Ryan Cayabyab, may "horror story" ba sa mga nakatrabahong singers?

Ito raw ang unang itinuturing niyang tatay niya sa industriya, at si Ogie Alcasid na nagma-manage sa kanya. Naniniwala kasi sila sa kakaibang boses ni Poppert at ang galing nito sa stage.

Sa isang panayam nga ng PEP Troika kay Mr. C ay puring-puri nito si Poppert.

Sabi ng National Artist: “I’ve never met anybody like him na kahit na ensayo, yung mga kasama niya, they have to be in their toes.

“Kasi pag kumanta siya, talagang bigay na bigay! E, hindi puwede, yung mga katabi mo, hindi magbibigay. Kasi, mahiya kayo nang konti. At saka laging prepared.

“Anyway, I work with Ryan Cayabyab Singers and I’ve known them isa-isa, and I know their worths. And the reason why I got them is magagaling sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero iba yung Poppert. I mean, iba talaga yung Poppert. That’s why, I can take him out there, put him here with other theater artists, put him here with other big name stars.

“Kahit si Regine, makikikanta with Poppert. Kasi, alam niya, magaling."

Nakakatuwa lang daw na pati ang mga iniidolong singers ni Poppert ay naniniwala sa kakayahan niya.

Ikinuwento niya nang nagkakilala sila ng ilang members ng pop band na Ben & Ben. Nagpakilala raw siya kay Paolo Benjamin, at hindi raw siya makapaniwala sa sinabi ni Paolo sa kanya.

"'It's an honor. Alam mo ba... nauna kasi kami magsulat ng songs.' Songwriter sila. Pero nung gusto na nila kumanta, isa daw ako sa pinapakinggan nilang boses. Sabi ko, ‘Are you serious?’

“Sabi niya, 'Yes, lalo na nung napanood ka namin sa Rak of Aegis.' So, pinapakinggan daw niya yung boses ko, next na kay Ebe Dancel.

"Sabi ko, 'Grabe naman yung levelling. May Ebe Dancel, Poppert.' So, sabi ko, 'Totoo ka?' 'Oo nga!' So, ayun!" dagdag na kuwento ni Poppert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Good luck, Poppert!

JERRY OLEA

Puring-puri ni Maestro Ryan Cayabyab ang kahusayan ni Poppert.

Si Poppert ay original member ng Ryan Cayabyab Singers (RCS) mula 2007.

Nag-try out si Poppert sa Season 2 ng The Voice Philippines noong 2014. Sa Blind Auditions, bumilib sa kanya ang apat na hurado na sina Lea Salonga, Bamboo, apl.de.ap, at Sarah Geronimo.

Noong 2014 din siya gumanap na Kenny sa musical ng PETA na Rak of Aegis.

Passion at lifeblood ni Poppert ang musical theater.

Nagtanghal din siya sa mga produksiyon na Magsimula Ka!, LORENZO the Musical, Ang Huling Lagda ni Apolinario Mabini, GodSpell, Spoliarium, at Marawi The Musicale.

Ang galing-galing ni Poppert sa pagtatanghal kamakailan ng Rama, Hari kung saan umawit siya bilang Ravana.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actor Poppert Bernadas will finally have his solo concert, Who Put the Pop in the Poppert?, at Music Museum on November 11, 2023.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results