PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ninong Ry ayaw sabihin kung magkano ang kanyang net worth

Ninong Ry baon sa utang kaya nagsimulang mag-vlog
by PEP Troika
Published Nov 23, 2023
ninong ry vlog
YouTuber Ninong Ry admits that he started vlogging because of debts: “Kasi nung time na yun, ang trabaho ko ay family business namin. Nagtitinda ako sa palengke, sa Malabon. Yung utang, personal yun. Hindi alam ng nanay ko yun. Nalaman na lang niya yun nang nabayaran ko. Kaya dinadala ko yun araw-araw dati."
PHOTO/S: Ninong Ry Facebook

JERRY OLEA

Baon sa utang si Ninong Ry bago siya nag-umpisang mag-vlog noong Hulyo 2020 sa Facebook and eventually sa YouTube.

Nagkaroon din ba siya ng mental health problem nang lumaganap ang pandemya? Nakaranas ba siya ng anxiety o depression nang pairalin ang community quarantine simula Marso 2020?

Read: YouTuber Ninong Ry inaming pagkakakitaan ang magiging anak

“Kaya ko sinimulan ko ang vlog. Actually dahil dun,” pagsisiwalat ni Ninong Ry sa mediacon ng pelikulang Shake, Rattle & Roll Extreme noong Nobyembre 14, 2023, Martes, sa Valencia Events Place, Quezon City.

“Kasi nung time na yun, ang trabaho ko ay family business namin. Nagtitinda ako sa palengke, sa Malabon.

“Yung utang, personal yun. Hindi alam ng nanay ko yun. Nalaman na lang niya yun nang nabayaran ko. Kaya dinadala ko yun araw-araw dati.

“Anyway, napasara kami sa palengke kahit essential workers kami dati gawa ng na-expose yung isa naming tao. Tapos nagpa-check.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit alam ko na naman talaga! Pucha, lahat yata ng kasalamuha ko dito, may COVID! Wala namang nagpapa-test dito.

“Kasi nung time na yun, mahirap ang testing. Mahirap ang testing. Mahal saka ang tagal ng resulta.

“E, walang willing magsara! Di ba? So, yun nga, na-expose ang tao namin, napasara kami, tinest kaming lahat.

“Siyempre ako, nababaliw ako. Sabi ko, ‘Pucha! Anong nangyayari sa amin dito? Baka wala na kaming negosyong balikan. Baka magkaubus-ubos kami dito.’

“Tapos ako, wala pang trabaho, nagtatrabaho pa ako sa nanay ko. Inabala ko ang sarili ko by playing video games.

“Tapos eventually mga dalawang araw, tatlong araw, tinamad na ako — nag-video na ako.

“Luckily marunong akong mag-edit ng videos dahil sa mga project-project nung college…

“Basically, sabi ko sa sarili ko, ‘Ubusin ko ang oras ko dito, sa pagsu-shoot at pag-e-edit ng video.’

“Para pagkatapos ng araw, pagod ako. Gawin ko nang isang buwan ito, OK na ako. Magbukas na uli kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi agad sumabog ang online views ng kanyang videos. Mahigit isang buwan ang lumipas bago pumukaw talaga iyon ng pansin ng netizens. Kamay-kamay lang ang videos niya noong una.

Read: Chef/content creator Ninong Ry, artista na

Katuwiran ni Ninong Ry, “Walang tatanggap sa mukhang ito, alam mo yun! Hindi agad-agad!

“Hindi agad-agad, kamay-kamay lang talaga nung una. Tapos… kasi wala akong pakialam, e!

“Ang kailangan ko lang talaga, ubusin ang oras at energy ko sa araw na yun. Wala akong pakialam!

“Basta ang importante, konti, ganyan-ganyan. Tapos nung… bago bumalik yung business, may pumasok nang pera.

“Ang perang pumasok ata sa akin noon, three dollars ata. Yun ang una kong sahod.

“Tapos may pumasok uling pera, sabi ko, ‘Ma, baka puwedeng hindi na ako bumalik sa palengke.’”

Siyangapala, gaganapin ang premiere night ng Shake, Rattle & Roll Extreme bukas, Nobyembre 24, Biyernes ng 5:30 p.m., sa Cinema 8 ng SM Megamall, Mandaluyong City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May advance screening din ito sa Nobyembre 26, Linggo ng 4:00 p.m., sa Market Market, BGC, Taguig City.

Inaasahang dadalo sa mga event na ito ang mga artista ng pelikula, kabilang si Ninong Ry.

NOEL FERRER

6.9M na ang mga inaanak o followers ni Ninong Ry sa kanyang Facebook page. 2.04M naman ang subscribers sa kanyang YpuTube channel.

Ano na ang net worth niya ngayon?

“Ay! Hindi ko po puwedeng sagutin yan! Mayayari po ako diyan, hindi po natin puwedeng sagutin yan!” bulalas ni Ninong Ry.

Malayo na siyempre sa $3 ang kabig niya. Ilang digits na ba?

“Ay! Hindi po natin puwedeng sagutin!”

Bakit, dahil may tax ang internet/FB/YT earnings?

GORGY RULA

Bentang-benta si Ninong Ry sa anniversary special ng Bubble Gang na nasa 18 years na! Ang bongga!

Kaya ang title ng dalawang Sunday na celebration ay "Bente O-Chew."

Aliw ang segment nila ni Michael V na Ninong Ry meets Ninong Cry na mapapanood na sa Linggo, November 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, magiging star-studded itong premiere night ng SRR Extreme bukas sa SM Megamall, at meron pa sa Market Market sa Linggo.

Ang dami kasi ng mga artistang kasali sa naturang pelikula, at susuportahan din ng mga kaibigang artista.

Sana nga, mag-reunion na diyan ang iba pang dating Regal babies na naging bahagi sa mga nakaraang installment ng Shake, Rattle & Roll.

Bukod pa riyan ay pinaghahandaan na rin ang premiere night ng In His Mother's Eyes sa November 28.

Sa November 30 naman ang premiere night ng pelikulang Unspoken Letters ng Creative Utmost, at magsu-showing naman ito sa December 13 kasabay ng Para Kang Papa Mo.

Sana, simulan na nating magtambay sa mga sinehan simula sa mga araw na ito hanggang sa Metro Manila Film Festival 2023, dahil magaganda naman ang mga pelikulang mapapanood natin bago ang 49th MMFF.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
YouTuber Ninong Ry admits that he started vlogging because of debts: “Kasi nung time na yun, ang trabaho ko ay family business namin. Nagtitinda ako sa palengke, sa Malabon. Yung utang, personal yun. Hindi alam ng nanay ko yun. Nalaman na lang niya yun nang nabayaran ko. Kaya dinadala ko yun araw-araw dati."
PHOTO/S: Ninong Ry Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results