GORGY RULA
Tuwang-tuwa si Paolo Contis nang naka-text ko pagkatapos ng Eat Bulaga! ngayong Biyernes, Nobyembre 10, 2023.
Sobrang na-enjoy raw nila ang guesting nina Vilma Santos at Christopher de Leon para i-promote ang MMFF 2023 entry nilang When I Met You In Tokyo.
Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action
Kasama nila ang iba pang cast na sina Lynn Cruz, John Gabriel, at si Cassy Legaspi na bahagi rin ng Eat Bulaga!.
Naglaro sina Ate Vi at Boyet ng "Word of Rings" at umabot sila sa heavyweight round. Apat na words ang nahulaan nila na sobrang ikinatuwa nilang dalawa.
May mga rules silang nilabag sa laro, pero hinayaan na lang sila nina Paolo at Winwyn Marquez, dahil nakikita nilang nag-e-enjoy sina Ate Vi at Boyet sa paglalaro.
Nagsesenyasan na kasi sila, at tawa nang tawa na lang sina Paolo.
"Ang saya nila Ate Vi hahaha!" text sa akin ni Paolo.
Ipinost din niya sa kanyang Facebook account ang kuha nila ni Ate Vi, at ang nasa caption, "Thank you for guesting Ate Vi!! [smiling face with heart, heart, smiling face with heart emojis] ang sayaaaa!! [three smile emojis]"

Nanghihinayang si Paolo dahil never pa pala silang nagkasama ni Ate Vi sa pelikula. May ilang guestings lang daw na nagkasama sila, pero iyung full length na movie ay hindi pa raw.
Hindi raw niya naranasang naging anak ni Ate Vi. Siyempre, wish din niyang magkasama sila sa isang pelikula.
Kahit si Nora Aunor ay hindi pa rin daw niya nakasama sa pelikula. Pero nagkasama sila sa drama series ng GMA-7 na My Little Nanay.
Natawa rin si Paolo kay Christopher de Leon dahil parang nanibago raw itong pinapanood si Paolo na naghu-host. Hindi raw sanay si Boyet na nagseseryoso si Paolo sa paghu-host.
JERRY OLEA
Ang dami palang fans ni Cassy ang nag-react kung paano paglaruan ni Paolo si Cassy.
Nilait ni Paolo ang young actress nang ipinalabas ang trailer ng When I Met You In Tokyo. Pero ganun daw talaga sila magbardagulan sa Eat Bulaga!.
Sobrang close kasi si Paolo sa kambal na Cassy at Mavy Legaspi, kaya kampante na silang paglaruan ang isa't isa.
Nagalit ang ilang fans ni Cassy at kinuyog nila si Paolo sa social media account ng Eat Bulaga!. Tingin nila, wagas ang pang-iinsulto ni Paolo kay Cassy.
Nang tinanong ko si Paolo, wala naman daw yun kay Cassy at walang napipikon sa kanila dahil ganun talaga silang lahat sa Eat Bulaga!.
Araw-araw silang magkasama, at parang isang pamilya na sila na wala nang may napipikon kahit minsan ay nakakapikon na ang biruan ng isa't isa. Nakikita naman yun sa ibang hosts, at kahit saan mang programa.
NOEL FERRER
Nagpo-promote na ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023. Makikita natin kung sinu-sino sa mga artista ang wiling mag-promote sa tatlong noontime shows.
Naintriga kami na ang dami nang Kapuso stars na mas napapanood sa It's Showtime kesa sa Eat Bulaga!.
Ayaw nang mag-react ni Paolo tungkol diyan. Open naman daw sa programa nila kung sino ang gustong mag-guest o mag-promote.
May Firefly ang GMA Pictures kaya maaaring sa Eat Bulaga! sila magpu-promote at puwede rin sa It's Showtime.
Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes naman ay sa pelikulang Rewind ng Star Cinema. Kaya puwede silang mag-promote sa It's Showtime at bukas naman ang Eat Bulaga!.
Kagaya nina Dingdong at Marian, malamang na hindi puwedeng mapanood sa TV5 si Alden Richards ng pelikulang Family of Two (A Mother and Son Story). Kaya ewan ko lang kung makapag-promote sila sa E.A.T. ng TVJ.
Bukod pa riyan ay may GomBurZa naman ang TV5.
Siyempre, siguardong nasa E.A.T. si Sharon Cuneta, at ewan ko kung mag-i-Eat Bulaga! siya at kung mapagbibigyan niya ang It's Showtime.
Kaya tingnan natin kung saang noontime shows makakapag-promote ang mga artistang bahagi ng mga pelikulang kalahok sa MMFF.
Masaya ito dahil maaga pa lang ay nagpo-promote ang mga pelikulang lahok sa MMFF this early.
At may isang commercial na yayanig sa noontime shows before the end of the month, at excited tayo rito!!!
Ang magiging reaksyon lang natin — anything is possible really, lalo na kapag Pasko!!!
