PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DonBelle's 'Can't Buy Me Love' No. 1 on Netflix Top 10 TV shows

'Linlang' nina Kim Chiu at Paulo Avelino, nangunguna naman sa Prime Video.
by PEP Troika
Published Oct 16, 2023
can't buy me love
'Can't Buy Me Love,' starring DonBelle loveteam of Donny Pangilinan and Belle Mariano, climbs to No. 1 of Netflix Top 10 TV shows.

JERRY OLEA

Nanguna agad ang Can’t Buy Me Love sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix.

Magpapakilig dito sina Donny Pangilinan at Belle Mariano bilang Bingo at Caroline, sa direksiyon nina Cathy Garcia-Sampana at Mae Cruz-Alviar.

Itong Can’t Buy Me Love ang ikalimang Pinoy drama series na pumasok sa listahan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines this year. Ang apat na nauna ay ang Call Me Tita, Pangako Sa ‘Yo (The Promise), Maria Clara at Ibarra, at Suntok sa Buwan na pawang ipinalabas na sa TV bago nag-Netflix.

Sa apat na iyan ay iyong Maria Clara at Ibarra nina Barbie Forteza, Dennis Trillo, David Licauco, at Julie Anne San Jose ang nag-number 1 sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH — consecutively mula Abril 16 hanggang Mayo 7.

Read: Maria Clara at Ibarra, umaariba sa No. 1 spot sa Netflix Philippines

Nasa Top 10 TV Shows ang Maria Clara at Ibarra hanggang Hunyo 20. Mula noon ay wala nang Pinoy drama series sa Top 10 TV Shows, hanggang sa mag-streaming ang pilot episode (“A Family Affair”) ng Can’t Buy Me Love noong Friday the 13th, 8:45 p.m. sa Netflix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oktubre 14, Sabado ng 8:45 p.m. naman ito nag-pilot sa iWantTFC, at simula ngayong Oktubre 16, Lunes ng 8:45 p.m. ay kapalit ito ng The Iron Heart sa Primetime Bida block.

Opo! Mapapanood ito sa TV5, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, at TFC… katapat ang Love Before Sunrise nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.

150 episodes (30 weeks) ang Can’t Buy Me Love.

As of today, Monday morning ay streaming na sa Netflix ang first three episodes nito. Hanggang Mayo 2024 ang Netflix streaming ng Can’t Buy Me Love, kaya susubaybayan natin kung hanggang kailan mananatiling number 1 sa Netflix ang DonBelle series.

Ayon sa source ng PEP Troika, sapat na raw sa tatlo’t kalahating linggo ang nakabangkong episodes ng Can’t Buy Me Love.

Four days a week kung mag-taping ang series, kung saan tampok din sina Rowell Santiago, Ruffa Gutierrez, Agot Isidro, Ina Raymundo, Maris Racal, Kaila Estrada, Albie Casiño, Anthony Jennings, Joao Constancia, Darren, at Nova Villa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast din ng Can’t Buy Me Love sina Shaina Magdayao, Bernard Palanca, Ronnie Lazaro, Ketchup Eusebio, Karina Bautista, Hyubs Azarcon, Kakai Bautista, Alora Sasam, Katya Santos, Enzo Pineda, Chienna Filomeno, Rhen Escano, Alwyn Uytingco, Bodjie Pascua, Janna Agoncillo, Althea Ruedas, Jeremiah Cruz, at Chastity Dizon.

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix — Can’t Buy Me Love, Strong Girl Nam-soon, Young Sheldon, Mashle: Magic and Muscles, Lupin, The Rising of Shield Hero, Jujutsu Kaisen: Shibuya Incident, Spy x Family, Destined with You, at The Fall of the House of Usher.

Apat sa mga iyan ay animé (Mashle: Magic and Muscles, The Rising of Shield Hero, Jujutsu Kaisen: Shibuya Incident, at Spy x Family), samantalang dalawa ang K-drama (Strong Girl Nam-soon at Destined with You).

netflix top 10

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, ang Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix — Ballerina, Gemini Man, Nowhere, The Conference, Keys to the Heart, Love Me Tomorrow, Fair Play, Reptile, The Tuxedo, at Mean Girls.

Dalawa riyan ang gawang Pinoy, ang Keys to the Heart nina Zanjoe Marudo, Elijah Canlas, at Dolly de Leon, at ang Love Me Tomorrow nina Dawn Zulueta at Piolo Pascual.

netflix top 10

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Good planning really pays off.

Matagal-tagal na ring pinagplanuhan ang teleseryeng Can’t Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, at ngayo’y talagang binubusisi ito.

This is the first time na na-credit ang directorial job ni Direk Cathy bilang Cathy Garcia-Sampana. Before ay Cathy Garcia-Molina siya.

Maliban kay Direk Cathy, si Ian Lorenos muna ang nangangasiwa ng second unit dahil tinatapos ni Mae Cruz-Alviar ang pelikulang Rewind nina Dingdong at Marian para sa Metro Manila Film Festival 2023.

Afterwards, si Direk Cathy naman ang magsu-shoot ng movie pag puwede na si Direk Mae sa taping ng Can’t Buy Me Love.

Ngayong nauna na ang magandang response sa online streaming ng teleserye, tingnan natin ang magiging standing nito sa mainstream network release.

Nakakamangha kung paano nagawang ikutan ng ABS-CBN ang kanilang kawala ng franchise para makuha pa rin ang kanilang Kapamilya viewers.

Sa Prime Video ay namamayagpag naman ang serye nilang Linlang kung saan bida sina Paulo Avelino, Kim Chiu, at JM de Guzman. Iba talaga kapag premium content ang nagagawa mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Congratulations!!!

GORGY RULA

Ang ganda ng first three episodes ng Can't Buy Me Love ng DonBelle na streaming na sa Netflix.

Nakikitang ginastusan ang production nito kaya ang glossy ng kabuuan ng teleseryeng ito.

Okay si Belle dito, at ang cute ni Donny na madadala ka sa karakter niya. Pero wala pa silang kilig-kiligan dito. Kaya lang, mahu-hook ka na sa pagsisimula ng kuwento.

Magaling dito sina Agot Isidro, lalo na si Maris Racal na nakakaaliw ang bangs at maldita niyang karakter.

Type ko rin ang karakter dito ni Ruffa Gutierrez na mukhang may pasabog siya sa kuwento.

Ang suwerte ni Kaila Estrada na maganda ang role niya rito, at kasali rin siya sa Linlang na napapanood sa Prime Video. Napakahalaga rin ng role ni Kaila sa Linlang na maganda rin ang takbo ng kuwento.

Bukod sa napakagaling din nina Maricel Soriano, Ruby Ruiz, Kim Chiu, JM de Guzman, lalo na si Paulo Avelino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napakabilis ng takbo ng kuwento ng Linlang, kahit may konting butas, pero suma tutal ay maganda ang takbo ng kuwento.

Ang galing ng ABS-CBN na nakakagawa sila ng mga magagandang teleserye kaya waging-wagi sila sa digital.

Sa free TV naman ay nagagawa nilang makipag-collab sa GMA-7 at TV5. Kaya nandiyan pa rin sila at napapanatili nila ang kasikatan ng mga artista nila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
'Can't Buy Me Love,' starring DonBelle loveteam of Donny Pangilinan and Belle Mariano, climbs to No. 1 of Netflix Top 10 TV shows.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results