PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Contract renewal ni Carla Abellana sa GMA-7, still under negotiation

Divorce nina Carla at Tom, inaayos na rito sa Pilipinas.
by PEP Troika
Published Nov 11, 2023
carla abellana stolen life
Carla Abellana on divorce with Tom Rodriguez: "Yung dito sa Pilipinas, ibang proseso po siya, ibang petition po siya, e. So, ongoing po yun. Kumbaga, yung ating local court, tatanggapin po nila yun. Kailangan po nilang i-recognize yung decree na yun, yung divore decree."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Umaasa si Carla Abellana na hindi itong afternoon drama na Stolen Life ang huling programa niya sa GMA-7.

Tinanong namin sa kanya sa nakaraang mediacon ng Stolen Life kung may kasunod na bang project na ibibigay sa kanya ang GMA-7, dahil hindi pa rin nari-renew ang exclusive contract niya.

Read: Carla Abellana answers change of management, network transfer issues

"Hindi ko po siya iniisip na last," bulalas ni Carla.

"Pakiramdam ko naman po, hindi ito ang last. Hindi lang po may kasunod, may mga magiging kasunod pa po. Yun po ang aking hope po.”

Hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin daw ang Triple A, na siyang nagma-manage sa kanya, at ang GMA-7 para sa kanyang renewal.

"Under negotiation pa po between sa aking talent management po ang Triple A and, of course, the management of sa GMA. Nagni-negotiate pa po sila sa kontrata.

"Sana siyempre, maganda po yung Pasko na maganda rin ang news. Magandang Christmas gift po sa akin yun pag naging okay po yung negotiations nila," sambit ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May tsismis na lilipat siya ng Kapamilya network at napapag-usapan pa ngang maggi-guest siya sa FPJ’s Batang Quiapo, pero wala raw alam tungkol dito si Carla.

"Sa akin naman po, walang umaabot. May times po na kahit ako, ganun din yung tanong ko. Between Direk Mike Tuviera po and sila po ang nag-uusap-usap po talaga. So, hindi ko po alam.

"Mas aware po ako dun yung sa GMA. Yung other networks po, hindi ko po alam yung mga detalye po," sabi pa ni Carla.

Basta sa ngayon, ang hiling ni Carla ay may ibibigay pang proyekto ang GMA-7 sa kanya, dahil natapos na niya ang taping sa Stolen Life na magsisimula nang umere sa Lunes, November 13, pagkatapos ng Abot Kamay Na Pangarap.

NOEL FERRER

May balita ring sa January 2024 na raw ang balik ng estranged husband ni Carla na si Tom Rodriguez ng Pilipinas.

May tatlong taon pa siyang bubunuin sa GMA-7 dahil pansamantalang na-hold ito gawa ng pagbakasyon niya sa Amerika. May movie offers na raw para kay Tom, kaya kailangan na niyang bumalik.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gusto na rin daw ni Tom na bumalik magtrabaho, pero ang pakiusap lang niya sa kanyang manager na si Popoy Caritativo, patapusin lang niya ang holidays para makasama naman niya ang kanyang pamilya sa Pasko at Bagong Taon.

Read: Carla Abellana asked what if she bumps into ex-husband Tom Rodriguez: “Wala na akong mararamdaman...”

Technically speaking, pagbalik dito ni Tom ay mag-asawa pa sila ni Carla dahil sa Amerika pa lang sila divorced. Hinihintay pa nila ang desisyon ng korte dito sa atin sa divorced decree galing ng Amerika.

Hindi na raw kailangang mag-file ng annulment case.

Ani Carla, “Yung dito sa Pilipinas, ibang proseso po siya, ibang petition po siya, e. So, ongoing po yun.

"Kumbaga, yung ating local court, tatanggapin po nila yun. Kailangan po nilang i-recognize yung decree na yun, yung divore decree. Tapos yun po yung parang gagawing... i-update po yung status namin dito.

"So, divorce po technically. But yung sa Philippines, pinu-process pa po yung sa pag-recognize ng divorce decree.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung sa Philippine law, obliged po sila, but they have to recognize that foreign decree. Yun po yung magiging status. Wala na pong nullity."

At hopeful kami na kahit saan pa man mapunta si Carla, she will do well, kasi mahusay naman talaga siyang artista.

JERRY OLEA

Natapos ang kontrata ni Jaclyn Jose sa GMA-7 at walang renewal, kaya malaya siyang nakapag-FPJ’s Batang Quiapo.

Nananatiling number one TV series ng bansa ang teleserye ni Coco Martin.

Read: Jaclyn Jose, balik-Kapamilya; pasok sa 'FPJ's Batang Quiapo'

Pili na lang ang mga nire-renew ng Kapuso Network ang kontrata. Hindi iyon nangangahulugang hindi na sila kukunin ng istasyon.

Sunud-sunod naman ang renewal ng kontrata ng mga solid Kapamilya.

Kabilang diyan sina Regine Velasquez, Janine Gutierrez, Kyle Echarri, at Seth Fedelin.

Pahayag ni Regine, “Yung experience ko na maging Kapamilya muli, parang nabuhayan ako.

“Naging exciting ulit para sa akin, bumalik ako sa pagkanta, which is my first love naman talaga. Maraming salamat sa pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m also recording my first album under Star Music so abangan niyo yan.”

Malapit nang ilunsad ng Star Music ang Reginified album ni Asia’s Songbird.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana on divorce with Tom Rodriguez: "Yung dito sa Pilipinas, ibang proseso po siya, ibang petition po siya, e. So, ongoing po yun. Kumbaga, yung ating local court, tatanggapin po nila yun. Kailangan po nilang i-recognize yung decree na yun, yung divore decree."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results