PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Sison, Nonoy Zuñiga vs Rich Matrona

Hitmakers, bibigyang-pugay si Rico J. Puno sa kanilang 20th anniversary concert.
by PEP Troika
Published Nov 17, 2023
marco sison nonoy zuniga hitmakers
Marco Sison (left) and Nonoy Zuñiga (right) will reunite with fellow Hitmakers Rey Valera and Hajji Alejandro for their 20th anniversary concert produced by Pops Fernandez.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Isang concert ang pinaghahandaan ng Hitmakers na sina Rey Valera, Marco Sison, Nonoy Zuñiga, at Hajji Alejandro para ipagdiwang ang kanilang 20th anniversary.

Nagpapasalamat sila kay Pops Fernandez ng DSL Productions dahil ipinag-produce sila uli ng concert para sa kanilang anniversary.

Ang pamagat ng concert ay XXceptional: The Hitmakers 20th Anniversary na gaganapin sa The Theatre at Solaire sa December 1, 2023.

Read: Pops Fernandez, patuloy ang pagpu-produce ng concerts sa gitna ng pandemya

Sabi ni Rey, maraming mga bagong mapapanood sa concert nila, kagaya ng mga bagong kantang isusulat niya para sa concert na ito.

Pinaghahandaan na rin daw nila ang tribute nila para kay Rico J. Puno.

Read: OPM Hitmakers remember happy times with Rico J. Puno

"May tribute kami kay Rico Puno. Gagawin naming buhay pa rin siya," pakli ni Rey nang nakapanayam namin sa mediacon sa Mesa Restaurant, Quezon City, nung Miyerkules November 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Hajji, “Bukod sa siyempre gumawa kami ng mga kantang bago para sa audience namin. Basta yun lang ano, sa isang show gagawa ka ng sarili mong kanta, bihira.

"As the title suggest XXceptional, dahil 20th nga ano, dalawang Xs. Ang maiba rito, ang sabi nga ni Rey, may pinasadya kami kay Pareng Rey na mga bagong composition just for this concert, also production numbers kasama na rin diyan with our special guest, Pops Fernandez.

"Kasi naging guest na rin namin siya in other concerts, iba yung gagawin namin ngayon with Ms. Pops dito.

"And maikukuwento namin sa kanila on how we started as a group. Kasi, familiar sila sa mga solo careers namin, pero paano kami nagtagal ng dalawampung taon na magkasama na hindi nagsasaksakan ng gunting, ano?"

marco rey hajji nonoy hitmakers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(From left) Marco Sison, Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga, and Rey Valera

Naunang dumating sa mediacon nung Miyerkules sina Marco at Nonoy kaya madami-dami rin kaming napag-usapan bago nagsimula ang paghaharap nila sa media.

Inamin ni Marco sa PEP Troika na hanggang ngayon ay may mga mayayamang matrona pa rin daw ang nagpaparamdam sa kanya. Ang nawala na lang daw ngayon, ang mga kabadingan na dati'y nahuhumaling nung kabataan niya.

Si Nonoy ay inamin sa PEP Troika na may mga pinagawa siya sa mukha para ma-maintain ang dating kakisigan.

JERRY OLEA

Si Hajji Alejandro ang binansagang Kilabot ng Mga Kolehiyala, pero hindi maitatangging isa sa kinakikiligan noong kabataan nila ay si Marco Sison.

Hindi itinanggi ng male balladeer na may mga natatanggap siyang mga indecent proposals noon. So far, ang pinakamalaking naiaalok daw sa kanya ay bagong kotse, pero wala raw siyang pinatulan.

Pero napangiti si Marco nang diretsahan siyang tinanong kung hanggang ngayon ba ay may mga matrona pa ring nagpaparamdam sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natawa si Pops nang narinig niya ang tanong dahil nasaksihan daw nila sa isang show nila sa San Francisco, California, na meron pa ring naglalandi kay Marco.

"Sa San Francisco!" singit ni Pops sa usapan.

Hindi niya idinetalye kung ano ang nangyari, pero doon daw niya nakita kung gaano pa rin ka-attractive si Marco sa mga kababaihan.

"Isa siyang champoy! May asim na maalat," natatawang tukso ni Pops kay Marco.

Sabi naman ni Marco, "Siyempre, nakaka-flatter. It's neverending na pakiramdam na hindi lang naman yun, kumbaga.

