PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eat Bulaga! Ratings Joy, BPop Idols Contract

Copyright infringement case ng TVJ vs TAPE, may resolution na?
by PEP Troika
Published Nov 20, 2023
bpop idols
BPop Idols inks exclusive contract with TAPE after winning in Eat Bulaga!
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Limang taong kontrata ang pinirmahan ng grupong BPop Idols ng Eat Bulaga! sa TAPE, Inc. noong Biyernes, November 15, 2023.

Anim na miyembro ang naturang grupo na na-discover sa "Search for BPop Idols" sa Eat Bulaga!.

Ang all-female group ay kinabibilangan nina Barbie, Joanna, Audrey, Swaggy, Jade, at Yzabel.

Marami raw nakaplano ang TAPE sa naturang grupo na regular na ngayong napapanood sa Eat Bulaga!.

Kasama sa contract signing ang CEO at Presidente ng TAPE, Inc. na si Congressman Jon Jalosjos at ang Executive Vice President for Production na si Soraya Jalosjos.

bpop idols contract signing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong ng PEP Troika ang legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham kung papipirmahin din ba ng kontrata ang ibang hosts ng naturang noontime show.

Sina Paolo Contis at Isko Moreno pa lang ang nakapirma, at sana ganundin din daw ang ibang co-hosts nila.

Sabi ni Atty. Maggie, papipirmahin naman sila para matiyak na regular din silang mapapanood sa naturang noontime show.

Masaya raw ang mga taga-Eat Bulaga! dahil bumalik na ang madami nilang commercials. Madalas ay mahigit 30 minutes daw ang kanilang commercial load at mas marami pa ito kapag Sabado.

Happy rin daw sila sa ratings nila na lumalaban naman sa E.A.T. ng TVJ sa TV5.

Read: Isko Moreno on 'Eat Bulaga!' ratings: "We're very happy with the numbers."

Noong nakaraang Biyernes, November 17, ay mas mataas ang rating nila na 4.2% kumpara sa E.A.T. na 3.8%. Ang It's Showtime naman na laging nag-trending ay 2.4 percent.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong Sabado, November 18, ay mas mataas uli ang E.A.T. na naka- 4.6%, at 3.8% ang Eat Bulaga!. Ang It's Showtime ay 2.6%.

NOEL FERRER

Maganda pa ring hindi kampante ang noontime shows at lagi silang nagpapagandahan.

Ang mga bagong members ng show at mga bagong tuklas nilang talents ang nagpapainteres sa mga bagong audience na bigyan ng chance ang programa nila, kaya welcome ang mga bagong mukha na sana ma-develop talaga nila.

At dahil Kapaskuhan, maganda rin na maraming namimigay ng premyo at aginaldo sa mga kababayan natin.

Sana lang talaga, dumami na ulit ang manood ng mainstream TV dahil aminin natin, marami nang ibang platforms na kalaban nito sa atensiyon ng mga manonood.

Pati nga advertisers, medyo sana’y magbuhos pa ng maraming pera sa TV… sana, sana!!!

JERRY OLEA

Sa December 2024 ay matatapos na ang kontrata ng TAPE, Inc. sa GMA-7. Maaaring bandang mid of 2024 ay mapapag-usapan na kung magkakaroon ng renewal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Atty. Maggie, “Sa December 2024 pa po ang expiration. But as early as now, TAPE cannot see any network which can handle it the way GMA does.

"Hence, TAPE will definitely renew."

Samantala, nasa korte pa rin ngayon ang copyright infringement case na isinampa nina Tito, Vic & Joey, at si Jeny Ferre laban sa TAPE, Inc. at GMA-7.

Read: TVJ vs TAPE Inc. 'Eat Bulaga!' trademark legal battle, tuloy pa rin

May nagtsismis sa aming meron na raw resolution ang korte, pero itinanggi ito ni Atty. Maggie Abraham.

Magsa-submit pa raw sila ng Memorandum sa November 23, at pagkatapos ay may period na 60 days bago ibababa ang desisyon.

Siyangapala, bale anim na beses nang kinabog ng revamped Eat Bulaga! ang E.A.T. ng Legit Dabarkads mula nang umariba ang Battle of Noontime Shows noong Hulyo.

Iyong recent three na pagwawagi ng Eat Bulaga! ay makakalapit ngayong buwan — Nobyembre 10, Biyernes… Nobyembre 14, Martes… at Nobyembre 17, Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magiging madalas na ba ang pagtatagumpay ng revamped Eat Bulaga! bago pumasok ang 2024?

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BPop Idols inks exclusive contract with TAPE after winning in Eat Bulaga!
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results