GORGY RULA
Bukas, November 10, 2023, Biyernes, na matatapos ang Magandang Dilag, isa sa pinakamalakas na afternoon drama series ng GMA-7.
Ito ang naglunsad kay Herlene Budol bilang lead actress, at naging successful dahil consistent na mataas ang rating nito.
Totoo bang may iniisip na silang isa pang bigating teleserye para kay Hipon Girl?
Wala pang kinukumpirma sa amin kung kasali na ba siya sa second season ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ni Senator Bong Revilla. Ang latest na narinig namin ay sisimulan na nila ito ngayong buwan.
Pero keri na raw magbida ni Herlene sa isang teleserye dahil sa mataas na ratings ng Magandang Dilag.
Nagpapasalamat ang buong production staff ng Magandang Dilag sa co-stars ni Herlene dahil talagang umalalay sila sa comedienne-beauty queen.
First time niyang napasabak sa mabibigat na drama scenes at hindi siya pinabayaan ng lahat na mga nakaeksena niya.
Read: Herlene Budol, puring-puri nina Chanda Romero at Sandy Andolong
Nung nakaraang Lunes, November 6, ay naka-10.1% ang Magandang Dilag, habang 1.8% lamang ang katapat nitong Nag-aapoy Na Damdamin.
Nung Martes, November 7, ay naka 9.9% ito, at 1.4% naman ang Nag-aapoy Na Damdamin.
Nung Miyerkules, November 8, ay tumaas pa ang Magandang Dilag na naka-10.6%, at ang Nag-aapoy na Damdamin ay 1.5%.
Inaasahang lalo pang tataas ng Magandang Dilag dahil matindi na ang mga kasunod na magaganap sa pagtatapos nito.
Sa Lunes, November 13, ay papalitan na ito ng Stolen Life nina Gabby Concepcion, Carla Abellana, at Beauty Gonzalez.
NOEL FERRER
Mabuti naman at tumatak ang novelty ni Herlene Budol sa kanyang teleseryeng Magandang Dilag.
Aabangan natin kung ano ang susunod na hakbang sa kanya ng GMA-7 after this teleserye na nag-rate.
Sana, mas seryosohin pa niya ang kanyang pagiging aktres at sana, hindi na abutin ng katakut-takot na challenges ang kanyang susunod na project kung meron man.
Blessing ang magkatrabaho ngayong kalalabas lang ng survey na 4.5% ng ating kababayan ay walang trabaho. Kaya sana, pahalagahan natin talaga ito!
JERRY OLEA
Waging-wagi ang mga panghapong teledrama ng GMA-7.
Noong Nobyembre 6, Lunes, ay 10.7% ang Abot-Kamay na Pangarap kontra sa 2.4% ng Pira-Pirasong Paraiso.
Naka-7.1% naman ang The Missing Husband.
Noong Nobyembre 7, Martes, ay 11.4% ang Abot Kamay Na Pangarap, at 1.7% ang Pira-Pirasong Pangarap. 7.2% naman ang The Missing Husband.
At noong Nobyembre 8, Miyerkules, ay 11.3% ang Abot Kamay Na Pangarap, at 1.9% ang Pira-Pirasong Paraiso. 7.8% ang The Missing Husband.
Sa prime time, lumiliit ang agwat ng FPJ's Batang Quiapo ni Coco Martin kumpara sa Black Rider ni Ruru Madrid.
Lumalaban din ang teleserye nina Bea Alonzo at Dennis Trillo (Love Before Sunrise) sa teleserye nina Donny Pangilinan at Belle Mariano (Can't Buy Me Love)!
Noong Nobyembre 6, Lunes, ay 12.1% ang pilot ng Black Rider, at 15.5% ang FPJ’s Batang Quiapo.
7.4% ang Love Before Sunrise, at 8.1% ang Can’t Buy Me Love.
Noong Nobyembre 7, Martes, ay 12.2% ang Black Rider, at 16.2% ang FPJ’s Batang Quiapo.
8.1% ang Love Before Sunrise, at 8.7% ang Can’t Buy Me Love.
Noong Nobyembre 8, Miyerkules, ay 13.1% ang Black Rider, at 14.8% ang FPJ’s Batang Quiapo.
8.1% ang Love Before Sunrise, at 7.1% ang Can’t Buy Me Love.
This is the second time na kinabog ng Love Before Sunrise ang Can’t Buy Me Love, di ba? Ang una ay noong Oktubre 25, Miyerkules.
Nagtabla rin minsan ang Love Before Sunrise at Can’t Buy Me Love, noong Oktubre 27, Biyernes.
Take note na noon ding Nobyembre 7, Martes, ay tabla sa ratings ang E.A.T. at Eat Bulaga!.