"Siyempre, nararamdaman mo na rin na may halo yun na paghanga, di ba? Sa mga nagawa mo, na up to now nagagawa mo pa din.

"Yung appreciation nila sa yo ngayon, yung total package na kumbaga. Minsan nga ang pakiramdam ko, mas physical pa e.

"Yung iba, 'Hindi ka nagbabago, ha? You have a nice body.’ Kaya ako, trying hard talaga ako to maintain, pero napakahirap mag-maintain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pa rin daw siyang pinapatulan sa mga nag-aalok sa kanya, dahil tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya.

"Mula nung bata pa ako. Na-offer lang. HIndi ko pa kinakagat kasi hindi naman ako sanay sa ganun.

"Sinasabi nila na parang fortune mo na yun. E, kaya naman kung magtitiis, di ba?” sambit ni Marco.

Natatawa na lang siyang sinabing mga matrona ang patuloy pa ring nagpaparamdam sa kanya at nag-aalok ng kung anu-ano.

"Marami pa rin. Pero ang nabawasan, siyempre nung bata tayo, yung nawala na talaga yung mga bekis. Gusto na nila, bagets, e," natatawang pahayag ni Marco.

Kaya na-maintain pa rin ni Marco ang kakisigan dahil regular daw siyang nagdyi-gym, at tuluy-tuloy ang pagda-diet.

Si Nonoy ay nag-e-exercise din, pero talagang vain daw siya. Kaya hindi niya itinangging regular siyang nagpapa-facial, at may mga ginagawa sa mukha niya.

"Okay lang sa akin, basta gusto mo at may pambayad ka, okay lang yun," kaagad na sagot ni Nonoy sa tanong kung okay lang sa kanyang may konting aayusin sa kanyang mukha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa regular na pa-facial, naranasan na rin daw niyang mag-threading para ma-lift ang kanyang mukha.

"Magpa-facial, kailangan yun, e. Kung kailangan nang hilahin, pahila ko to. Huwag lang sobra, baka tumaas e.

"Yung mga peeling, tapos yung mga strings na parang lifting lang," napapangiting pakli ni Nonoy.

Ipina-tattoo na ba niya ang kanyang kilay?

"Okay lang magpa-tattoo, naagnas e! Strong word, ha!" natatawa niya uling sagot.

"We have to accept that e, pag nagkaka-edad tayo, kahit paano nababawasan. Isang malaking bagay, kasi yung mga fans mo, hindi nila nakikita yung sarili nila e.

"Parang hindi tumatanda yung mga idol nila. Pag nakita ka, tapos sabihin sa yo, 'Ang tanda mo na! Uy, lumaki ka! Kalbo ka na!’ yun ang sabi ng mga fans," sabi pa ni Nonoy.

NOEL FERRER

Masaya tayo na in the advent of big foreign artists like Rod Stewart and Janet Jackson, kahit na Il Divo, umaarangkada ang local concerts nina Odette Quesada at Gary Valenciano, na parehong super-successful ang 40th anniversary Series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Odette will have her repeat on November 24 and 25 with Gary V as one of the many special guests; along with Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Lani Misalucha, Randy Santiago, The Company, Raymond Lauchengco, Bituin Escalante, Arman Ferrer, and Fe delos Reyes with very good new artists Mike Shimamoto and Nina Campos, sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati.

Read: Homecoming concert ni Odette Quesada, may ambag para sa Taal evacuees

Si Gary V naman will have his Final Repeat at the Music Museum on November 30 and December 1 na sold out na rin, at sana may susunod pa.

Read: Gary Valenciano pushes through with North America concert tour despite pneumonia

Tapos may Regine Rocks pa sa MOA Arena on November 25.

At excited tayong lahat sa Rivermaya reunion sa February.

Read: Rivermaya's classic lineup confirmed to reunite for February concert

Ang galing talaga na may ganitong magandance reception sa mga local artists. Kaya go go go OPM Hitmakers!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At Go go, go din The Company and Jose Mari Chan sa December 9, Jed Madela Here and Now on December 10.

Mabuhay ang OPM!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Sison (left) and Nonoy Zuñiga (right) will reunite with fellow Hitmakers Rey Valera and Hajji Alejandro for their 20th anniversary concert produced by Pops Fernandez.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results