PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Laurice's Afternoon Drama Moves to Prime Time

Laurice Guillen, balik-pagdidirek sa Asawa Ng Asawa Ko.
by PEP Troika
Published Nov 6, 2023
laurice guillen
Actress-director Laurice Guillen returns to the director's seat as she starts taping for the upcoming Kapuso teleserye Asawa Ng Asawa Ko, starring Jasmine Curis-Smith and Rayver Cruz.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Rumatsada sa Kapuso afternoon prime ang mga teledramang idinirek ni Laurice Guillen.

Kabilang dito ang Ika-6 Na Utos (Disyembre 2016-Abril 2017), Ika-5 Utos (Setyembre 2018-Pebrero 2019), Bilangin Ang Bituin Sa Langit (Pebrero 2020-Marso 2021), at Apoy Sa Langit (Mayo-Setyembre 2022).

Ang kasalukuyan niyang sinu-shoot na serye ay ang Asawa Ng Asawa Ko starring Jasmine Curtis-Smith and Rayver Cruz.

Read: Taping ng mga teleserye at ilang showbiz events, apektado ng bagyo

Malakas ang recall ng nasabing title, na tila hango sa linya ni Direk Laurice sa pelikulang Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi (1983).

Sa eksena, tinawagan ni Delza (karakter ni Direk Laurice) sa telepono si Stella (Gloria Diaz), “Puwede bang makausap ang asawa mo na asawa ko na asawa ng bayan?”

Sa remake na When The Love Is Gone (2013), ang nag-dialogue niyon ay si Alice Dixson.

“In fairness, it’s not about kaliwaan,” sambit ni Direk Laurice nitong Oktubre 30, 2023, Lunes ng gabi, sa mansion ni Direk Brillante Mendoza sa Mandaluyong City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron talagang problem na ano, who’s the legal wife?”

Noong isang araw lang kinunan ang opening sequence ng teledrama. Matatagalan pa ang shoot nila.

Bale sixteen (16) weeks itong Asawa Ng Asawa Ko, na nakatakdang mag-premiere sa Enero 2024.

“Kasi naman ito, supposed to be, panghapon. O ngayon, inilipat nila sa gabi,” pagbabalita ni Direk Laurice.

Ha?! E, mas nagre-rate nowadays ang mga panghapong teleserye ng GMA, ah?! Umaariba nang lubos ang Abot-Kamay Na Pangarap na extended hanggang next year, maging ang Magandang Dilag na nasa finale week.

“E, siyempre, kumikita yung hapon. Ilang taon na ako sa hapon. Biglang inilipat sa gabi yung Asawa Ng Asawa Ko, pero same creative people ang nasa likod nito,” sabi ni Direk Laurice.

“Yun pa rin ang involved. Sabi ko, ‘Ay! Bakit?’”

Well, pumapalo sa ratings ang mga TV series na idinirek ni Direk Laurice, di ba?!

NOEL FERRER

Hindi lang mahusay na direktor si Laurice Guillen, kundi magaling ding aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agaw-eksena ang pagkakontrabida niya sa unang yugto ng teleseryeng Unbreak My Heart.

Payanig ang papel niya sa upcoming HBO series na Call My Manager! ni Direk Erik Matti.

Natapos niya ang mga pelikulang Pamilya Sa Dilim ni Direk Jay Altarejos, at Moro ni Direk Brillante Mendoza.

Nag-premiere ang Moro sa 28th Busan International Film Festival last month sa South Korea.

Ayon kay Direk Brillante, napansin ang husay roon nina Laurice, Piolo Pascual, at Baron Geisler sa pagde-deliver ng Maguindanaon lines.

Read: Brillante Mendoza on non-inclusion of Moro in MMFF 2023: "Big stars ang pino-pokus nila ngayon."

“Nung dubbing na, ang kinuha ni Brillante na magko-coach, isang mama na nasa 50s or magsi-sixty na tagaroon, yung alam yung colloquial na salita,” pagtatapat ni Direk Laurice.

“Tinutukan niya kung paano sasabihin yung mga linya. Nakukuha ko naman agad. Tapos sabi niya, ‘Madam, walang magsasabing hindi kayo taga-Maguindanao.’

“Very sure of himself siya. May kumpiyansa agad na tama yung ginagawa, tama yung pronunciation, yung words, ganun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At the same time, hindi siya nambobola. Pag sinabi niya, yun na yon, hindi ka na mapagkakamalan.”

GORGY RULA

Ipinagtapat ni Piolo Pascual na nahirapan din siya sa mga dialogue niya sa Moro. Naghahanap pa siya noon ng script.

Sabi ni Direk Laurice, “Ganun naman, e. Pero si Piolo, ang galing magmemorya at mag-pronounce!

“Sa shooting pa lang, nangangapa kami. Siya, hindi siya nangangapa. Memorized niya. Very serious siya. Very serious actor.”

Sa MMFF 2023 entry na Mallari, tatlong karakter ang ginampanan ni Piolo. Sa isa pang MMFF 2023 entry na GomBurZa, Kastila naman ang mahabang dialogue ni Piolo sa court scene, na matapos kunan ay nahimatay ito.

Read: Piolo Pascual tags himself "Most Promising Old Actor" for saying "yes" to all offers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-director Laurice Guillen returns to the director's seat as she starts taping for the upcoming Kapuso teleserye Asawa Ng Asawa Ko, starring Jasmine Curis-Smith and Rayver Cruz.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results