PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid Rules Out Prime Time Reunion with Coco

E.A.T. wagi pa rin sa battle of noontime shows.
by PEP Troika
Published Nov 6, 2023
ruru madrid coco martin prime time
Ruru Madrid (left) on going up against Coco Martin's show on primetime again: “To be honest, yung competition nandiyan lang po naman yan. Hindi naman po mawawala yan. Pero for me, kesa makipag-compete ako with other people, I'd rather compete with myself. So that every day, may lagi po akong napapakita at kilala niyo naman ako, ever since ganyan ako."
PHOTO/S: @rurumadrid8 / @cocomartin_ph on Instagram

GORGY RULA

Nakapagtala ng rating na 11.3% ang finale episode ng Maging Sino Ka Man nina Barbie Forteza at David Licauco noong Biyernes, November 3, 2023.

Pero mas mataas pa rin ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin na naka-15.3% ang aggregated ratings sa A2Z, TV5 at Kapamilya channel.

Kaya curious kami kung ano ang pasabog ng teleserye ni Coco ngayong Monday night dahil sinabi naman niyang pinaghahandaan na nila ang pagsisimula ng Black Rider ni Ruru Madrid.

Ang Black Rider ang papalit sa tinmeslot na babakantehin ng Maging Sino Ka Man.

Read: Ruru Madrid "starstruck" working with top action stars for Black Rider

Pero hindi na raw iyon iniisip ng Kapuso Primetime Prince na si Ruru dahil ang laki ng paghanga at paggalang niya kay Coco.

Nahihiya si Ruru kapag sinasabi sa kanyang ang Lolong niya ang nagpatumba noon sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco. Nagkataon lang daw na ang programa niya ang katapat noon ng pagtatapos ng teleserye ni Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ruru Madrid, hindi naniniwalang napatumba ng Lolong ang FPJ's Ang Probinsyano

“To be honest, yung competition nandiyan lang po naman yan. Hindi naman po mawawala yan,” sabi ni Ruru.

“Pero for me, kesa makipag-compete ako with other people, I'd rather compete with myself. So that every day, may lagi po akong napapakita. At kilala niyo naman ako, ever since ganyan ako.

"Gusto ko lagi akong nag-i-improve. Lagi ko napapatunayan na kaya ko yung mga bagay. So, dun ako mas naka-focus at napagaling.”

Hindi itinatanggi ni Ruru na nandiyan ang pressure sa pagsisimula ng Black Rider.

"Siyempre po, may pressure. Of course, lahat naman po tayo, gustong maging successful po yung mga projects po na ginagawa natin,” sey ni Ruru.

"But for me, more than anything else, yung makapagbigay po ng magandang programa sa mga manonood, mas nakatutok po ako dun.

"I mean, as an actor, my goal is to entertain people. So, dun po ako mas naka-focus, rather than competing or ma-pressure sa mga bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Noong Biyernes, November 3, ay nanguna pa rin ang E.A.T. ng TV5 sa battle of noontime show. Nagtala ito ng 4.6% na rating.

Pero dumidikit ang Eat Bulaga! ng GMA-7 na naka-4%, at ang It's Showtime ng Kapamilya Channel, A2Z, at GTV ay naka-3%.

Pagkatapos ng Eat Bulaga! ay sumunod ang afternoon drama series na Abot Kamay Na Pangarap na naka-13.1%, at 1.7% naman ang katapat nitong Pira-Pirasong Pangarap sa TV5.

Ang Magandang Dilag ay naka-11.8%, at 1.3% naman ang Nag-aapoy Na Damdamin.

Sumunod ang The Missing Husband na naka-7.8%. Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 6%, ang sumusunod na Deadly Affair ay 3.2%.

Ang Family Feud naman ay 10.5%, at ang katapat nitong Minute To Win It ay 1.3%.

Pagdating sa prime time ay 15% ang 24 Oras. Ang katapat nitong TV Patrol sa Kapamilya Channel ay 4%, at ang Frontline sa TV5 ay 3.9%.

Ang Love Before Sunrise ay naka-7.1%, na natalo ng Can't Buy Me Love na 7.8%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumunod ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na 4.6%, na katapat naman nito ang Senior High na 4.1%.

JERRY OLEA

Hindi man lang nakaporma ang BarDa seryeng Maging Sino Ka Man sa FPJ’s Batang Quiapo.

Iyong subplot ng Maging Sino Ka Man na nagpanggap na lalaki si Barbie Forteza ay hindi kapani-paniwala sa televiewers. Kayhirap ding paniwalaan si David Licauco bilang maangas na sanggano.

At least, dikit ang ratings ng E.A.T. at Eat Bulaga!, pero malakas naman ang It's Showtime sa online.

Sa Battle of Noontime Shows, tatlong beses nang kinabog ng Eat Bulaga! ang programa ng TVJ at Legit Dabarkads.

Read: Dolphy, Babalu, Redford White "binuhay" nina Vhong, Jugs, at Teddy sa "Magpasikat"

Maliit din lang ang agwat ng Can’t Buy Me Love over Love Before Sunrise. Minsan nang kinabog ng serye nina Dennis Trillo at Bea Alonzo iyong DonBelle series.

Namamayagpag pa rin sa Netflix Philippines ang series nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Hindi pa ito natitinag sa puwesto nito bilang number 1 sa TV shows na streaming sa Netflix PH.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkatabla rin minsan ang ratings ng Can’t Buy Me Love at Love Before Sunrise.

Read: Mga teleserye ng ABS-CBN, namamayagpag sa streaming sites at free TV

Nasa huling linggo na ang Magandang Dilag ni Herlene Budol. Papalitan ito ng Stolen Life nina Gabby Concepcion, Carla Abellana, at Beauty Gonzalez.

Nasa huling dalawang linggo na ang Unbreak My Heart.

Kung hindi ako nagkakamali, ang kapalit nito umpisa Nobyembre 20 ay ang Lovers/Liars nina Claudine Barretto, Lianne Valentin, Shaira Diaz, Rob Gomez, Yasser Marta, at Kimson Tan.

Noong 22 Hunyo pa nabanggit sa akin ni Direk Jose Javier Reyes ang tungkol sa limited series na Lovers/Liars na aniya ay “a little mature.”

Na-mention na niya noon pa na sina Rob, Yasser at Kimson ang leading men dito. Ang bidang babae sana ay si Mikee Quintos.

Bakit kaya nawala si Mikee sa Lovers/Liars? Ito rin ba iyong project na nag-beg off si Sunshine Cruz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Direk Jose Javier Reyes, creative consultant ng Regal pero nagdidirek din sa Vivamax

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid (left) on going up against Coco Martin's show on primetime again: “To be honest, yung competition nandiyan lang po naman yan. Hindi naman po mawawala yan. Pero for me, kesa makipag-compete ako with other people, I'd rather compete with myself. So that every day, may lagi po akong napapakita at kilala niyo naman ako, ever since ganyan ako."
PHOTO/S: @rurumadrid8 / @cocomartin_ph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results