JERRY OLEA
Maraming naka-line up na pelikulang ipoprodyus ng GMA Pictures sa 2024. Kabilang ba riyan ang napapabalitang bagong pelikula ni Barbie Forteza?
“Oo nga, e, nag-uusap kami ng Star Cinema na sana, gumawa na kami ng isang movie together,” sabi ni Atty. Annette Gozon Valdes nang makatsikahan namin nitong Nobyembre 30, 2023, Huwebes ng tanghali, sa Oriental Palace, Morato Avenue, Quezon City.
“So yun nga, sana Barbie nga.”
Si Atty. Annette ang president ng GMA Pictures, at GMA senior vice president for programming, talent management, worldwide, and support group.
Hindi pa sure kung si Joshua Garcia ba ang ipa-partner kay Barbie sa movie project na iyon.
Mas gusto ba nilang movie na ang i-collab with ABS-CBN, instead na teleserye after Unbreak My Heart?
“Nag-uusap din naman kami. May project kaming pinag-uusapan for next year,” sabi ni Atty. Annette.
Puwede bang mag-promote sa GMA-7 sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng MMFF 2023 entry nilang Rewind, na prinodyus ng Star Cinema?
“Oo, yes! Yes, oo, puwede!” mabilis na sagot ni Ma’am Annette.
“Magpo-promote sila sa GMA.”
Read: Marian Rivera reacts to strong contenders for MMFF 2023, first Star Cinema movie
Take note na aariba ang Kapuso stars sa 49th Metro Manila Film Festival.
Maliban kina Marian at Dingdong sa Rewind, andiyan si Matteo Guidicelli sa Penduko, Alden Richards sa Family of Two (A Mother and Son Story), Pokwang at Eugene Domingo sa Becky & Badette, Beauty Gonzalez sa (K)ampon, Cassy Legaspi sa When I Met You In Tokyo, at Khalil Ramos sa GomBurZa.
Sa entry ng GMA Pictures na Firefly, kasama sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins, Kokoy de Santos, at Dingdong Dantes.
Parang Parade of Kapuso Stars tuloy ang magaganap sa Disyembre 16, Sabado, sa CaMaNaVa! Abangan!!!
NOEL FERRER
Maganda na napo-promote ng GMA lahat ng mga entries ng 49th Metro Manila Film Festival, lalo na yung meron silang Kapuso stars na kasama.
Balita nga namin, may malaking Koreanovela franchise silang nakatakdang gawin by next year na tunay na kaabang-abang.
As for the movies, excited ako sa partnership nila with Star Cinema at kahit yung kanilang pagpo-produce ng isang documentary movie ay kaabang-abang din.
Things are looking up and looking good sa mga pinamamahalaan ni Annette. Kasama ng kapatid ko ring si Tracy, I only wish them all the best!!!
GORGY RULA
Sabi ni National Artist Ricky Lee, may bagong movie project siya sa GMA Pictures.
Tumango si Ma’am Annette, “Oo nga, e, may inaayos kami. Sana maayos, oo. May inaayos kami na puro mga beauty queens na nasa Sparkle ang cast.
“Sina Maxine Medina, Rabiya Mateo, Bianca Manalo. Actually, andami! Nasa Sparkle sila lahat, andami.
“Tapos maraming mga beauty queens, like sina Thia Tomalia, si Hipon [Herlene Budol]. Andami naming beauty queens! So, gusto kong ipagsama-sama sa isang movie.”
Istorya ba iyon ng beauty queens?
“Basta ano, surprise!” bulalas ni Ma’am Annette.
May blessing ba ng GMA executives iyong balak ni Alden Richards na magdirek ng pelikula?
“Oo naman. Kasi siyempre, Sparkle… isa sa mga prime artist namin si Alden,” sagot ni Ma’am Annette.
“And yung turing namin sa kanya is like he’s really part of our family. So yung mga dreams niya, gusto naming suportahan. “
Kaya excited na rin kami na nagbe-venture siya on directing, na hindi lang acting. Full support kami dun.”
