PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bagong Kapuso afternoon drama na Stolen Life, tumataas ang rating

Love Before Sunrise naungusan na ang Can't Buy Me Love.
by PEP Troika
Published Nov 15, 2023
stolen life
Stolen Life, the new Kapuso aftenoon drama series starring Carla Abellana and Beauty Gonzalez, premiered with 8.4%.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Okay ang rating ng pilot episode ng Stolen Life nina Carla Abellana, Gabby Concepcion, at Beauty Gonzalez noong Lunes, November 13, 2023.

Bongga naman kasi ang rating ng pinalitan nitong Magandang Dilag mula nung pilot hanggang sa finale. Kaya tumaas ang standard pagdating sa timeslot na yun.

Nung Lunes ay 8.4% ang rating ng Stolen Life, at 1.4% ang katapat nitong Nag-aapoy na Damdamin.

Noong Martes, November 14, ay tumaas ang Stolen Life na naka-9%, at ang Nag-aapoy na Damdamin ay 1.7%.

Nasilip ko ang episode ng Stolen Life nung Martes, at may mga eksenang mga batang Carla at Beauty ang napapanood. Pero lumabas din sila nung araw na yun, kaya siguro bahagya na itong tumaas.

Sabi sa amin ng mga taga-Stolen Life, mas matindi na ang mga eksenang lalabas bago mag-weekend. Kaya feeling nila, mas tataas pa ito at magiging mala-Magandang Dilag na rin ang ratings nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Maganda rin at pinag-usapan ang guesting ng aking talent na si Iza Calzado sa Fast Talk with Boy Abunda noong Martes. Naka-5.6% ito.

Magandang pagpapabasbas ni Iza kay Angel Guardian sa episode kaya ang lakas ng impact sa guesting din ni Iza sa CNN Philippines na ang bida pa rin ay ang bibang anak nina Iza at Ben Wintle.

Read: Iza Calzado at Angel Guardian nagkaiyakan dahil sa Encantadia

Ang sarap lang ngayon na puwedeng tumawid-tawid ng network para mag-promote ng kanilang pinagkakaabalahan — na sa puntong ito ay Shake, Rattle & Roll Extreme na showing sa November 29.

Magandang nagtutulungan na ang lahat at downplayed na ang network wars para sa pagpapasigla ng ating industriya.

JERRY OLEA

Kumusta kamo ang Battle of Noontime Shows?

Noong Nobyembre 13, Lunes, ay naka-4.1% ang E.A.T. ng TVJ, 3.7% ang revamped Eat Bulaga!, at 2.1% ang It’s Showtime.

Noong Nobyembre 14, Martes, ay naka-4.2% ang Eat Bulaga!, 4.1% pa rin ang E.A.T., at 2.6% ang It’s Showtime.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bale ikalimang pagkakataon na ito na kinabog ng Eat Bulaga! ang programa ng Legit Dabarkads.

Sa mga panghapong teledrama ay pinakamalakas pa rin ang Abot Kamay Na Pangarap.

Noong Lunes ay naka-10.8% ito, kumpara sa 1.8% ng Pira-pirasong Paraiso.

Noong Martes ay 11.8% ang Abot Kamay Na Pangarap, samantalang 2% ang Pira-pirasong Paraiso.

Ang pinakamalakas pa rin sa mga teleserye ay ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin. More or less ay 4 points ang lamang nito sa tuwi-tuwina sa Black Rider ni Ruru Madrid.

Noong nakaraang Lunes ay nagtabla ang Love Before Sunrise at Can’t Buy Me Love na parehong naka-8.3%.

Noong Martes ay wagi ang Love Before Sunrise with 8.5%, over Can’t Buy Me Love na 7.5%.

Read: 'Can't Buy Me Love' ng DonBelle, naungusan sa ratings ang 'Love Before Sunrise' ng BeaDen

Mula Nobyembre 12, Linggo hanggang Nobyembre 15, Miyerkules, ay nakaluklok muli ang Can’t Buy Me Love sa tuktok ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 'Can't Buy Me Love' ng DonBelle, No. 1 agad sa Netflix Top 10 TV shows

As of November 1 ay mahigit 500M views na sa TikTok ang serye nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Isa ang Can't Buy Me Love sa most watched series sa iWantTFC sa nakalipas na apat na linggo. Umaariba pa rin ito sa trending topics ng X (dating Twitter).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stolen Life, the new Kapuso aftenoon drama series starring Carla Abellana and Beauty Gonzalez, premiered with 8.4%.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results