PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TVJ, iba-iba ang reaksiyon sa IPO decision sa Eat Bulaga! trademark

IPO decision sa Eat Bulaga! trademark issue, sumabay sa lindol.
by PEP Troika
Published Dec 6, 2023
tito vic joey
(From left) Vic Sotto, Joey de Leon, and Tito Sotto face the entertainment press this Weednesday morning, December 6, to share their feelings after IPO's decision to cancel TAPE's trademark registration for Eat Bulaga!.
PHOTO/S: TVJ YouTube

GORGY RULA

Sinabayan ng lindol ang balitang bumulaga kina Tito, Vic & Joey tungkol sa pagkansela ng Intellectual Property Office (IPO) ng trademark registration ng TAPE para sa Eat Bulaga!, kahapon, December 5, 2023.

Read: TVJ wins Eat Bulaga! trademark case; IPO cancels Eat Bulaga!/EB trademark of TAPE

Si dating Senator Tito Sotto ang unang nakatanggap ng balita tungkol sa desisyon ng IPO.

Pahayag ni Tito Sen sa ipinatawag nilang media conference ngayong Miyerkules, Disyembre 6, “Kahapon ng umaga ay nakatanggap ako ng text galing kay Atty. [Buko] dela Cruz, at sinabi niyang lumabas ang desisyon ng IPO at pinadalhan ako ng kopya.

"Una sa lahat, abot ang pasasalamat namin sa Panginoong Diyos kasi yun ang matagal na naming ipinaglalaban at ipinagdarasal."

Si Vic Sotto naman daw ay nasa taping ng Open 24/7 ng GMA-7. Nagulat daw siya sa mga natatanggap niyang text na kino-congratulate siya.

"Ako naman, sa taping ako ng sitcom ko sa GMA. Tapos ang daming nagti-text, nagko-congratulate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman ako grumadweyt, ah! Puro congratulations.

"Tapos pinadala sa akin ng kapatid ko na si Maru yung statement nga, dun ko lang nalaman.

"Pero hindi agad nag-sink in sa akin. 'Ano ba to?' Kasi, mga legal na termino. Hindi ako masyadong maalam sa mga legalities. Yung mga legal rights.

"Yung alam ko lang at nararamdaman ko ay yung moral rights. Yung moral rights, yun ay ramdam na ramdam ko yun," pakli ni Bossing Vic.

Nung unti-unti namang nag-sink sa kanya ang magandang balitang ito, saka naman lumindol.

Ikinabahala ito ni Bossing Vic dahil nasa Tagaytay pala ang misis niyang si Pauleen Luna at anak nilang si Tali, namamasyal sa Sky Ranch!

"So throughout the day, as the day went on, nag-Christmas party kami, lumindol. Medyo naguluhan yung isip ko. Kasi yung mag-ina ko, nakasakay sa ferris wheel.

"Si Poleng at si Tali, nakasakay sa ferris wheel dun sa Tagaytay nung lumilindol. Sabi ni Poleng, akala daw niya, luma na yung ferris wheel, gumaganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Medyo naguluhan ako. Pero as the day went on, and nag-Christmas party kami, dun pa lang nag-sink in sa akin na, 'Uy, eto na yata yung kung saan kami dinadala ng tadhana.'

"Aabait naman ang tadhana sa aming tatlo at sa lahat na Darbarkads. Kaya malaking pasasalamat," sabi pa ni Vic.

Read: TVJ: "Bali-baliktarin man ang mundo, ito ang Eat Bulaga!"

JERRY OLEA

Kinumusta ng PEP Troika si Pauleen Luna kung ano ang nangyari nung lumindol.

Nasa Sky Ranch nga raw sila sa Tagaytay dahil gusto niyang ipasyal si Tali. Nasa ferris wheel sila nang tumama yung lindol, kaya natakot daw siya talaga.

"Shokot super!" kaagad text ni Pauleen sa PEP Troika.

Wala raw kamalay-malay si Tali na lumilindol na, pero hindi agad sinabi ni Pauleen sa bagets.

"Hindi ko muna sinabi kay Tali. Nung nakauwi kami, tsaka ko lang sinabi sa kanya. Naloka siya!" dagdag niyang text.

Tungkol naman sa GMA-7 sitcom na Open 24/7, kare-renew lang nito ng kontrata para sa bagong season.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May lumabas na bali-balitang sisibakin na ang Open 24/7, at sa TV5 na magsi-sitcom si Bossing Vic.

“Nagulat nga ako,” sambit ng Kapuso executive na si Atty. Annette Gozon-Valdes noong Nobyembre 30 sa Oriental Palace restaurant, Morato Avenue., Quezon City.

“Parang wala naman. Kasi, kaka-renew lang nila and OK na OK naman yung show nila sa amin.”

Aware siya sa bali-balitang iyon?

Tugon ni Ma’am Annette, “Nabasa ko, nagulat nga ako, e. Parang, ‘Ay! Ano yun?!’”

Freelance si Bossing Vic kaya puwedeng gumawa ito ng sitcom o anumang programa sa ibang TV station.

“Nakikita naman siya sa ibang channel. Maganda ang relationship namin kay Vic at matagal na kaming magkatrabaho, mga 28 years na,” sabi pa ni Ma’am Annette.

Iyong revamped Eat Bulaga! ay hanggang Disyembre 2024 pa ang kontrata sa GMA Network.

Ire-renew ba ng GMA-7 ang revamped Eat Bulaga!?

Pagmamatuwid ni Ma’am Annette, “Matagal pa kasi yung contract nila, until end of next year pa. So, saka na lang siguro mag-uusap about renewal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre may negotiations yan.”

NOEL FERRER

Si Joey de Leon ang pinaka-emotional sa kanilang tatlo, lalo nang binalikan nila ang panahong binuo nila ang titulong Eat Bulaga! para sa kanilang noontime show.

Hindi raw kaagad nag-sink sa kanya ang naturang balita hanggang sa napanood niya sa TV ang interview ng kanilang legal counsel na si Atty. Enrique 'Buko' dela Cruz ng Divina Law.

Read: Can TVJ now use Eat Bulaga! for their TV5 noontime show after IPO decision?

"Nung nakita ko si Atty. Buko sa TV, dun lang ako humagulgol talaga. Ang galing niya magsalita!" pakli ni Joey.

Nung sinariwa nila kung paano nila napagkasunduang Eat Bulaga! na ang title ng kanilang noontime show, ibinahagi ni Joey na mahilig siya maglaro sa mga numbers.

Kagaya ng Eat Bulaga! na siyam ang letra, tugma sa Channel 9 na unang istasyon ng naturang noontime show.

Sabi pa niya, “Hindi nyo napuna nung kahapon, ibinaba ng IPO, a-singko, December 5, Channel 5. Anong year? 23! 2 plus 3, 5. Mahilig ako sa ganyan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung magbasa ako sa mga words, left to right, right to left, tapos nira-rumble ko. Magulo! Magulo!

"So, sabi ko Eat Bulaga!, isasali ko. Hindi naman ako kasali, e. Pero part ako ng mga hosts siyempre."

At iba nga ang dating noong kantahin na ng Dabarkads ang Eat Bulaga! theme song na may Bulaga na.

Sana, maayos na nang pabor sa lahat ang mga bagay-bagay.

Read: TVJ, legit Dabarkads malaya nang banggitin ang "Bulaga" sa E.A.T.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Vic Sotto, Joey de Leon, and Tito Sotto face the entertainment press this Weednesday morning, December 6, to share their feelings after IPO's decision to cancel TAPE's trademark registration for Eat Bulaga!.
PHOTO/S: TVJ YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results